******************************
2nd day, gumising na ko ng alas sais since hindi naman ata tatrapik, wala nga kahapon eh.
Bumaba na muna ako para kumain, bigla nalang kasi akong nakaramdam ng gutom. Sakto kumakain narin si Ate Jane tsaka si Carlo kaya nakisabay nako, si mama naman nagluluto pa ata ng isang pang ulam.
" Morning, ma" kiss ko kay mama sabay upo sa lamesa.
" Jay anak, bat ngayon ka lang nagising, hindi ka ba male late?" tanong ni mama habang nagluluto.
" Ndi yan ma, kahapon nga walang trapik!"
" Sigurado yan ah?"
" Ako pa ba Ma?? Di ba ?" sabay tingin ko kay Ate at Carlo na parang mga balisa.
" Oh bat ang lulungkot nyo, smile naman dyan!! Nakakahina ng araw yan!"
" Mababawasan kasi baon namin dahil sayo!!" sagot ni Ate Jane
" luh?!, inaano kayo ng baon, tig pa 500 tayo ah?!"
" Oo nga minus 50 dahil pandagdag sa allowance mo- edi 600 na sayo, anlayo kase ng pinagaaralan!!" pagrereklamo pa niya .
" Magkano nalang pera mo?"
" 500 - 200= 300 tapos minus 50 = 250!!!"
" Ikaw Carlo?"
" 350 pa!" si Carlo.
" Eh ikaw" tanong ni Ate
" 1K - 150= 850 + yung tig 50 nyo edi 900 pa haha!"
" Whatt?? Bat 1K allowance mo, si Mama favoritism!!" reklamo pa ni Ate
" Oi oi! Anong favoritism, 500 lang kayo pare parehas, nadagdagan lang yang kanya dahil scholar yan ng simbahan, linggo linggo may limandaan yang nakukuha pantulong sa kanya!" sabat naman ni Mama.
" Edi ikaw na ang Scholar ng bayan!!" sabay irap ni Ate.
" Nag aaral kase ako nang mabuti ate" sagot ko sa kanya
" Nagaaral rin naman ako nang mabuti kaso hindi ko lang talaga reach ang iq mo!"
Natatawa lang tlaga ako.
" Ikaw Tol, graduating ka na ah?! Musta first day?" tanong ko nman kay Carlo, ang sumunod sa kin. Isang taon lang agwat ko sa kanya kaya tol tol lang kame
" Saktuhan lang!" tipid nyang sagot.
" Musta love life nyo ni Gwen?"
" Dami mong tanong?!" medyo suplado talaga yang si Carlo, mabarkada tsaka sya lang ang hindi naglilingkod sa simbahan pati ugali ibang iba.
Tinapos ko nalang ang pagkain ko saka dumiretso sa banyo, ligo tapos toothbrush, bihis, pabango. AYOS!!
Nakaharap ako ngayon sa salamin, susuklay suklay, huminga nang malalim.
" 2nd Year of College. Lord please be good to me.."
Sign of the cross saka umalis.
******************************
Quarter to seven siguro nung makalabas sa bahay, nakasakay ng tricycle: ng unang jeep at ngayon....
Nag- aantay ng jeep pa pamantasan, limang minuto narin akong nakatayo, pero wala pang dumadaan.
" Kuya!! Kuya, bat wala pa hong jeep na dumadaan pa pamantasan, kanina pa ho ako nag iintay." tanong ko kay Kuya na nagkokonduktor dito.
" Ayy dung! Pag gantong oras, trapik banda sa IDSA, mag trin ka nalang!"
BINABASA MO ANG
NaTaTanging Hiling (boyxboy)
RomanceHindi nman masamang humiling di ba? Lalo na kung para nman sa ikabubuti mo at para sa lahat. Eh pano kung humingi ako ng napakakaibang hiling Yung hiling na imposibleng ibigay niya sa kin Yung hiling na maraming hindi yun tatanggapin Yung hiling na...