LMFAR - 1

408 10 0
                                    

Love Me For a Reason (On-going story)

written by: _princesstricia

Pagkatapos ng lahat lahat sa atin,

Desisyon ko'y ikaw ay limutin.

Pagka't ang isipin ka'y walang kabuluhan,

Sa huli'y ako lang ang uuwing luhaan.

Pero ang mahalin ka'y di ko pinagsisihan,

Nagsilbi kang liwanag sa madilim kong daan.

Sadyang di nga lang tayo ang para sa isa't-isa,

Kahit panahon ay di tayo pinag-isa.

Masakit man sa puso't damdamin,

Oras na para sarili nama'y bigyan ng pansin.

Upang bugbog na puso'y muling makabangon,

At magmahal sa itinakdang panahon.

-Engineer Mikay

Kumatok ka sa puso ko, pinatuloy kita.

Pero kinuha mo ang susi nito at umalis ka nalang bigla.

Tanong ko lang, "Babalik ka pa ba?", di na kasi mabuksan ng iba.."

[ARNICA'S POV]

"Hi Bryan! ako nga pala si Mika, pwede bang magpakuha ng picture sayo?"

"Uhm.. Hi I'm Shey. Totoo nga sila, gwapo ka sa personal!!"

Grabe.. Ganun ba talaga ka-gwapo yung Bryan para pagkandarapaan ng mga babae? Marame namang lalakeng mas gwapo sa kanya, kung bakit ang lakas lakas ng dating niya sa mga babae dito sa campus. Hayys. Pero cute rin naman siya kahit papaano. Hahaha! Siyempre ayoko naman maging KJ. :)

Hello! Ako nga pala si Arnica Curt Marasigan, 4th year high school. Nag-aaral sa San Juan Academy, section A-1. Marame sa mga kaklase ko na nagsasabe na tahimik daw ako, pero pagdating sa mga kaibigan ko, maririnig mo nalang na parang megaphone na ang boses ko. Hehe. ^_^

At ang bago namang chickboy sa school namen ay si Bryan Hersistomo. Basketball player, member sa isang fraternity na kung saan puro mga sikat, gwapo, at mayayaman ang kasama. Cute siya, matalino rin naman kaso ubod nga lang ng yabang. Mayabang na akala mong lahat ng babae sa school namen mapapa-aket niya. Pwes, di ubra saken yung japorms niya.

Hayys.. Lahat talaga ng mayayaman lumalake ang ulo at nagiging mayabang. Wala na bang natitira sa mundo ni kahit isa lang na kabaliktaran nang ugali nila?

By the way, nandito ako sa tapat ng lobby ng school namen kasama ang kaibigan kong si Andrea at Lily. Walang tigil ang pagkwe-kwentuhan nila tungkol sa bago naming classmate na si Bryan.

Love Me For A ReasonWhere stories live. Discover now