Chapter 1

28 7 3
                                    

"Starting today, you will work for me as my personal assistant," sabi ni Mrs. Shin. "Halika hija, ituturo ko sayo ang magiging silid mo." dagdag niya at saka ngumiti.

Personal assistant pala ang trabaho, akala ko kasambahay... Pero bakit yung anak niya yung nagsuri sa mga nag-apply? Tsk pero ayos na basta natanggap at may trabaho na ako!

"Megan, kung gusto mong magka extra income maliban sa pagiging PA ko, pwede ka namang magtrabaho dito sa loob ng bahay kung naka home base ako, okay ba yun sayo? Maglilinis ka lang ng bahay Megan, maliban don ay gawain na ng ibang kasambahay at ni Doreng."

"Oo naman po ma'am! Maraming saamat po!" nakangiting sabi ko.


Maglilinis muna ako ng bahay ngayon dahil nandito naman si Mrs. Shin sa bahay, at saka on-leave naman ang ibang kasambahay, kaya dalawa nalang kami ni Ate Doreng ang gagawa ng mga gawaing-bahay.

"Manang, ipaghanda mo nga ako ng almusal." utos ni Spencer habang pababa sya ng hagdan. Ako? Manang? Tumingin ako sa paligid baka naman si ate Doreng ang kausap nya... pero nagdidilig sa labas si ate Doreng, ibig sabihin-?

"Ikaw ang kinakausap ko, manang."

"Ha?" Tinawag na naman nya akong manang?!

"Bingi ka ba? Ikaw nga! May iba pa bang manang dito maliban sayo? tsk" ABAT SINASAGAD TALAGA AKO NITO! BAHALA KA SA BUHAY MO! Tsaka, hindi naman kabilang sa trabaho ko ang pagsilbihan ka, at mas lalong hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin!

Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis. Kung gusto nyang kumain, edi ipaghahanda nya sarili nya. May pasok pa ako mamaya kaya ayokong masyadong magpapagod---

"ARAY ARAY ARAYYY!! BITAWAN MO ANG BUHOK KO!! ANO BA?!!" HINILA NYA ANG KINGKI KONG BUHOK HUHUHU PARANG MADO-DOUBLE KINGKI PA TO EH!

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho?!"

"HOY! Excuse me?! Hindi ako nagtatrabaho para pagsilbihan ka! BATUGAN!"

Aray ang buhok koooo! Pwede naman nya siguro akong kwelyuhan ahh! ay gago naka tshirt lang pala ako, mas astig kasi yun kung naka polo

"Ulitin mo nga ang sinabi mo!"

"Spencer! What are you doing? BItawan mo si Megan!" nakooo kung hindi pa dumating si Mrs.Shin jusko baka nakalbo na ako woooh

Inayos ko ang buhok ko habang nakayuko. Nakakahiya kaya humarap sa boss mo na sabog sabog!

"MA! Sumasagot-sagot sakin yang pangit na yan at ayaw pa nyang gawin yung inutos ko!"

"Spencer,  hindi naman tama na gawin mo yan sa babae-"

"Babae ba yan ma? Tingnan mo nga ma! Mukha syang porcupine-" SINONG PORCUPINE?! HOY GAGO!

"SPENCER! Personal Assistant ko si Megan at ako ang nagbilin sa kanya na maglilinis lang sya ng bahay, maliban don ay hindi na nya gawain."

Napakamot sya sa bakot. Dinilaan ko sya! Ano ka ngayon? Bleeeeeh!


Mag-aalas singko na pala... may pasok pa ako ng 5:30. Tatapusin ko na lang itong mga papeles na pinaayos sa akin ni Mrs. Shin at papasok na ako ng school.

Last paper na lang! Yes! Dadalhin ko na to sa baba sa sala para tapos na ang gagawin ko.

Bumaba ako ng kwarto para dalhin sa baba ang huling papeles. At sa sobrang malas ko naman, naabutan kong nakaupo sa couch si Spencer.

"Manang, fix my room. Magpapahinga na ako." hindi ko sya pinansin. Hindi ako natatakot sayo kaya wag kang ano! Tsaka busy ako, hindi ba obvious sa kanya to?

Sumipol ako... busy po ang sinasabi nyong manang kaya manigas ka!

"HOY! I said, fix my room! Inaantok na ako!"

Wala akong narinig...... Dumiretso lang ako sa kwarto ko. Di na tuloy ako makakligo kasi malelate na talaga ako. Magbibihis na lang ako ng uniform at lalabas na ako.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Mag-aabang pa ako ng tricycle na sasakyan ko papuntang university- ARAYY! DI AKO MAKAHINGA!

"BITAWAN- MO- ANG- NECKTIE KO!!" nagsisisigaw ako habang habol habol ko ang aking hininga juskooo hinila nya pataas ang necktie ko "BITAWAN- MO- SABI!!" Pinipilit kong abutin ang kamay nyang may hawak ng necktie ko.

"This is what you deserve for being hard-headed!"

"TEKA! Sumusunod lang ako sa utos ng mama mo- ano ba?!"

"Si mommy talaga... Gusto mong higpitan ko 'to?"

"Bibitawan mo o bibitawan mo?" *ubo* kinakapusan na talaga ako ng hangin! Wala na talaga akong choice! Ayoko sanang gawin pero-eto naaaaa!

"AHH- ARGHHH!! AHH! OUCHHH FUCCCK!!" napapatalon-talon sya habang hawak-hawak nya ang ano nya  HAHAHA sorry hindi ko naman talaga gustong gawin yun eh pero sya tong mapilit eh! "PAG AKO MABAOG MEGAN- ARGHHH...." Natataranta naman tuloy ang diwa ko dahil dito nakooo di ko alam kung anong gagawin ko baka kapag lapitan ko pa to, baka patayin na ako ahhhhh ayoko pang mamatay T^T

"S-sorry ahh-hindi k-ko sinasadya! Sorry!"



"What?! Bat mo naman ginawa yun? Kawawa naman ang Spencer ko huhuhu"

"Bes! Si Spencer lang yun! Ganun ka na ba kainlove sa batugan na yun?!" Ewan ko ba kung bakit sa dinami-daming lalaki bakit yung batugan yun pa ang naging ultimate crush nya.

Ako nga pala si Megan Jung, 19 years old at nag aaral ng medisina. Kung nagtataka kayo kung bakit nag aaral ako ng sobrang mahal na kursong ito ay dahil scholar ako ng isang pribadong ahensya. Ang swerte ko nga kasi hawak ko ang oras ko, kaya sa gabi ako may pasok at nagtatrabaho naman ako sa araw.


Mag-aalas nuebe na ako nang dumating sa bahay ng boss ko. Wala naman akong dapat ipag-alala kasi alam naman ni maam ang oras ng uwi ko. Tumingala ako mga kwarto mula dito sa kinatatayuan ko. Salamat naman at tulog na sila. Patay na ang lahatng ilaw maliban sa sala.

*hikab* Inaantok na ako- 0_0

*sinok* "Alas nuebe na ahh! Bakit *sinok* ngayon ka lang *sinok*?" Maryosep! Lasing to ah! "Hindi ko pa *sinok* nakakalimutan ang ginawa *sinok* mo sakin... *dighay*" nakatayo sya sa pintuan pero nakahawak ang isa nyang kamay sa pintuan. Jusko gustpo ko na pong magpahinga ahhhh

"Ahh-kalimutan na natin yun Spencer-"

"Anong Spencer? Boss mo ako, remember?" sabi nya habang matalim ang mga mata pero hindi sya makatingin ng diretso sa akin, natural nagdadalawa na ako sa paningin nya haysss

"Ay sorry SIR! Kalimutan na po natin yun SIR! Actually po, quits na nga po tayo eh, diba?" medyo nagmamakaawa na ako dahil hindi ko kabisado agn ugali nito, baka mamaya, dito ako papatulugin nito sa labas! Hindi parin kasi sya umaalis sa pintuan, tsaka napakalaking bulas kaya nito, hindi keri ng powers ko para tulakin sya papasok. Hay nakoo!

Nagulat ako sa sumunod nyang ginawa! Napaatras ako ng beri slayt nang dumampi ang mainit nyang palad sa pisngi ko!

"Pumasok *sinok* ka na, maginaw dyan." tapos yumuko sya at lumakad papasok.

Nakahinga ako ng malalim nang makapasok na ako sa loob. Alam kaya ni Mrs. Shin na naglasing ngayon si Spencer?

Lumapit ako kay Spencer na nakaupo sa couch habang nakapikit.

"Ah-SIR? Kaya mo pa bang tumayo? Umakyat ka na sa kwarto mo." hindi sya sumagot. Malamang tulog na. Nako pagod na ho ako para buhatin ko pa to paakyat sa kwarto nya! Kukuha na lang ako ng kumot sa taas para less pagod. Inaantok na ako eh!

Umakyat ako sa kwarto ni Spencer, mabuti na lang at hindi naka lock ang kwarto nya kaya agad akong pumasok at kinuha ang kumot nya. Tsk tsk tsk ganito pala talaga ka-dugyotang kwarto ng batugan na to! Pero infairness, mabango naman kahit papaano.

***Hello mga luvs! I did a full edit on this story, sana mas nagustuhan nyo ito hihi
Gonna try to post the next chapter tomorrow evening again!***

The Gangster's Undesirable TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon