#1: Introduce

43 1 1
                                    

Charm's POV

"Charlie!"
"Charlie!"
"Charlie!" Teka sinong bang tinatawag nun, nakakabingi na ah. Kanina pa tumawag ng tumawag at tsaka sinong ba yung Charlie na yun. Ang bingi naman nun.

"Hoy, bem ikaw ata ang tinatawag ni chinito boy." Sabi ni Camille isa sa mga bestfriend ko. Bem, tawagan naming magkakaibigan. Ewan kung ano ang naisip ni Camille kung bakit bem ang CS namin para daw maiba common na kasi daw ang "bes", "bhe" o kung ano ano pa. Wait, may naalala ako tinatawag daw ako ni........ Chinito Boy!

"Huh.... Sino? "

"Sabi nya tinatawag ka daw ni "chinito boy". Ayan oh papalapit na. "At tinuro kung saan naroroon si "chinito boy" at papalapit na nga dito. Teka, si Chase to ah. Sya pala si chinito boy di ako na-inform. Pero teka ulit di naman ako si Charlie ah.

"Hi Charlie^_^." Bati nya sabay ngiti. Sus, pa-cute pa eh.

"Hoy chinito boy este Chase pala ako daw yung tinatawag mong Charlie ehh di naman Charlie pangalan ko ah. " ngumiti lang sya sa akin. In fairness ang gwapo nya-ay ano ba tong pinagsasasabi ko. Erase, erase, erase oh ayan wala na.

"Ang cute mo." Ano daw?

"Ano? "

"Ahh.... W-wala a-ano kasi may gusto sana akong sabihin sayo."

"Ahh, yun lang pala. Pero bago yun. Saan mo napulot yung Charlie na pangalan?

"Ahh, yun ba. Simple lang. Di ba pangalan mo Charmaine Angelie- "

"Wait, wait, wait at paano mo nalaman ang buong pangalan ko aber. Don't tell me stalker kita."

"Ganon na nga...." Bulong nya, pero di ko masyadong napakinggan eh. Ano daw yun. Bakit parang nabibingi ako ngayon. Makapaglinis nga mamaya pag-uwi sa bahay.

"Ang sabi ko kaya Charlie kasi yung "Char" came from your name Charmaine at yung "Lie" is from your second name which is Angelie." Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Yun pala yun di na naman ako na-inform. Tch...

"Oh ano, satisfied! Astig 'no, galing ko talaga mag-isip. " pangiti ngiti nya pang sabi. Yung totoo normal ba 'to o may sayad na, ang hangin eh.

"Ewan ko sayo! " sabay alis. Baka mahawaan pa ako ng kahanginan nitong si Chase.

"Huy, sandali may sasabihin pa ako sayo. " ay oo nga pala.

"Ano nga pala yung gusto mong sabihin?"

"Ahmm, ano kasi, " ang bagal naman. "Since magkagrupo naman tayo sa MAPEH pwede bang ikaw na lang yung makapartner ko sa sayaw. "

"Huh! Ayoko nga iba na lang i-partner mo. Pati di Wala akong balak um-attend dyan. " tamad na kung tamad. "

"Hindi ka a-attend? "

"Narinig mo di ba! " tsk. Nakakabanas to ah, paulit ulit.

"President ka pa naman ng dance club tapos hindi ka a-attend! " nangonsensya pa.

"Charlie pumayag ka na naman please." ayan na naman sya paulit-ulit na lang ba nya akong kukulitin hindi ba sya nasasawa o di kaya'y napapagod.Hay nako, hindi na lang ako sumagot lalo lang hahaba ang usapan.

"Charlie naman, please.." pagmamakaawa pa nya tsk tsk....

" Sige na nga pumapayag na ako tsk."wala na din naman akong magagawa sa kakulitan nitong si Chase. At wala din naman akong partner sa aming practicum. Di naman sa walang gustong makapartner ako, sa totoo nga lang ay halos lahat ng kagrupo kong lalaki ay gusto akong makapartner. But I refuse it dahil balak ko sanang wag na lang umattend sa Practicum na yun. Wala namang mawawala eh, dahil di naman naattend yung teacher namin sa MAPEH puro papracticum lang ng sayaw. Pag hindi hip hop, zumba o kaya'y chacha tsk sari-sari eh.

"YESSSS!!!" sigaw bigla ni Chase. Luh! Ano nangyari dito bigla- bigla na lang nasigaw. Kala mo nanalo sa lotto, sa lakas ng pagkakasigaw. Nakakaagaw tuloy kami ng pansin sa mga taong nadaan.

"Huy! Chase tumahimik ka nga dyan. Anlakas lakas ng boses mo tingnan mo oh nakatingin na silang lahat sa'tin. Nakakahiya"

"Wag mo na lang silang pansinin. Basta ako masaya ako ngayon dahil pumayag kang maging partner ko.. Wohhhh!!!"

"Tsk tumigil ka nga" ang kulit talaga nito.

"Charm"
"Maine"
Sabay na tawag sa'kin ng dalawa kong kaibigan.

"May practice daw sa gym" sabay na bigkas ulit nila.

"Ahh okay. Tara na." pag- aaya ko sa kanila.

By the way may nakalimutan akong sabihin sa inyo. Ako nga pala si Charmaine Angelie Fortalejo "Charlie" daw for short, pwede nyo rin akong tawaging Charm o kaya'y Maine. I'm fifteen years old, grade 10 dito sa Edwards Academy. Wanna know about myself? Ahmm, favorite kong color ay purple at blue. Hobby ko naman ay mag sayaw nabasa nyo naman kanina na president ako ng dance club,marunong din akong kumanta, maglaro ng volleyball, basketball at magplay ng instruments like piano, guitar, drums, violin and I also play chess. I think that's all.

Yun namang nangungulit sa' kin ay si Chase Liam Santiago, yun lang. Wala akong alam tungkol sa kanya eh. Ay, meron pala ang alam ko lang ay V-President sya ng dance club, MVP sya ng basketball team dito sa campus, at anak ng may-ari ng isang malaking kompanya dito sa Pilipinas at sa iba't ibang bansa. At yung mga kaibigan ko nga pala muntikan ko nang makalimutan.Hehe joke. Si Camille Atienza yung mukhang mataray sa una pero mabait, pag nakilala mo na ng lubusan. Maingay, joker, luka-luka,madaldal at mahilig mangopya. Joke. Hahaha wagas makapanlaglag eh 'no. Yung isa naman ay si Estela Nelson ang wagas makapambara sa joke ni Camille. Ang napakatahimik kong kaibigan at napakaseryoso sa life.

"Charm bilisan mo nga baka malate tayo"

"Oo na tsk." binilisan ko na ang paglalakad ko para maabutan ko sila. Ano bang meron sa kanila at ang bibilis nilang maglakad andito lang sila kanina eh. Psh! Makapag online nga muna.

Author's Note:

This is a short update.
Pasensya na po kayo kung medyo boring tong story ko. This is my first story sana po pagtiyagaan niyong basahin. At wag po kayong mag-expect ng maraming English words/sentences. Hindi po ako masyadong magaling mag-english eh. So sana po suportahan niyo parin. Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa. ^________^

Past or FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon