7. Nick

160 2 1
                                    

Akala ko di na  matatapos ang araw ko. Sobrang nakakapagod ang Miyerkules. Wala akong break. Hanggang 5:30 ang class ko kaya pagkatapos ng last class ko, takbo agad ako sa Mcdo. Kakain na ko ng hapunan. Sa sobrang gutom ko, nakatatlong kanin ata ako. Oo na matakaw na. Ikaw kaya ang pumasok maghapon na walang break.

Wala akong kasabay kumain kaya nakapag-isip ako ng konti tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Di ko na nakikita si Kev. Pag nasa apartment sya, kadalasan ay tulog kaya di  ko rin nakakausap. Namimiss ko na sya. Di lang bilang imaginary boyfriend, pero bilang kaibigan na rin. Sya lang naman kasi ang kaibigan ko na nakakausap ng madalas dito sa elbi.

Si Von naman, ewan. Infatuation ata yung tawag nila dito. Tapos authority figure pa kaya siguro may dagdag na appeal. Di ko talaga makalimutan yung una kong nakita yung mukha nya. Ang himbing ng tulog nya. Parang anghel. Tapos noong iminulat na nya ang mga mata nya, para bang hinihipnotismo ka. Hindi rin nakakatulong na inaasar kami lagi ng mga kaklase ko sa  PI 10. Sa tingin ko, straight si Von. Sumasakay lang sya sa mga biruan. Pero di pa rin maalis sa isip ko na… paano kaya kung si Von… wala… itigil mo na Nick. Wala ding patutunguhan yan. Ikaw din lang ang masasaktan.

“Nick!”

Bakit  ba parang tuwing kakain ako may nakakakita sa akin na kakilala ko.

“Nick!”

“Uy. Tagal mong di nagpakita ah.” Si Kev pala. Sa wakas nagkita rin kami. Miss na miss ko na talaga sya.

“Sorry na Nick. Eto o ibinili kita ng sundae.”

“Haha di naman ako nagtatampo ah bat may sundae ako?.”

“Masama bang bilhan ng sundae ang bespren ko? Tsaka may ikukwento rin ako sayo!”

“Para ngang ang saya-saya mo ah. Anong meron?” Mula pa kanina ngiting-ngiti si Kev. Di ko alam pero parang kinakabahan ako. Masyadong masaya si Kev kaya diko na pinansin yung nararamdaman ko.

“Mamaya ko na ikukwento sa apartment. Basta masaya ako!”

“Ah o sige. Uwi na tayo kakainin ko na lang to pauwi. Ano ba kasing meron?” Nakakainis. Wala agad yung tampo ko sa kanya. Oo nagtatampo kasi talaga ako ayoko lang aminin sa kanya. Pero nawala na agad ito noong tinawag nya yung pangalan ko.

“Basta!” naglakad na kami pauwi. Nakaakbay sya sa akin. Ako naman, kinakain ko yung sundae. Tahimik lang kami. Di awkward pag tahimik kami. Di katulad pag tahimik ka kasama ang iba. Karaniwan, nag-iisip ka ng mga pwedeng topic para walang dead air. Pero pag si Kev ang kasama ko, walang ganong feeling. Nagkakaintindihan na kami kahit tahimik kami.

Nakarating na kami sa apartment. Pagkapasok na pagkapasok, sinara nya agad yung  pinto. Nagulat ako. Bigla nya akong yinakap. Anong nangyayari? Bakit nya ko yinayakap?

“Tol! Kami na ni Joan!”

Lintek. Gusto kong suntukin si Kev. Umasa ako. Akala ko… pero wala e. kaibigan ko to kaya wala akong nagawa. Isa pa, pag naman nagalit ako, magtatanong to kung bakit. Di sya papayag hanggat di nya nalalaman kung bakit. Walang patutunguhan. Kaya eto, itatago ko nanaman ang emosyon ko.

“Talaga? Naks lakas talaga! Congrats! Kelan pa? Kaya naman pala di ka mahagilap eh!”

“Noong isang araw. Tol! May isa pa kong good news!”

Good news. Good news. Parang ayoko nang marinig ang susunod nyang sasabihin.

“O ano yun?”

“Tol kagabi, yon!”

“Anong yon?”

“Yun! Alam mo na yun!”

“Ha?”Tae.

“May nangyari samin kagabi tol! Binyagan na ko!”

“…”

“O bat batahimik ka?”

“Ah  wala haha nice binyagan ka na”

“Kasi naman, ganito yin. Sya ang…”

Lintek ikukwento pa ata nya kung anong ginawa nila. Di ko na kaya. Tiningnan ko yung phone ko.

“Uy teka lang may nagtext. Teka may emergency meeting daw sa org. Next time mo na lang ikwento. Sige una na ko.”

“Tol ayos ka lang nanginginig ka ata?”

Wala  na syang nagawa. Tumakbo na ako palabas. Di ko alam kung saan ako pupunta. Wala naman kasing emergency meeting. Walang nagtext. Di ko lang talaga kayang marinig yung mga detalye. Masyado nang masakit.

Basta tumakbo lang ako. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Madami pang tao. Pagod na pagod ako. Sa pagtakbo, sa pag-intindi, sa  pagkukunwari. Tumigil na ako sa pagtakbo. Pagtingin ko, napangiti na lang ako. Nasa Agapita ako, sa tapat ng apartment ni Von.

elbi blues (gay love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon