Chapter 1

23 2 7
                                    

AIAH'S POV-

"Aiaaaahhhhh!!! Aiiiaaahhh!!!" Psh.. sino ba yang pesteng yan??!!

"Hoy ano ba Mackzine Chekkainnah!!! Tulog mantika ka na naman!!" ,Anubang pake mo?! Tinakpan ko na lang ng una ang tenga ko.

"Aiah ha. Binabalaan kita. Pagbilang ko nang lima at hindi ka pa bumabagon, lagot ka sakin!" Istorbo naman eh!!! Putek!

"GISING NA NGA OH! AYAN NA OH! JUSKO..." sigaw ko sa kanya. Sino yon? Sya lang naman ang aking Kuya. Si Lhuchax Andrew R. Katigbak. Yan ang trabaho nya. Ang maging alarm clock ko. Psh.

"Hahaha taob ka talaga sakin noh! Hahaha labyu baby sis!!" Sabi nya. Nababaliw na sya.

"Eeeewww... Kuya naman eh! Agang aga inaatake ka na naman ng pagka alien mo!" Sabat ko. Hindi ko pa nga pala nababanggit sa inyo, si Kuya ay isa sa mga monkey aliens. Nong bata pa kasi kami, wala siyang pinapalampas na episode nun. Hanggang sa maging katulad na sya nung mga alien na yun.

"Cute at gwapong alien kamo!" Bahala ka nga! Hindi ko na lang sya sinagot at naligo na lang. Pagka ligo ko, nakalimutan kong first day ko nga pala sa new school ko. Yung uniform ko, ganto:

Sosyal ba? Nasa isang elite academy kasi ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sosyal ba? Nasa isang elite academy kasi ako. Nakakuha ako ng scholarship kasi wala naman talaga kaming pera pangpa-enroll. Si Tito at kuya na lang din naman yung kasama ko dito sa amin. Si Kuya, nag aaral pa din yan. Kung hindi ako nakakuha ng scholarship, hindi ako makakapag Aral.

Pagkabihis ko, dumiretso agad ako sa baba at kumain.

"Kuya bilisan mo naman! Usad pagong ka na naman eh!" Sambit ko.

"Tapos na nga eh." Nababadtrip na sabi ni Kuya. Daily routine na mamin to. Kaya sanay na kami

"Nakakatuwa talaga kayong magkapatid." Sabi ni tito Mario.

"Tay, alam ko na kung saan yan mapupunta ha. Tama na ang drama, Tay!" Sabi ko sabay akbay kay tatay. Tatay na ang tawag ko sakanya simula nang mamatay si mama at iwan kami ni papa. Bigla ko na lang naalala na malalate na nga pala kami.

"Aiah Tara na!" Sigaw ni Kuya.

"Sige, tay. Alis na po kami. Bye tay!" Paalam ko.

"Tay mauna na po kami ni Aiah. Bye po!" Paalam din ni Kuya.

"Abah Drew aalagaan mo yang kapatid mo ha!" Bilin ni tatay.

"Opo naman tay. Sige alis na po kami!"

Lumabas na kami sa bahay at sumakay sa motor ni Kuya. Pinag ipunan pa nya yun para lang may magamit kami pagpunta sa school. Inabot sakin ni Kuya yung helmet ko tapos umalis na kami. Habang nasa byahe kami, kumakanta kanta si Kuya. Ganyan na sya sadya. Maganda nman boses nya eh. Ang totoo Nyan, dati may Banda siya at siya ang bokalista. Buhay pa din naman yun kaso nga lang, parang nalalaos na. Ganern.

Pag dating namin sa school, nagpaalam na agad ako kay Kuya. Takot kasi akong malate. Pumunta ako sa locker ko tapos kumuha ng gamit at umalis na. Pero... may nakabangga ako bigla. Kaya natapos lahat ng gamit ko. Lalaki sya. Gwapo. Matangkad. Lahat na. Pero hindi ako nagpapasindak sa mga ganun. Pag may kasalanan ka, pagbayaran mo. Pero wala akong time makipagtalo kaya mag so sorry na lang ako.

"Sorry Kuya. Pasensya na" sabi ko

"BAKIT BA NAMAN KASI PAHARA HARA KA SA DAANAN KO??!! ANLAKI MONG HARANG ALAM MO BA YON? NAKAKAINIS KA SOBRA!" Sigaw nya. Alam nyo kung hindi lang ako nagmamadali baka nabangasan ko na to eh! Pigilan nyo ako nako..

"Sorry na nga eh? Sorry na nga diba?" Sabat ko. Nagpipigil lang talaga ako. "Para ka namang mamamatay pag nabangga ka ng isang tao." Bulong ko sa sarili ko. Ang yabang nya grabe!!! Hmph!

Nung pumunta ako sa klase ko, mabuti na lang at wala pa yung teacher namin. Kundi talaga patay na ako.

Ang yabang talaga ng lalaking yon! Kala mo naman kung sino sya! Baka nasampal ko na talaga yun kanina eh. Buti na lang nagmamadali ako. Nako kung hindi baka nasa detention na agad ako eh unang araw pa lang ng klase.

Hindi ko na namalayan na nandyan na pala yung teacher namin. Mabilis lang din natapos ang klase kasi introduction pa lang naman. Nakalipas pa ang mga oras at lunch na. Maya Maya pa, nakatanggap ako ng text kay Kuya. Dapat sabay kami ngayon eh.

From: Kuya kong alien
Aiah ko.. di ako makakasabay ngayon. May pinapagawa kasi teacher ko eh. Kain ka na lang dyan sa canteen. Labyuuu 😘

K. Mag Isa ako. Edi sheyng. 😂

Pumunta na ako sa canteen at umorder ng pagkain. Habang kumakain ako, may lumapit saking babae. Maganda sya sobra. Matangkad pa. Tapos ka mukha pa sya nung lalaki kanina na binangga ako.

"Hi miss!" Bati nya

"Hello." Tipid kong sagot. Kumakain ako beh kita mo ba?

"Pwede ba akong makijoin sayo?" Tanong nya.

"Sige okay lang." Sabi ko.

Di ko namalayan na ang gaan na pala ng loob ko sa kanya. Andami na naming napagkuwentuhan. Sya pala si Adrianna Kate. Iannah for short. Haha edi sheyng.

"Hon naman eh! Sabihin mong hindi yun totoo! Mahal mo pa ko diba?" Sigaw ng isang babae. Mukhang pinagkakaguluhan sya dun. May kasama din siyang lalaki.

"May Mahal na akong iba Yuki! ANUBA! Lubayan mo na ako please lang." Naglakad sya palayo. Pupunta sya sa direksiyon namin. Tapos itinigil ulit nya ang paglalakad dahil hinila sya nung babae.

"Then sino?! Sino yang babae na yan ha?!" Nagulat na lang ako dahil nasa tapat na namin sila. Excuse me? May kumakain dito ha!

"S'ya. S'ya yung Mahal ko"



















Ako??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Joke Called Love? Where stories live. Discover now