Chapter 6: Ex-girlfriend

86 3 0
                                    

Yesha's pov

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yesha's pov

"Good morning everyone!" Bati ko pagkababa ko. Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos.

"Morning Baby girl!" Bati sakin ni Kuya habang nakataas yung isa niya kamay. Nakatalikod siya sakin. Nanonood siya ng BB.

"Good morning Baby girl!" Bati naman sakin ni Daddy na kanina ay nagbabasa ng dyaro.

"Good morning Baby girl!" Bati rin sakin ni Mommy na kakalabas lang ng kusina.

:)

"Mom, what's our breakfast today?" I asked and put my bag in the sofa and go back to the dining area then sit.

"Your fav" Mommy said and put the delicious chicken on the table.

"Wow"

"YUAN!! LET'S EAT!!" sigaw ni Mommy.

"COMING!!" Sigaw pabalik ni Kuya.

Kumain lang kami at pumunta na sa RS.

***
In school....

"BEST!" Narinig kong sigaw ni Ella.

"Hi!" Bati ko sa kanya-este-sa kanila. Kasama niya kasi si Joshua.

*kkkkrrriiiinnngg*

"Tara na. Baka malate pa tayo" sabi ni Joshua. Tumango na kami at tumakbo na papuntang room.

Pagpasok sa room nakita ko si Frank na nakaupo at nakaheads down. Tss. Naalala ko na naman yung first kiss ko. Huhuhu.

Dumating na rin si Ms. Andrea maya-maya lang.

Bigla namang lumabas si Frank. Walang paalam. Dirediretso lang siya kahit na tinatawag na siya ni Ms. Andrea. Bastos.

Nagdiscuss na si Ms. Andrea. Nakinig lang ako ng nakinig. Nang biglang umingay sa hallway.

"What the hell is that?!"

"Ang ingay"

"What's happening there?"

Yan yung mga bulong na narinig ko. Nagsilabasan naman kami at pumunta sa lugar kung saan maingay. Sa open ground namin.

Nang nasa open ground na kami nila Ella nakita namin yung iba na nakaturo sa taas. Kaya napatingin kami at.....

"FRANK!" Sigaw nila Joshua at Ella.

"Wait lang. Aakyatin ko siya" paalam ni Joshua at umalis na. Napahawak naman sakin si Ella.

Minutes have passed when Frank shouted. "I LOVE YOU ELLE!" Elle? Teka parang narinig ko na yan. Ah yung sa isang gabi. Y-yung araw kung kailan nawala yung first kiss ko. Waaaah! Naalala ko na naman.

Bigla namang sumigaw yung mga babae kaya napatingin ako sa taas.
O. My. God. Putik. Mahuhulog na siya.

Bigla namang may humila sa kanya. Si Joshua.

Hinila naman ako ni Ella papuntang rooftop. Nang makaakyat na kami, nakita namin sila na nakaupo at nag-uusap.

"Uy, Frank. Okay ka lang ba?" Salubong sa kanya ni Ella.

Nag-thumbs up lang siya. Umupo naman si Ella sa tapat niya. Ako naman sa tabi ni Joshua.

"Uhmm... Frank pwedeng magtanong?" Tanong ni Ella. Tumango naman si Frank.

"Sino si Elle?" Tanong niya ulit.

"Ex-girlfriend ko" sagot niya. Tumango-tango naman si Ella.

"Pre, pwedeng magkwento ka?" Tanong naman ni Joshua. Tumango lang si Frank.

"Nakilala ko si Elle dito sa school. Naging magkaibigan kami. Hanggang sa naging girlfriend ko siya. Naging girlfriend ko siya ng 5 years. Isang araw narinig ko siyang may kausap na lalaki. Nalaman kong iba pala yung totoo niyang mahal. Niloko niya ako. Hanggang sa nalaman ko nalang na nasa States na siya. Hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit niya ako niloko" paliwang niya. Nakita kong naiiyak na siya.

Naglabas naman ng panyo si Joshua at ibibigay na sana yun kay Frank. Pero tumanggi si Frank.

"Uhmm. Yesha, sorry nga pala sa nangyari nung isang gabi. Hindi ko sinasadya" sabi niya sakin.

"Wag mo ng ipaalala" masungit kong sabi sa kanya. Kasi naman pinapaalala pa. Bwisit.

"Wait. Anong nangyari nung isang gabi?" Tanong ng chismosa kong kaibigan.

"Wala" sabay naming sabi.

"Okay. Okay. Easy lang" sabi niya nalang.

"Tara na. Magsisimula na yung next subject natin" aya samin ni Joshua.

Nauna na kami ni Ella pababa nasa likuran naman sila Joshua. Nang nasa hallway na kami madaming nagtitinginan samin. Yung iba simpleng tingin lang pero may ibang galit na nakatingin samin.

Nasa classroom na kami. Buti na nga lang at wala pang teacher kundi lagot kami. Nagsoundtrip lang ako habang naghihintay. Maya maya lang may narinig kaming kalampag ng pinto.

"WALA YUNG MGA TEACHERS MAY MEETING DAW SILA!! DIRETSO NA DAW SA MGA NEXT SUBJECT NIYO!!" Sigaw ng isang lalaking nakasilip.

"Guys, tara na" aya ko sa kanila. Tumango naman sila at kinuha na namin yung mga bag namin at dumiretso na sa canteen.

Nang nasa pinto na kami ng pinto nagulat kami kasi nakasara to. Eh lagi naman tong nakabukas.

Pagkabukas namin ni Ella ng pinto bigla nalang may tumapon na paint samin. The heck. Kainis naman. Urghh.

Nagtawanan naman yung mga tao sa canteen. Tapos bigla nalang may sumampal samin. Aray! Ang sakit.

"What the fuck are you doing?!" Galit na tanong ni Frank sa dalawang sumampal samin. Gumilid sila at naglakad yung babaeng nasa gitna papalapit kay Frank.

"Prince Frank. We're just trying to tell to those girls that they should  where they belong" sabi nung babae. Teka, parang narinig ko na yang boses na yan. Y-yung isang yung isang araw yung nasa classroom. Yung nagsabing katapusan na raw namin.

"And who the hell you para sabihin sa kanila yon?!"

"Bakit ka ba nagagalit?! Kaya lang naman namin ginawa yun dahil inaway ka nila nung isang araw ha"

"Anong inaway pinagsasasabi mo diyan? Hindi naman nila ako inaway ha" sabi ni Frank.

"H-" hindi niya na natuloy yung sasabihin niya ng bumulong sa kaniya si Frank.

"Humanda kang babae ka" bulong ni Frank sa kanya. Sabay hila sakin. Sumunod naman samin sila Joshua at Ella.

Ang Playboy kong BoyfriendWhere stories live. Discover now