Chapter 4: Babae

87 4 0
                                    

Yesha's pov

Nagising ako ng may narinig akong malakas na kalampag at sigawan.

"WALANGHIYA KA!! SINO YUNG BABAENG NASA KOTSE MO KANINA?!" Narinig kong sigaw ni Mommy.

Lumabas ako ng kwarto ko.

"Mom, Dad, what's happening?" Tanong ko. Napatigil naman sila ng marinig nila ako.

"Itanong mo diyan sa magaling mong Tatay" sabi ni mommy sabay punta sa kitchen.

"Daddy?" Tawag ko kay Daddy. Bumaba ako at lumapit sa kanya

"Mamaya na, Anak" Sabi niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya. Naiiyak na rin ako.

"Pero-"

"Wag kang makulit"

"Da-" hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng sampalin ako ni Daddy. Iyak lang ako ng iyak habang nakaupo sa sahig. Bigla namang dumating sa Kuya at nilapitan ako.

"Yna, are you ok? Daddy, what did you do to her?" Niyakap ako ni Kuya at pinunasan yung luha ko.

"S-sorry hindi ko sinasadya" sabi ni daddy at lalapit na sana sakin ng may sumigaw.

"YESHA?!" Sigaw ni Mommy at lumapit sakin at tinayo ako.

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO. NANGBABABAE KA NA NGA SINASAKTAN MO PA YUNG ANAK MO!"

"SINABI NANG HINDI AKO NANGBABABAE. KAPATID KO YUN!"

"KAPATID?! KAPATID TAPOS SA LIPS KAYO NAGKISS?! KAPATID MO MUKHA MO!"

"ANONG SA LIPS? HOY YNNA WALA KANG PRUWEBA!"

Bigla namang naglabas si Mommy ng papel. Nakita ko yun, si daddy at isang babae magkadikit yung mga labi nila. Naiyak ako lalo at napayakap kay Kuya. Tinapon niya yun sa mukha ni Daddy.

"O AYAN, AYAN ANG PRUWEBA KO!"

"HINDI YAN TOTOO" Tinapon yon ni Daddy.

"ANONG HINDI TOTOO? DADDY KITANG KITA SA PICTURE. MAY BABAE KA!" Sigaw ni Kuya kay Daddy. Nagulat nalang ako ng suntukin ni Daddy si Kuya.

"KUYA/YUAN!" Nilapitan namin ni Mommy si Kuya.

Bigla nalang lumabas si Daddy. Iyak lang ako ng iyak. Bakit nangyari to? Masaya naman kami ha?

"Tahan na, baby girl" sabi nila sakin habang niyayakap ako ni Mommy.

"Tara na. Akyat na tayo. Magpahinga na kayo" sabi ni Mommy na ngayon ay naiiyak na.

"M-mommy dun n-nalang po tayo s-sa kwarto ko matulog" sabi ko. Um-oo naman sila.

Katabi ko si Mama sa kama. Si kuya nasa sofa. Sabi namin tumabi nalang siya samin pero ayaw niya.

"Good night baby girl" sabay nilang sabi at kiniss ako sa noo. Ngumiti na ako at natulog na.

Zzzzzz.....

Ang Playboy kong BoyfriendWhere stories live. Discover now