STAINED INNOCENCE
"SO, may bago ulit mag-iinvest sa resto mo?" Tanong ni Misty sa kaibigan habang nag-aayos dahil sa meeting na pupuntahan. Karrie will meet her new investor. Isa itong malaking opurtunidad para sa negosyo niya. Hindi naman sa naghihirap ang resto niya ngayon. Mas makakatulong lang kasi ito para sa resto. Mapapalawak pa nito ang maging sakop ng resto.Pag-uusapan nila ngayon ang bagong branch na itatayo nila. Kaya nga ngayon ay excited siyang magtungo sa meeting na pupuntahan niya kasama ang pinsan niya na si Keejan.
"Oo. Excited na nga ako dahil may matutulungan na naman ang resto na mga working student. Masaya ako kapag may nakikita akong mga estudyante na pursigido talagang mag-aral sa kabila ng kahirapan sa buhay. At mas lalong sasaya ang puso kapag nakita sila na nakasuot na ng tuga at grumaduate, " saad niya sa kaibigan.
"Hindi ba't iyan naman talaga ang unang hangarin ng resto na "to. Na may maraming matulungan na mga kabataan. Dahil sa pagiging working student din ang dahilan kaya nakapag-tapos sina tita at tito. Nakapagtapos, naging successful sa buhay at nakapagpatayo ng R. Hope."
"Tama ka diyan, Bes. Kaya nga masaya ako ngayon kahit sa kabila ng pinagdaanan ko. Thankful pa rin ako na buhay pa ako at safe na nakauwi. God give me another chance to fulfill what my parents dreams. At iyon ay ang makatulong sa mga kabataan."
"Tama ka diyan."
Ngumiti ang dalaga. Tumingin sa kanyang relo at dinampot ang mga gamit.
"I should get going. Malalate na ako sa meeting namin."
"E bakit ba pumayag ka na doon sa kanila makipag-meeting. Puwede naman dito nalang para makita din nila ito g main branch ng resto, " saad ng kaibigan.
"Busy kasi si Mr. Marcielo. Pero nangako naman siya na bibisita rito kapag nagkaroon siya ng bakanteng oras. He will tour around the resto. Pumayag na ako kasi baka mag-back out pa. Sayang naman. "
"Sabagay. Sige na umalis ka na baka maipit ka sa traffic, " saad ng kaibigan ta hinatid siya nito sa kanyang kotse. "Ingat sa byahe."
"Salamat. Bye."
HABANG nasa gitna ng byahe hindi maiwasan ni Karrie ang kabahan. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makipagkita siya sa isang investor pero ito ang unang pagkakataon na kinabahan siya ng ganito. Halos mamawis ang buo niyang katawan. Kumakabog ng mabilis ang dibdib niya. At hindi siya mapakali habang nagmamaneho. Humihinga siya ng malalim kapag naninikip ang dibdib niya. What she feels right now is not normal. Hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng sobrang kaba.
Medyo nakalma lang siya ng tumunog ang phone niya. Nadivert ang isip niya dahil sa tawag. Nakita niya ang pangalan ng pinsang si Keejan. Ito pala ang tumatawag sa kanya. Agad naman niya itong sinagot gamit ang kanyang bluetooth earphone.
"Keej. Nasa'n ka na? Malapit na ako sa building."
"Nandito na ako. Kararating ko lang din. Hihintayin nalang kita dito. Mag-ingat ka sa byahe," ani ng pinsan.
She hang up at bumalik na naman ang kaba sa dibdib niya sa kadahilanan na malapit na siya sa M. Building na pagmamay-ari ni Mr. Marcielo na kanilang investor.
Ilang minutong byahe ay nakarating na din si Karrie sa wakas. Kinakabahan man ay nagpatuloy siya sa paglalakad pagkababa ng sasakyan. Naabutan niya sa waiting area ang pinsan na si Keejan. Mukhang hindi rin ito mapakali kagaya niya.
"Keej! " tawag niya dito.
Lumingon naman agad ang binata sa kanya. Parang nabunutan ito ng tinik nang makita siyang paparating.
"Let's go, " aya nito agad sa kanya.
Tumango siya at sumunod sa pinsan papuntang fifth floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Mr. Marcielo.
THE MEETING was successful. Full force ang team ni Mr. Marcielo. Pero ang inaasahan kong makita ay wala. May biglaan daw itong business trip kaya hindi nakasali sa meeting kanina. Ang nandoon lang ay ang secretary niya at ang mga kaibigan niya na sina Mr. Lincoln at Mr. Ranel na kasama din pala sa pag-iinvest sa amin.
Napagusapan namin ang pagbisita nila sa resto na kasama na si Mr. Marcielo. Napagplanuhan na din namin amg pagbisita sa sight kung saan ipapatayo ang bagong R. HOPE...
"BAKIT hindi ka nagpakita. Natakot ka bigla? " tanong ni Ranel kay Athos nang makaalis na ang magpinsan na sina Karrie at Keejan. Hindi humarap ang binata dahil pakiramdam niya hindi pa ito ang tamang oras na magkita silang dalawa.He will set a perfect time for them.
"Hindi lang siguro ito ang tamang panahon para magkaharap kami." Ani nito habang nakangisi.
Dahil habang nasa secret room siya at pinagmamasdan ang kanilang meeting nanumbalik ang pagnanasa ng lalaki kay Karrie. Limang buwan lang ang lumipas pero kay laki na ng pinagbago ng dalaga. Mas lalo itong gumanda. Mas lalong humubog ang magandang katawan nito.
Ang suot nitong blouse at skirt kanina ay bumagay dito ng husto. At habang pinapanood niya ang dalaga sa isip niha ay hinuhubaran niya ito. Nakikita niya ang paghaplos niya sa katawan ng dalaga. Galing sa leeg nito pababa sa dibdib sa baywang, puson, heta hanggang paa ng dalaga. He imagine the night he use to claim her. Make her moan.
Nabalik ang huwisyo ni Athos when Ranel snap his finger in front of him. Natawa si Ranel sa naging reaksyon ng kaibigan.
"Are you okay, bro? Lalim ng iniisip natin ah. Nabuhay ba ha?" Pilyong tanong ni Ranel.
Napailing si Athos.
"Haha! I knew it. Kaya ka gigil na gigil na mag-invest sa resto niya dahil may iba kang motibo."
"Ewan ko sa'yo." Ngumising tumalikod si Athos sa kaibigan. Tinanaw ang nasa labas na tanawin. Ang traffic sa daan, ang mainit na panahon, ang maiitim na usok sa kapaligiran. Pero kahit na sa kabila ng polusyon na nakikita sa labas ng opisina nakangising aso pa rin ang binata.
For almost five months of longing to Karrie ay nakita na niya ito ulit. Hindi man niya nahawakan pero atleast ay nakita niya. At hindi magtatagal ay magsasama din sila ng dalaga.
BINABASA MO ANG
STAINED INNOCENCE [FINISHED]
RomanceCompleted R-18 Read at your own risk. Be open minded and be sure you are mature enough to read this story. Thank you. My #2 My stained Innocence Start:september 15,2016 End:December 1,2016