"Anak! Napa away ka ba? Ang haggard mo!" Biro ng mommy ni Daniel sa kanya.
Paano ba naman di mahaggard eh halos di siya naka tulog kagabi. He felt uneasy, na para bang may mangyayari ngayon na di niya alam kung maganda ba o hindi.
Napasimangot lang siya, and went to the dining table, ate and afterwards he left for school.
Habang nasa biyahe siya, may nakita siyang dalawang 13 year-old kids na naka upo sa isang bench sa isang park.
They were laughing, giggling.
Napa isip siya sa babaeng unang nagpatibok ng puso niya.
"How is she?" He thought.
Napaka sayang lang kasi time made them drift away from each other. Yes, there were times na tinatry niyang mag reach out sa kanya, pero di na ata gumagana ang accounts niya... or maybe she's avoiding him.
"What happened to the promise of not drifting apart? Alam mo bang miss na kita? SOBRA. Pero, di mo yun malalaman kasi wala ka na. At di ko alam kung kelan tayo magkikita. It was 6 years ago, and I hope kung magkita man tayo.....
ma alala mo ako. And when I see you again, I will not let you go back." Bulong ni Daniel.
"Ano yun ser?" Tanong ng kanyang driver. Si Goma.
Mukhang narinig yata siya.
"Ha? Ah. Wala kuya! Mag maneho ka lang."
Di nag tagal, nakarating siya sa Malaya University. Pag pasok palang niya sa entrance, sobra ng daming tao.
"Ano ba meron?" Tanong niya, pero wala atang pumapansin sa kanya.
Yung iba tumatakbo, yung iba nakiki chismisan malapit sa nagtaong nagkukumpulan sa di kalayuan.
Na alala niyang ngayon pala darating ang babaeng talk of the town kahapon.
Napa smirk lang siya. "Sus, mga tao talaga." At nag simula ng mag lakad papunta sa first class niya.
May naka bangga sa kanya habang naglalakad siya.
The girl was wearing a floral top, naka pony tail ang buhok niya. Acid wash pants, at wedge. Halatang nagmamadali yung babae kasi di man siya nilingon.
Nabagsak niya yung mga bitbit na libro.
"Hoy! Bumabangga ka ng tao pero di ka marunong mag apologize." Kinuha niya yung libro niya at pinagpag.
May isa pang babaeng nagmamadali rin. "Naku, kuya! Sorry, po. Nagmamadali po kasi yung amo ko kasi i me-meet pa siya ng dean. First day palang niya po kasi." Sabi ng babaeng di ganun ka tangkad at obvious na fan na fan ng animal prints.
"Sabihin mo jan sa alaga mong walang galang na mag apologize man lang! Ka badtrip!" Sabi niya tas umalis.
As he went up his classroom, nakita niya yung babaeng naka bangga sa kanya. Busy siya sa pag basa ng nasa bulletin board.
"Infairness, tindig palang at likod alam mong maganda." He thought.
He was supposed to approach her pero na unahan sa ng dean nila. Pumasok sila opisina ng dean. Sumunod naman sa kanila yung babaeng naka animal print.
Pumasok nalang siya sa kanilang classroom. Naka pwesto na sa kani-kanilang upo-an ang kanyang mga kaibigan.
"Pre! Ganda ng babae." Katsumi.
BINABASA MO ANG
She will be loved
Fanfiction"Mahal ko siya, pero paano ko ba siya mamahalin kung di rin niya ako hayaan? Mahirap ang baabeng 'to - sarado ang puso. Paano ko ba ma bubuksan ang puso ng taong sobra ang pagkakandado ng pintu-an? Paano ko ba mapapalambot ang puso niya'ng bato?" -D...