"Shet ang sakit talaga ng ulo ko!!" reklamo ko habang nakahawak ang kamay ko sa ulo ko
"Sorry talaga miss, okay ka lang ba?" tanong niya
"Sa tingin mo ba okay lang ako? Edi sana naka-ngiti ako ngayon kung okay lang ako. Ikaw kaya matamaan ng bola!!" sigaw ko
"Sorry na nga eh.." sabe niya
"Tingin mo ba mukhang ring yung ulo ko para shootan ng bola mo?!" tanong ko habang galit
"Uhm.. Parang.. ang bilog kase ng ulo mo eh.." sabe niya
"Wow ha? Thanks sa compliment.." :3 sagot ko
"Hinde joke lang, eto naman hindi ma-biro.. Tumayo ka na jan Miss, mainit yung kalsada baka mabalisawsawan ka pa, at baka mapaihi ka pa jan.." sagot niya sabay tawa nang iba niyang mga kaibigan.
Magsasalita na sana ako habang papatayo nang makita ko ang mukha niya..
"Ikaw?!!" sabay naming sinabe
"Bro, kilala mo siya?" bulong nang isang kaibigan niya sa kanya
"Hindi ah!!.. Ah.. H-hindi ko nga siya kilala eh!" sagot ko
"Siya lang naman ang nakatama saken sa ulo ng baseball kanina sa school" sabe niya habang nakangiting maangas na para bang nagmamayabang
Gigil na gigil na tung kamay ko na para bang gusto ko na siyang suntukin sa mukha at sabunutan ang buhok niya!
Arghhh!! Nakakainis talaga siya! Wala siyang respeto sa babae! Akala mo kung sino! Ang yabang yabang naman!! Magwwalk out na nga lang ako! Hmp! >_<
Nagwalk-out na ako at hindi ko nalang sila pinansin habang hawak-hawak ko yung mga binili ko.
"Oh Pre, nagalet ata sayo yun oh!" Haha sabe nang isang kaibigan ni Bryan
"Haha hayaan mo siya." sabe ni Bryan
"Pre teka lang, sakanya ba tong panyong ito?" sabe nang isang kaibigan ni Bryan
"Miss!!" sigaw nang isang kaibigan ni Bryan
[BRYAN'S POV]
Hindi na lang lumingon at pinansin ni Arnica ang pagtawag ng kaibigan ko sakanya..
Halata rin na galet talaga siya sa amin sa paginsulto ko sa kanya kanina.
Sakanya ba talaga tong panyong ito? Infairness mabango siya, kaso nga lang ang dumi. Eh kase nga nahulong siya kanina nung natamaan ko siya nang bola kaya siguro madumi na tong panyo yan.
YOU ARE READING
Love Me For A Reason
Teen FictionWARNING!! Kung hindi ka naniniwala sa love, this story is for you!! Dahil dito, mahahanap mo ang definition ng LOVE. In this story, it's possible na umiyak, tumawa, kiligin, or ma-inlove ka. [Wait for the on-going story] ENJOY! :)