pang ilang beses na ..
pero hindi kopa din nakikita ..
kaya nasisigurado kong ..
hindi ito TAO .. kundi isang MULTO .matutulog na sana ko ng gabing iyon dahil kakauwe ko lang galing trabaho .. pagod ako .as in pagod na pagod . pagod ang katawan at ang utak ko ..
katawan sa kakalakad at kakatayo kakahanap ng aplikante na pwede kong pag applayin sa kumpanyang pinapasukan ko ..
ano ang aking trabaho ?
isa akong HEAD HUNTER..hindi pa halos nag iinit ang likod ko sa pagkakahiga ng makaramdam ako na parang maiihi ako ..
"bwisit naman kung kailan naman nakahiga psh"
sambit ko sa sarili ko .. dala ng pagkabadtrip dumeretso nako agad ng cr ng di man lang binubuksan ang mga ilaw .. tanging ilaw lang sa cr ang nakasinding ilaw sa buong kabahayan ..
tulong na din ang mga kasama ko sa bahay , ako nalang ang gising ..
habang nagccr ako ay nakaramdam ako ng parang malamig na hangin sa may bandang paanan ko , naisip ko na hangin lang iyon galing sa labas dahil hindi ko sinaradong mabuti ang pintuan .. nakaawang ito ng konti dahil ihing ihi nako at dikona magawang ilock pa ang pinto wala na sin namang gising kayat kampante ako ..
ng aktong maghuhugas nako ...
IIIINNNGGGGGKKKKK..
agad akong mapatingin sa pintuan ng marinig ko ang tunog na iyon ..
nakita ko itong nakaawang ng mas malaki sa awang na ginawa ko .. di ko na lamang ito pinansin at inisip ko na dala lang ito ng hangin na nanggagaling sa labas ..
naglakad nako papunta sa pintuan ng cr pagtapos kong buhusan ang bowl .malapit na sana ko sa pinto ng biglang
bumubukas ng dahan dahan ang pintuan ng cr ....
hanggang sa tuluyan na itong bumukas ..
walang tao ..
walang hangin ..
walang kahit na ano ..
pero bakit bumukas ng kusa ang pinto ..
sa takot ko ay tumakbo ako ng mabilis papunta sa kwarto ko .. pagdating ko don ay agad kong nilock ang pintuan at tinungo ang kama ko at mabilis na nagtalukbong ..
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-
tanghali nako nagising ..
aalis na din ang kuya ko para pumasok sa trabaho ..
ako lang at ang aso naming si zoey ang maiiwan sa bahay ...pagtapos kong mag agahan ay kumilos nako .
ang balak ko ay mag gegeneral cleaning ako sa bahay namin ..
andami na kaseng maliliit na ipis ii ..
nakakainis ..
wala namang time maglinis kaming lahat dahil busy sila sa work ..
pag day off naman nila , naggagala lang sila ..
at dahil di naman ako mahilig mag gala ako lang lagi ang tao sa bahay ..bandang alas diyes na ng umaga ng umalis si kuya ..
sinarado nya ung pintuan ng kwarto nya dahil baka pumasok si zoey dun at dun pa magkalat ..agad ko namang sinimulan ang paglilinis ,
inuna ko ung kusina ..
cabinet sa itaas para sa mga pinggan at panluto
at cabinet sa ibaba para sa mga kasangkapan ..alas dose na ng tanghali ng umpisahan kong linisin ang dalawang lalagyanan ng sapatos dito sa bahay ,
sapatos namin ni ate , at sapatos nila kuya ..
saglit ko lang natapos yun dahil madali lang naman ..bandang alas dos na ng hapon ng umpisahan kong linisin ang sala .. nakakaen na din ako at nakapag pahinga ng kaunti at linis na ulit ..
nung nasa tapat nako ng kwarto nila kuya , nagulat ako ng biglang bumukas ng kusa yung pintuan ng kwarto .. imposible naman na mabuksan yun dahil sinarado yun ni kuya bago siya umalis .. sobrang nagtataka ko kung pano yun nangyare gayong ako lang naman ang tao non sa bahay at di ko naman yun binubuksan dahil balak ko ay ihuhuli ko ang dalawang kwarto ..