Charlie's POV
"Hahahaha!" Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood ang 'Walang Tatawa Challenge' na in-upload ni Camille. Hahaha, in-upload nga. Aba! masunuring bata, may bet kase na kung sino yung pinakamaraming hampas dahil sa kakatawa sya yung mag- aaupload. Kawawa naman bugbog sa'min ni Estela hahaha. Di ako maka-get over.
Ouch, sakit nun ah. My gosh my cellphone, Wtf!!!"I'm sorry. Are you okay" Psh! Tumayo muna ako bago harapin ang lalaking bumangga sa'kin. Sakit kaya nung pagkakabagsak ko, tapos basag pa cp ko dahil sa pagkakaipit. Lagot talaga tong lalaking to sa akin. At may gana pa talagang magtanong huh!
"Mukha ba akong o....kay!?"
Wait, he looks familiar.
Di ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping yon."Sige, una na ko nagmamadali kasi ako may pupuntahan pa ako. Sorry ulit." Napanganga na lang ako habang tinitingnan siyang naglalakad palayo.
"Charm! " pagtawag sa'kin ni Camille. Dun palang ako nahimasmasan at bigla kong naalala. Sh*t yung phone ko basag huhu ¡_______¡
IPhone 6s yun huhuhu......"Hoy! Anong nangyari sayo? Sino yung poging kausap mo kanina? Parang familiar yung mukha nya, nakita na ba natin sya dati? Uhm, nga pala magsisimula na yung practice, tayo na."
Hanggang ngayon lutang parin ang isip ko. Hindi ko na nga namalayan na nandito na pala ako sa gym...
Nagulat na lang ako nung may biglang umakbay sa akin. Si Chase lang pala."Hi partner, Galingan mong sumayaw ha."
"Psh. Ako pa talaga tinanong mo 'no." May sakit ba sya sa utak, ako pa talaga ang tinanong eh ako kaya ang President ng dance club.
"Di naman sa ganon, I'm just trying to lighten up your mood, mukha kaseng bad mood ka ngayon eh."
"Wow! Kailan ka pa naging concern sa akin ha, Chase." If I know gusto nya lang makuha ang titolo ko as President sa dance club. Cause he's always second he never become first ever since na pumasok ako dito at ngayon lang kami naging magkaklase simula nung grade 7. Sorry sya dahil last year na 'to.
"Bakit masama na bang maging concern sa partner ko" sabi nya na naka pout lips pa. Eww!
"Ang pangit mo, wag ka ngang mag pout. Kadiri! "
"Na cute-an ka lang eh. Crush mo ko 'no ihhhh... Kinilig naman daw ako dun." Kapal naman nito.
"Alam mo Chase di ka dito bagay. Alam mo kung saan ka bagay?"
"Saan, sa puso mo? Hahaha, sabi ko na nga ba eh crush mo rin ako." Ano raw sa puso nya, kapal talaga nito.
"Hindi, sa mental, mukha kasing malala na yang utak mo. Ang hangin eh." Hahaha mukhang pikon na si partner.
"Ah, ganon. Etong sayo." At tumakbo sya papunta sa akin. Wait, anong gagawin nya, bago ko pa malaman at nakalapat na ang kanyang kamay sa tagiliran ko at kinikiliti ako. Napahiyaw na lang ako dahil dun.
"Ahhh.. Ano ba Chase tama na-ahhh hahaha." Napuno ng tili at tawa ko ang gym.
" Sinong dadalhin sa mental?"
"Yung- mga-may sira sa- utak, hahaha." Hingal na hingal kong sagot sa kanya.
"Himala ang President at V-P ng dance club magkasama." Girl 1
"Oo nga, di lang yon nagkukulitan at nag-aasaran pa." Girl 2
"Bagay sila. Perfect couple, di ba!" Girl 3
Yan ang mga usap-usapan dito sa loob ng gym. Ngayon ko lang na realize na lahat pala ng tao dito sa gym ay nakatingin lang sa akin at kay Chase. At ngayon ko lang din narealize kung ano ang istura ng tayo namin ni Chase. Naka back hug sya sa akin at hawak ko naman ang kamay nya. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at dali-daling kumawala sa pagkakayakap nya.
At dahil sa pagmamadali kong kumawala sa kanya na out of balance naman ako buti na lang maagap si Chase at nasambot agad ako tapos nagkatitigan kami. Sana pala nabagsak na lang ako. Mas malala pa ang tayo namin ngayon kesa kanina, yung parang sa mga teleserye at pelikula na kapag napatid, nagsala ang paa o kaya na out of balance katulad ng nangyayari sa'min ni Chase ngayon, ay may darating na prince charming para sambutin ka."Uhmm...uhmm..." Si Camille at Estela na nang-aasar pa. Psh.
"Uhm... Cr lang ako." Bilis bilis akong lumabas sa gym at nagpunta ng cr. Buti na lang walang tao sa cr. Hoh! Bakit ang init ng pakiramdam ko? Hindi ako makahinga kaya naghilamos nalang muna ako. Sa totoo lang wala naman akong gagawin dito gusto ko lang makawala sa mabigat na atmosphere sa gym at sa mga panunukso ng mga kaibigan ko.
Pagkatapos kong mag-cr pumunta na ako pabalik sa gym."Kalma ka lang Charm wala lang yon. Kalma ka lang, inhale, exhale hayssst."napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang bumangga na naman sa akin, pangalawa na to ah. Ang swerte ko naman ngayong araw na to ang sakit na ng pwet ko kakabagsak sa lupa. Tumingala ako para tingnan ang walang hiyang bumangga sa akin, sobrang swerte ko nga sa kabaligtaran. Dahil yung taong bumangga sa akin at ang dahilan kung bakit nabasag ang iPhone ko ay iisa. Kapag minamalas ka nga naman, di naman ako nakakita ng uwak kanina ah, bakit ang malas ko ngayon.
"Are you- " pinutol ko na ang sasabihin nya.
"Di ako okay, mukha ba akong okay matapos mo akong banggain ng dalawang beses sa tingin mo okay ako, ang sakit kaya." Nakakainis na ha.
"I'm sorry,okay."
"May magagawa ba ang sorry mo?" -charm
". Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, and nagsorry nako diba?"
"Pwes! Hindi sapat ang sorry mo!!!!! " Nakakabanas ang lalaking to ah, kung hindi ka lang kamukha ni......
Bigla na lang tumunog ang ang phone ko. Si Estela pala nagtext pumunta na daw ako sa gym at nagsisimula na ang practice.."Ano ba yan bakit ayaw mag touch ng phone ko. Tingnan mo--."
Asan na yung lalaking yun. Kapal talaga ng mukha, iwan ba naman akong nagsasalita dito mag-isa nagmukha tuloy akong tanga.
How dare he.......tsss
BINABASA MO ANG
Past or Future
TienerfictieDO YOU BELIEVE IN DESTINY? Naniniwala ba kayo na Destiny will find a way to meet your match,your true love,your the one and your destiny. What if akala mo siya na yung nakatadhana para sayo,akala mo siya na yung makakapagpasaya sayo,akala mo siya na...