Kabanata 15

10.1K 229 3
                                    

STAINED INNOCENCE

 
 
 

HINDI ko alam kung saan ako magsisimula. Habang naghihisterya ako kanina nagawang paalisin ni Keejan ang mga pulis. All I wanted on this moment is to know everything. Bakit nagawa ni Athos na saktan ako at bakit nagawa ng pinsan ko na lokohin ako.

At nang mahimasmasan na ay umuwi kami ni Keejan sa bahay ko. He also called Misty. Kaya sila ngayong dalawa ang nandito at inaalagaan ako. Para na nga silang mag-asawang dalawa. At kung wala akong pinagdadaanan ngayon siguro kanina ko pa sila tinutukso.

Pero ang utak ko umiikot sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang kamay ko ngayon nanginginig pa rin dahil sa galit na nararamdaman ko.

  "Insan, I'm really sorry. Noong nalaman ko na si Athos ang may gawa ng lahat ay huli na ako. Kahit hindi mo sabihin sa akin ang tunay na nararamdaman mo nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo ka-mahal iyong tao."

  "Enough reason ba 'yun para ilihim mo sa 'kin ang totoo? Na sa ibang tao ko pa nalaman ang lahat ng 'to?" I really tried to calm myself right now.

   "Kaya nga humihingi ako ng pasensiya sa 'yo. Nakausap ko na rin si Athos. And you know, I understand his reason kung bakit hindi niya sinabi ang totoo sa 'yo. At sa tingin ko rin hindi dapat ako ang magsabi sa 'yo ng mga nangyari."

  "Kahit na! He committed a crime. At sa akin niya iyon ginawa! Sa akin!" muli na namang tumulo ang luha ko.

Hindi ko matanggap na ang taong minahal ko ay siya rin ang taong sumira sa buhay ko. At hindi ko alam kung paano ko pa siya mapapatawad.

Sa kakaiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko may masarap na amoy akong naaamoy kaya lumabas agad ako ng kwarto.

Naabutan ko si Misty sa kusina. Nagluluto. Milagro at nasa loob ng kusina samantalang hindi naman marunong magluto.

   "Baka masunog bahay ko," komento ko ag naupo sa may counter part.

Lumingon siya at awkward na ngumisi sa 'kin. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

   "Bakit ganyan itsura mo?"

Umiling lang siya at hindi na nagsalita pa. Gusto pa sana siyang kulitin pero napatayo ako nang may marinig na ingay sa labas ng bahay. Napatayo ako para sana tignan kung ano ang nangyayari sa labas nang harangan ako Misty.

   "S-Saan ka pupunta! Diyan ka lang. Malapit nang maluto ang pagkain," aniya.

Pero nagpumilit ako sa kanya. Gusto pa sana niya akong hilahin nang nasa pinto na ako pero hindi niya ako kinaya kaya nabuksan ko ang pinto. At doon naabutan ko ang pinsan ko at si... Athos.

Nang makita ko palang siya agad ng bumalik lahat ng alaala ko. Lahat ng ginawa niyang kababoyan sa 'kin. Lahat ng sakit na pinaranas niya sa 'kin.

Dahan dahan siyang lumapit kung saan ako nakatayo. At nang nasa harapan ko na siya hahawakan niya sana ako pero umiwas ako. Ayokong magpahawak sa isang taong kriminal.

   "Let me explain," aniya.

Ngayon napansin ko ang kaibahan ni Athos. Ilang araw lang kaming hindi nagkakita pero ibang-iba na ang itsura niya.

Nangingitim na ang ilalim ng mata niya. Nanunubo na rin ang bigote at balbas niya. At pansin ko rin ang pamamayat niya. Kung sa ibang pagkakataon lang nangyari ang lahat ng 'to I would've care for him. Pero hindi e.

  "Please, baby..." sa namamaos niya boses.

Baby.

Ang sarap sanang pakinggan. Pero this man infront of me make a huge mistake. He committed a sin na hindi ko alam kung papaano ko mapapatawad.

  "I can't talk to you right now. I can't even watch your face right now. At hindi sana kita gustong makita kung pwede lang," saad ko at pumasok sa loob.

I tried not to stutter para hindi niya mahalata na naaapektuhan ako sa mga nangyayari. Gusto kong ipamukha sa kanya na naging bato ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Pero ang totoo I am here right now at my room. Crying so hard dahil sa sakit na nararamdaman. Dahil sa mahal ko pa rin siya sa kabila ng mga nangyayari.

Na kahit anong galit ko may parte pa rin sa akin ang nagsasabi na mahal ko siya. Na nagagalit ako dahil hindi sa ginawa niya kundi sa nararamdaman ko. But I wanted him to suffer.

Suffer so much because of what he did.

STAINED INNOCENCE [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon