TAO o MULTO

1.7K 31 57
                                    

sa araw araw na ginawa ng DIYOS madami kang makakasalubong na tao . minsan makakabanggaan mo . minsan makakatitigan mo . sa lahat ng tao sa paligid mo .. sigurado ka bang lahat sila ay TAO kagaya mo .. o isa sa kanila'y MULTO..







kasalukuyan akong naglalakad papauwi sa bahay namen ng may mapansin ako na isang lalaki na nakayuko sa isang tindahan kung saan ang ako bumaba ng jeep .. hindi ko nalang iyon pinansin kase naisip ko baka lasing o kaya nakatulog dahil sa sobrang pagod .. saglit akong napatitig sa kanya dahil nagtataka ko kung bakit di man lang siya pinapansin nung tindera na kasalukuyang nasa harap nya at parang nagiintay ng bibili ..

"miss ano yun? bibili ka? "

"ay hindi ho ate ."

nagulat naman ako sa biglaang pagtanong nung tindera sakin binigyan nya din ako ng tingin na parang nagtataka kung ano yung tinitignan ko sa tindahan nya ee di naman pala ko bibili ..



pinagpatuloy ko nalang ung paglalakad ko .. habang papatawid ako nakita ko ung lalaki sa tindahan kanina nakayuko pa din siya at patawid din siya di sya kalayuan sa pwesto ko kaya pinagsawalang bahala ko nalang naisip ko baka uuwe na din siya at same way kami .

mayat maya ako lumilingon .pano ba naman kase kada lingon ko di nawawala ung lalaki di ko alam kung sinusundan bako ohh ano nung malapit nako sa bahay namin agad akong tumakbo para buksan ung gate sinara ko din agad hinihintay ko dumaan ung lalaki pero walang lalaking dumadaan .. pumunta nako sa bahay namin at bago ko isara ung screen ng pinto sumilip ako ulit sa may labas nagbakasali ako na baka makita ko ung lalaki na magdaan pero nagulat ako kase nakita ko siya nasa may gate namin nakatayo ...

nakipagtitigan muna siya sakin ..


bago siya tuluyang mawala kasabay ng pag ihip ng hangin ...

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

TANGHALI..

nagluluto ako ng kakainin namin ng mga oras na yun ako kase ang nakatoka .. dalawa lang kami ni angel non sa bahay kase di pa dumadating ung iba pa naming kasama ..



nagkkwentuhan kami ni angel ng kung ano ano lang para lang may mapag usapan kami malapit siya sa may pintuan ng mga panahon na un habang nagkakape siya ..

ng bigla siyang tumingin sa pintuan namin tapos biglang napakunot ung noo na parang nagtataka ..


tinanong ko siya kung bakit ..

sabi niya ..

"kasi ate may naaninagan ako sa gilid ng mata ko na reflection dito sa may pinto natin ii bukod pa sa reflection ko wala naman tayong ibang kasama"


"sus guni guni mo lang un"

yun nalang ung nasabi ko saka ko tinuloy ung pag luluto ayoko namang matakot siya at isa pa imposible talaga kase dalawa lang kami sa bahay kung kanino man ung anino na nakita nya ..


SUMALANGIT NAWA ANG KANYANG KALULUWA ..

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-




MARTES .


Habang nag aalmusal kami ng pinsan ko sa bahay namin , bigla kaming inaya ng tropa magbasket ball at dahil bawal maiwanan ang bahay mag isa nag pasya ko na magpaiwan kase baka magalit sila mama ..



ng mga panahon na yun naglinis nalang ako ng bahay para di ako masyadong mabagot dahil mag isa lang ako ..

nung naghuhugas nako ng mga pinagkainan namin sa kusina nakakita ko ng dalawang isang bulto ng lalaki sa likod ko ...

TAO o MULTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon