Kidnapped

16.5K 313 1
                                    

'Kanina pa ako naglalakad, lahat na lang ng pinupuntahan ko kung hindi walang hiring ang sagot ay hindi ako qualified.

'Kanina pa din ako nagugutom. Umaga pa noong huli akong kumain.

'Hindi ko naman pwede gamitin ang natitira kong pera sa bulsa, dahil sakto lamang itong pamasahe ko pauwi.

'My stomach is growling, but i just can't do something about it. Pag titiis na lang talaga ang magagawa ko."

'Luminga ako sa paligid, papadilim na pala. Impossibleng makakahanap pa ako nang trabaho ngayon.

'Naisipan ko maglakad pa ng konti, hindi ko kasi kabisado ang lugar na nilalakaran ko.

'Sa kagustuhan ko kanina makahanap ng trabaho agad, ay naglakad lang ako ng naglakad.

'Letseng buhay naman to oo, kung kailan pa kailangan ko ng makauwi ay naligaw naman ako.

'Palinga-linga ako sa paligid, dumidilim na talaga.. tumutunog na rin ang tiyan ko sa gutom.

'Pesteng buhay!" Bakit ba kasi ipinanganak akong mahirap.
kausap ko sa sarili ko.",

'Nagsimula na akong kabahan, ang dilim-dilim kasi..paano ba ako napunta sa lugar na to na wala man lang atang ka tao-tao.

'Binilisan ko pa ang paglalakad, may nakikita akong liwanag na paparating.

'Susubukan kong maki-hitch kahit hanggang sa ma tao na lugar lang ako baba.

'Kahit kasi lalaki ako, nakakatakot pa rin naman ang dilim lalo pa't wala akong nakikitang tao.

'Hindi ko pa naiwagayway ang mga kamay ko ng huminto ang sasakyan malapit sa kinatatayuan ko.

'Salamat Lord at hindi ko nyo ako pinabayaan, naidasal ko bigla dahil sa sayang naramdaman ko.

'Pero mali pala ako ng inaakala ng apat na lalaki ang umibis sa sasakyan at hinawakan ako sa braso.

'Pinipilit nila akong isakay sa nakahintong sasakyan, pilit ako nanlaban..tinadyakan ko ang lalaking nakahawak sa kabilang balikat ko.

'Napauklo lamang ito pero hindi natinag. Ang isang lalaki naman ang tinadyakan ko ng malakas. Pero gaya ng isa, napauklo lang din ito pero ni hindi ako nabitawan.

"Tumigil ka kung ayaw mong masaktan!" sabi niya sa akin, ngayon ko lang napansin na naka bonnet at nakamaskara ang apat na lalaki.

'Hindi ako matatakutin na tao but this time kinabahan na talaga ako. Baka ano ang gawin nila sa akin, kawawa naman ang ina ko na naghihintay ng maganda kong balita.

'Gusto ko sanang manlaban pa kaso, hinigpitan nila ang pag kakahawak sa braso ko.

'Malaki akong tao kumapara sa apat na lalaki, matangkad kasi ako. Nakita kong may dalawa pang tao sa sasakyan.

'Kaya sinunod ko na lamang sila, at pumasok ako ng kusa sa sasakyan. Pinagitnaan ako ng dalawang lalaki at dalawa naman sa likod namin.

'Ang driver at isang lalaki sa passenger side.

'Natatakot ako sa buhay ko!" Akala ko sa tv ko lamang makikita ang ganitong iskena, meron din pala sa totong buhay.

'Nagsalita ang katabi ko sa upuan, sinabi niyang okay na daw. May sinabi naman ang driver na hindi ko maintindihan..

'Gutom na ba talaga ako masyado at hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

'Bigla na lamang akong piniringan sa mata ng katabi kong lalaki. Sinabi niyang maging mabait lamang daw ako, at sumunod sa sinasabi nila.

Perfect Romance ( Completed ) Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon