8. Nick

145 2 0
                                    

Wala atang tao sa apartment ni Von. Umupo ako sa tapat ng pinto habang nag-iintay. Wala naman kasi akong mapupuntahan. Kailangan ko rin siguro ng kausap. Ang bigat lang ng pakiramdam ko. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Shit ang sakit.

Matagal din akong nag-antay.

“Makikiraan ho…”

Tumingala ako. Napangiti. Si Von pala. Gustong-gusto ko syang takapin noong panahon na iyon. Sa halip, ngumiti lang ako.

“Uy Nick! Bakit ka nandito?”

“Pwede bang dito muna ako tonight?”

“Ha? Bakit?”

“Ayos lang ba? Sige na Von ngayong gabi lang.”

“Umiyak ka ba? Ayos ka lang ba? Tara na sa loob. Dito ka na lang.”

“Salamat ha. Nagkaproblema lang ako. Pasensya na sa abala.”

Pumasok na kami sa apartment. Humiga lang ako sa kama. Di ko alam kung bakit pero sobrang pagod na pagod ang pakiramdam ko. Yun bang tipong kapag ipinikit mo yung mata mo ay makakatulog ka agad.

“Nick, matutulog ka na? Ayaw mo bang pag-usapan?”

“Wag na di mo naman problema to. Kailangan ko lang talaga ng matutulugan ngayong gabi.”

“Sigurado ka ha. Basta pag kailangan mo ng kausap, tayo lang namang dalawa dito. Siguro naman ako lang kakausapin mo no? Maliban na lang kung may nakikita kang di ko nakikita.”

“Gago haha salamat ha. Gusto mo  ba talagang malaman?”

“Sana. Baka makatulong din ako.”

“Corny e tsaka nakakahiya.”

“Ano naman kung corny?”

“Probemang puso lang. Baka di mo rin maintindihan.”

“Ha? Bakit? Try me.”

“Ikaw bahala. May nagugustuhan kasi ako. Kaibigan ko. Pero syempre, iba ang gusto nya.”

“Wala bang bagong kwento? Parang problema yan ng marami ah.”

“Lalaki sya.”

“Oh.”

Tumahimik lang si Von. Natakot ako bigla. Baka i-judge nya ko. Baka di na nya ko patulugin dito. Baka umiwas na sya sakin.

“O bat tinigil mo yung kwento?”

“Di ka naiilang?”

“Di naman ako ganon. Respeto lang sa iba. Kung yun ang nagpapasaya sayo e.”

“Shit salamat. Ikaw lang ang nakakaalam. Kahit sino. Di pa kasi ako handang sabihin sa iba.”

“Naks. Ako ang una?”

“Anong nginingiti-ngiti mo jan?”

“Ako ang una mo”

“Gago ka haha.”

“Pero alam ba ni...”

“Kev? Hindi syempre. Takot ko na lang na iwasan nya ko. Iwas yun sa bakla e.”

“Sus. Yun naman pala e. Pano nya malalaman yan kung di mo sasabihin?”

“Di nya malalaman.”

“Tanga. Pano ka sasaya kung hindi ka susugal?”

“E pano kung umiwas nga sya?”

“Edi hindi sya tunay na kaibigan.”

“…”

“O natahimik ka?”

“Di ko alam kung kaya ko bang isugal yung pagkakaibigan namin. Alam ko rin naman na walang patutunguhan.”

“Pano mo naman nasabi?”

“Dahil kilala ko ang kaibigan ko.”

“Hay. Ikaw bahala. Kung kaya mo naman itago dahil natatakot ka. Basta pag kailangan mo ng kausap, alam mo kung saan tong apartment ko ha?”

“Oo naman haha.”

“Teka, e anong meron? Bat ka umiyak?”

“Ah. Sila na kasi nung liniligawan nya. Tapos may nangyari daw sa kanila kagabi. Ang masakit kasi, sakin sya nagkkwento. Di nya nga kasi alam na nasasaktan ako.”

“Oh? E anong ginawa mo?”

“Tumakbo ako palabas.”

“Haha seryoso ba yan?”

“Oo. Ang tanga ko nga e.”

“Medyo. Syempre magtataka yun kung anong meron. Anong sasabihin mo sa kanya?”

“Ewan. Bahala na. Uy Von, una na kong matulog ha? Pagod na mata ko e.”

“Ah. O sige tulog ka na. magsh-shower lang ako tapos matutulog na rin ako. Good night.”

“Good night. Salamat ulit.”

At tumalikod na nga ako. Gusto ko nang matapos tong araw na to. Pero kung anong pagod ko kanina, di naman ako makatulog ngayon. Napatawa na lang ako sa sarili ko. Napansin ko kas na nakangiti ako. Kanina lang probemado ako pero ngayon, medyo gumaan na ang loob ko. Buti na lang nandyan si Von.

Tapos na magshower si Von. Pinatay na nya yung ilaw. Tapos humiga na sya. Akala nya ata tulog na ako. Nagulat na lang ako na yinakap nya ko mula sa likod. Alam ko gising pa sya non kasi kakahiga lang nya. Well, single lang naman kasi yung kama. Para lang siguro kasya kami. Pero… ayan nanaman Nick umaasa ka nanaman. Matulog ka na lang. 

elbi blues (gay love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon