Chapter 1

7 0 0
                                    

******************************

Monday

First day ko sa College, sobra akong kinakabahan at the same time sobrang excited dahil onting hakbang nalang abot kamay ko na ang mga pangarap ko.

Marami talaga akong hiling na gustong makamit, last chance ko na tong college year para magawa ko yun. Lahat ng yun nkalagay sa prayer book ko, sabi daw kase kung isusulat mo yun at araw araw na titignan at ipagdadasal, di malabong matutupad yun.

Inayos ko ang gamit ko bago umalis, inisa isa lahat ng pangarap ko at isiniksik sa gitna ng prayer book.

* Gumraduate ng may honor, gagawin ko lahat para makuha yun.
* Makasama sa club ng mga performers
* Makilala ko na kung sino ba talaga ako

At

* LOVE LIFE

Corny man pero wala eh, sana mapagbigyan. Bigla nmang gumuhit ang mga ngiti sa aking labi na nagsasabing " Mangyayari ka rin, Naniniwala ako na mangyayari ka rin."

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, lumabas na ako at nagpaalam na kay Mama.

" Ma alis na po ako"

" Ang aga mo nman alas sais pa lang nak, alas otso pa oras mo di ba?"

" Eh Ma malayo po ang Maynila, mahirap na lalo na't forever na ang trapik"

Taga Makati pala ako, ung papasukan kong university ay sa Maynila kaya medyo hassle.

" Cge anak! Mag ingat ka"

Paglabas ng bahay, sumakay ako ng tricycle papuntang terminal ng jeep, siguro mga dalwang sakay pa ng jeep bago ako makarating sa school ko.

Buti nalang at hindi masyadong trapik sa bandang EDSA, nakakabigla nga .

Siguro wala pang mga 45 minutes nakarating nako sa school, maaga aga pa nga eh buti nalang may Mcdo malapit dun school kaya dumiretso muna ako para makakain. Di rin kasi ako nakakain ng maayos kanina, kaagaw ko mga kapatid ko sa ulam.

Umorder ako ng chicken fillet saka kape pampagising, alangan namang coke agad, ke aga aga pa. Kumain ako at nag stay hanggang mag 7:30 na.

Dumiretso na ko sa school, napakalaki at napakaganda, pangarap ko ang mag aral tlaga dito kahit na medyo malaki ang tuition, may scholarship namang inoffer saken sa simbahan kaya kahit papaano mababawasan ang bayarin.

Asa loob na ako ng school padaan sa parang shed kung san ang parang tipunan ng mga estudyanteng naghihintayan sa pagpasok. Nung parang napapansin ko na nakatingin sila sa akin.

May mga nagbubulungan, may parang kinikilig kilig at may parang nagtatawanan. Lahat yun naktingin sa kin, titingin ako kaliwat kanan, takang taka kung anong meron sa kin na hindi ko alam na binibigyan nila ng pansin.

Inisip kong tumalikod para tumingin bakasakaling yung nasa likod ko ang pinapansin nila at sakto pagkatalikod tumama ako sa isang lalaki na halos kasing tangkad ko lang kaso medyo may kalamangan sakin.

Gwapo sya, at may maipagmamalaki.

" Panyo m ba to?" tanong nya habang hawak hawak ang panyo ko. Iritable pa ang pagkakatanong !

" Halah..pano napunta sa yo!" pagtataka ko, pano napunta sa kanya yun.

" Nahulog mo! Pasalamat ka pinulot ko!" payabang nyang sagot.

" anlikot mo pa maglakad" dugtong pa nya,

ano nmang kinalaman ng paglalakad ko dun.

" Padaan nga!!" at umalis na sya kasama ang iba pang lalaki na nasa likod nya. Ang yayabang at ang sisiga.

NaTaTanging Hiling (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon