Iniba ko ang lahat kasi parang nawala ako. And about naman sa My Hidden Activity, abangan niyo lang ang update. May mga ginagawa pa kasi ako, e! Pasensya na sa paghihintay. So, ito na nga ang pangalawa sa My series. Sana magustuhan niyo.
Prologo
#MyStainedInnocenceNakapiring, nakagapos ang mga kamay, nakasakay sa isang kotse. Hindi kilala kong sino ang tumangay sa kanya. Nananalangin si Karrie na may isang estranghero ang magliligtas sa kanya sa kapahamakan. Na may milagrong dadating at bigla nalang siyang pakawalan. Pero ilang oras ang lumipas na walang kahit na anong senyales na maliligtas siya-na makakatakas siya.
Habang nakaupo si Karrie sa likod ng sasakyan, ay binabalikan niya kung pa'no nga ba siya napunta sa sitwasyon niya ngayon. Nag-aabang lang siya ng masasakyan sa harap ng pinagtatrabahuhan niya na may biglang lumapit sa kanya at may kung anong pinasinghot sa kanya. Nagawa pa niyang manglaban ngunit wala ding epekto dahil unti-unting nawawala ang lakas niya.
At sa pagbalik ng kanyang katinuan ay nasa isang sasakyan na siya at nakagapaos na ang mga kamay at nakapiring na. Tahimik na lamang siyang umiiyak. Pinipigilan ang paghikbi.
Hindi alam ni Karrie kung ilang tao ang nasa loob ng sasakyan pero sigurado siyang may katabi siya ngayon. Hindi man niya nakikita ay nararamdaman niya ang init ng katawan nito. Nilalayo niya ang sarili dito kahit na nakadikit na ang katawan niya sa pintuan ng sasakyan at wala ng lugar para mausugan niya ay pilit pa rin niyang nilalayo ang sarili.
"Dude, gising na. " pagbibigay alam ng katabi niya sa kung sino.
"Don't touch her. "sagot ng lalaki na mukhang nagmamaneho.
"I know. This is your girl kaya 'wag kang mag-alala. " tawang sambit ng lalaking nasa tabi niya.
At ngayon napagtanto na ni Karrie na dalawang lalaki ang kasama niya. Ilang minuto pa ang tinakbo ng sasakyan ng huminto ito.
Dumoble ang kaba at takot na nararamdaman ni Karrie sa sistema niya ngayong huminto na sila. Narinig niya ang pagbukas ng mga pintuan. Naghihintay siya sa kung sino ang maglalabas sa kanya sa sasakyan dahil kapag walang kukuha sa kanya sa loob ng limang minuto ay gagawa siya ng paraan para makatakas kahit na malabo ang iniisip. Pero pagkaisip palang niya ay nagbukas na ng pintuan at nilabas siya. Hinila siya nito sa kung saan.
Wala siyang kahit na anong ingay na naririnig sa mga ito. Nagtatanong ang isip kung saan ang isang lalaki kanina. Habang hila-hila siyab ng lalaki ay nagpatianod na lamang siya. This time, naisip niyang wala na siyang takas pa. At wala ng makakatulong sa kanya. Sa isip niya ay tatanggapin nalang niya kung ano ang gagawin sa kanya basta ba't 'wag lang siya pahirapan at saktan.
At kung mga bandido naman ang mga ito at nanghihingi ng ransom ay sigurado naman siyang hindi siya pababayaan ng mga kamag-anak niya. Ulila man siya ay may mga mabubuti naman siyang mga kamag-anak. Mayaman ang pamilya niya kaya sure siyang may maibibigay na ransom ang mga ito kung saka-sakali.
Huminto ang lalaki kaya napahinto din siya. May binuksan ito at pakiwari niya ay isa itong silid. At hindi nga siya nagkakamali dahil ay pinasok siya ng lalaki at marahas na tinulak. Mabuti na lamang ay sa malambot na kama siya bumugsak dahil kung hindi pasa at bugbog ang aabutin niya.
BINABASA MO ANG
STAINED INNOCENCE [FINISHED]
RomanceCompleted R-18 Read at your own risk. Be open minded and be sure you are mature enough to read this story. Thank you. My #2 My stained Innocence Start:september 15,2016 End:December 1,2016