Chapter 2

5 1 0
                                    

Kinabukasan.


"Megan, ibaba mo na itong mga papers. Aalis na tayo in 20 minutes."

"Yes maam." bumaba ako ng opisina ni Mrs. Shin dala-dala ang kahon na puno ng mga papeles. Sa sobrang dami, hindi ko na makita ang dadaanan ko. Sa kamalas-malasan namang bungad ng produktibong araw, nakasalubong ko pa itong Spencer, mabuti na lang at nilagpasan lang ako.

"Spencer!" pasigaw na tawag ni Mrs. Shin kay Spencer. Hindi ko na lang yun pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglakad papunta sa garahe. May guts pa talaga kong mag-eavsdrop sa usapan nila eh ang bigat-bigat nitong dala ko. Baka nalaman ni Mrs. Shin na lasing sya kagabi, kaya papagalitan nya. Hay nako bat naman ako mamomroblema?

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit sa sasakyan ay bumalik ako sa loob ng bahay para kunin ang bag ko.

"Ahh so hindi ka parin pala tumigil sa pagiging basag-ulo mo?! You are a med student Spencer pero ano tong sabi ng professor mo?! Hindi ka pumapasok sa klase at doon ka nakikipagbugbugan sa kanto?!" galit na galit na singhal ni Mrs. Shin. Nahihiya na tuloy akong maglakad papunta sa kwarto ko, eh kasi naman parang tanga! Alangan naman mag 'excuse me' ako sa kanila? Paano kasi eh sa daan sila nakapwesto huhuhu "And this! Hindi ka ba nahihiya sa tres mong grades?!"

Hindi sumasagot si Spencer sa mommy nya. Nakayuko lang ito habang sinisinghalan sya ni Mrs. Shin.

"My gosh Spencer! Mabuti pa siguro ililipat na lang kita ng schedule. Pupunta ako ngayon sa administration at ililipat kita sa night class-"

"WHAT?! NO MA!"

Night class? Edi punyeta sabay kaming papasok sa klase! Maam ayoko din poooo!

"Whether you like it or not, ililipat kita ng schedule! Papabantayan kita kay Megan para siguradong papasok ka sa klase mo." Nako maam! Hindi to magandang ideya huhuhu "And sa umaga, babawiin mo ang grades na binagsak mo. Kukunin kong tutor si Megan since iisa lang ang kurso nyo-"

"Papayag ako sa gusto nyong magnight class ako, pero ang maging tutor ang porcupine na yon?! No ma."

WOW NAMAN! Akala mo ba gusto kitang kasama?! Gustong gusto kong makisawsaw sa usapan nila pero nakakahiya, hihintayin ko na lang na sabihin sa akin mismo ni Mrs. Shin, saka ako tatanggi. Hmpf! Eto na siguro yung sinasabi nilang kakambal na kasamaan huhuhuhu Makakasama ko sya 24/7?!

Nagmamadali akong bumalik sa garahe. Maya-maya pa, dumating din sa Mrs. Shin.

"Megan? Pasok muna tayo sa loob, may importante akong ipapagawa sayo."

Eto na nga ang sinasabi ko! huhuhuhuhu



"Megan, hmm paano ko ba sasabihin to? Gusto sana kitang gawing tutor ni Spencer since magka-batch naman kayo and iisa lang ang topics na pinag aaralan nyo. Actually, balak ko syang gawing night class student para magkasama kayong dalawa. Am I being too much, Megan?" hala maam wag nyo naman po akong pakonsensiyahin huhuhu

Ngumiti ako ng pilit, "O-okay naman po sakin maam, pero paano po yung trabaho ko sa inyo?" syempre paano ko hahatiin ang oras at katawan ko para sa pagtututor at pagiging PA ni Mrs. Shin?

"Dont worry hija, nagpapahanap na ako ng pwedeng pamalit sayo. Nakakalungkot nga, ang bait mo pa namang bata," ngumingiti na sabi niMrs. Shin. Mukha ba akong may choice? huhuhu

Tumango lang ako habang ngumingiti ng pilit.

"I'll take that as a yes! Thank you Megan!" sabi ni maam habang hawak nya ang mga kamay ko.

Sabagay, mas okay na maging tutor, atleast narereview ko ang mga lessons na nadidiscuss ko sa gabi. Kamalas-malas nga lang kasi demonyo ang tuturuan ko hays



"Gusto mo lang akong kasama kaya ka pumayag bilang tutor ko, right?" WOOOOH HAYOP LAKAS NG APOG! "I'll make your life mess!"

Napasinghap ako! "HAHAHAHA mukha ko lang ang cheap, pero hindi ang taste ko! At anong mess pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mo, ako ang superior kapag tinuturuan kita, kaya wag kang masyadong maangas. Nakakaumay ews" saka ako nag walk out. Syempre ayokong makasagot pa sya no hahahaha




***hanggang dito na lang muna mga luvs! Sorry for the short update huhuhu***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's Undesirable TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon