Enticing Forty Six

143 3 5
                                    

"Siya ba ang ama ng dinadala mo?" Tumigil ang ikot ng mundo ko sa tinanong ni Keith.

B-buntis ako? Hindi maaari. Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari yun. Hindi pwede. Hindi. . Hindi ito nangyayari. Nananaginip lang ako. Hindi ako buntis!

"Anong. . a-anong sabi mo?" I asked unbelievably. Tumulo ang luha ni Keith kasabay ng paghagis niya ng vase.

Lahat kami ay nabigla sa ginawa niya. "Iwan niyo muna kami." Mariing wika niya.

"Keith, buntis si Hera. Makakasama yang ginagawa mo sakanya!" Joyce yelled.

"Hindi nyo ba ko narinig?! LABAS!" Nakakatakot siya. Hindi ko alam na may mas nakakatakot pang aura si Keith.

Misyadong mabilis ang pangyayari. Mabilis na sinuntok ni kuya si Keith sa kaliwang bahagi ng mukha nito. Napatakip ako ng bibig.

"Kuya!" Sigaw ko.

"Hindi ka ba nakakaintindi?! BUNTIS ANG KAPATID KO!" Galit na galit na sigaw ni Kuya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko kung bakit ito nangyayari.

Kaagad pumagitna sina Mikee at Josh. "PUTANGINA! WALA AKONG PAKIALAM!" Galit na galit na sagot ni Keith kasabay ng sabay sabay na luhang umaagos sa pisngi niya. "G-gusto kong malaman kung sino ang ama. . Lumabas muna kayo."Naging mahinahon naman muli si Keith.

"Sige na mga anak, labas muna tayo." Kaagad tumalima sina Joyce at Trisha. Sumunod naman sa labas sina Josh at Mikee pagakatapos ay si Mama.

Naiwan sa loob si Kuya habang matiim akong tinitingnan. Ngumiti ako ng pilit sakanya habang binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti.

"Mas matutuwa ako kung ikaw ang ama." Sabi nito kay Keith tsaka niya ito tinapik sa balikat.

How I wish kuya. How I wish na sana siya ang ama. . My mind prayed silently.

Lumapit sa akin si Keith at umupo sa upuan malapit sa hinihigan ko. He held my hand and kiss it gently. Lalo akong naiiyak sa ginagawa niya.

"I'm so sorry. . Hindi ko alam. I was drunk. I'm so so sorry." Napapikit si Keith habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko.

Kitang kita kong hirap na hirap siya sa nalaman niya. Who wouldn't be? Kahit naman ako, kung malaman kong may nabuntis siyang ibang babae, magiging mahirap para sa akin.

Pero kung ako ang tatanungin, tatanggapin ko pa rin siya. Hindi dahil buntis ako sa ibang lalaki kaya ko ito nasasabi, kundi dahil napatunayan ko sa sarili ko kung gaano niya ko kamahal.

Dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. Kahit ano pang mali niyang nagawa, paulit ulit ko siyang tatanggapin. Dahil alam kong mahal niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sakanya.

Hindi siya magpapaiwan dito sa loob kasama ako at hahawakan ang kamay ko ng ganito kahigpit kung hindi niya ko mahal. Hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi niya ko mahal.

Aalis siya dito at kukumprontahin ako kung hindi niya ko mahal. Hindi niya ko iintindihin kung hindi niya ko mahal. Hindi niya ko hahagkan kung hindi niya ko mahal.

Hindi siya mananatili sa tabi ko kung hindi niya ko mahal.

Iyak lang ako ng iyak. "Hush, baby. I love you." Lalo akong naiyak sa ginawa niyang pang-aalo sa akin. Bakit hindi sya galit sa akin? Bakit tinatanggap lang niya ang mga nangyayari?

Bakit tinitiis niyang masaktan ng ganito? Bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to para sa akin?

Because he truly loves you. My inner self answered while crying.

The Enticing GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon