nandiyan lang sila sa paligid , nagmamasid ..
kasalukuyan akong nasa isang lumang room noon , napagutusan kase ako .. hayy palagi namang ganun .. napagkakamalan tuloy akong "teachers pet" term ng mga estudyante na palaging nakakagalitan ng guro o di kaya di pinapansin ng guro nila na gusto nilang pagpapansinan .. pero ako .. ewan koba kung bakit trip na trip ako nitong guro nato .. si ms.lyn .. palagi nalang akong inuutusan .madalas sakin nagpapasama .. sakin nagpapahatid .. di naman ako makatanggi kase baka magalit sabihin di nako sumusunod sa kanya sya na guro at ako isang hamak na estudyante lamang .. hanggang isang araw ..
"lenlen, pakidala mo naman to sa bodega ng school , di kona kase to gagamitin at nadamage na pala dahil sa kalumaan kala ko maayos ko pa" sabi sakin ni mam .ako naman sunod ako agad kase may pupuntahan din naman ako pagtapos ..
at dahil hindi ko naman alam kung san ko makikita ung sinasabe ni mam dahil bago pa lang ako dito , nagtanong ako kay kuya guard ..
"kuya guard, san po ba ung bodega ng school? may pinapadala po kase sakim ung teacher ko don ii eto po ohh" sabi ko kay kuya guard sabay pakita ng hawak kong gamit na mapaghahalatang luma na dahil nagiba na ang kulay nito dala ng kalumaan ..
"ahhhh dun lang un sa may pinakadulo ng building na to diretsuhin nyo lang itong hallway na to at makakarating din kayo sa bodega lumang room lang iyon na may nakalagay na "faculty room" un yun na yung bodega" sabi ni kuya guard sakin habang tinuturo ang way papunta doon ..
"ahh sige po kuya guard salamat po " sabi ko sabay talikod sa kanya pero di pa man din ako nakakalayo bigla siyang nagsalita .
"osige wag kayo magtatagal don aa mag gagabi na" sabi nito sakin sabay tango sakin at sa may gilid ko di ko alam kung para sakin din ba yun o hindi at kanina pa sya nag sasabi ng "kayo" samantalang magisa lang naman ako ..
habang naglalakad ako sa hallway , antahimik ng paligid , konti nalang din kase ang tao nagsiuwian na ang lahat .. iilan nalang mga estudyante ang naririto , mga nakatambay o ang iba ay nagseself study sa kung saan tahimik at mahangin ..
hindi ko maiwasang kabahan ng mga sandali na yon . lalo pa nung pag daan ko sa isang classroom , parang may sumitsit sakin pero pag lingon koy wala naman ..
pssst !
narinig kona naman pero mas minabuti kong bilisan ang lakad ko ng makarating ako agad sa bodega at makaalis na agad sa building na yun ..
ng makarating ako sa pinakadulong room nabasa ko agad ang nakasulat sa pintuan "Faculty room" agad ko iyong binuksan at dali daling binaba ang gamit sa may gilid ngunit kakababa ko palang ng mga hawak ko ay bigla nalang nagsarado ang pintuan humangin ng malakas sa loob at mabilis akong kinilabutan ..
agad kong tinakbo ang pintuan at mabilis kong binuksan ito sa unang pihit ng doorknob ay ayaw nitong bumukas, nagpapanic nako ng time na yun dahil parang may nararamdaman akong kakaiba , parang may mabigat na pakiramdam ako sa loob ng room na yun na di ko malaman kung dahil lang ba sa sobrang kaba .. sa ikatlong pihit ay binuhos ko ang buong lakas ko at sa awa ng diyos ay bumukas ito at dali dali akong tumakbo .. takbo lang ako ng takbo hanggang sa makita ko si kuya guard na nagpapaalam sa mga teachers agad ko itong nilapitan ngunit bago pa man ako tuluyang makabawi ng hininga at makapagsalita ay bigla na lang itong nagsalita na mas lalong nakapag pakilabot sa buo kong katawan .
"ohh iha .. bat hingal na hingal ka asan na yung kasama mo kanina ? siguro'y nagtakutan na naman kayo ng kaibigan mo kaya hingal na hingal ka ano ? kayo talagang mga bata kayo ang hihilig nyong magtakutan lalo pa sa lumang room na yun ...ang mabuti pa tawagin mona yung kaibigan mo at baka hinahanap na kayo sa inyo maggagabi na .." sabi nya habang nakatalikod sa akin dahil inaayos na nya ang gamit nya dahil dumating na yung pang gabing guard ng school namen ..