Sino ba?

37 1 0
                                    

             Hi! Ako nga pala si John isang 1st year college. Isang Medtech student na naghihirap sa grades, pero syempre joke lang yun haha. Bakit nga pala ang Puso ang pamagat neto? Ganito ka simple yun babalik nanaman tayo sa mga tanong na, Naranasan nyo na ba magmahal?, Naranasan nyo na ba maghintay?, Naranasan nyo na bang UMASA? Lahat ng yan nakakrelate ang karamihan diba? Masaya kasi magmahal tama ba? Yung kahit nasasaktan ka na pero pag lumapit sayo yung taong mahal mo o crush mo nawawala bigla tapos sumasaya ka. Pero alam nyo ba na may kapalit lahat ng kasiyahan nyo? Bakit? Kasi naranasan ko na pag ako sumasaya madaming kapalit. Hays andrama diba? HAHA kwento ko nalang ang nangyari sakin.

Graduate na ako ng 4th year ano na ba ang mga plano ko sa buhay. Ako yung tipong di naman matalino di din bobo siguro average student. Medyo mababa grades ko kaya hirap ako sa paghahanap ng college na papasukan. Nasa huli pagsisisi diba? Eto since mataas naman expectation ko sa sarili ko nagentrance test ako sa UST oh ha taas ng pangarap ko diba? Sa kasamaang palad ayun.... Di ako natanggap. Natakot tuloy ako magtake ng mga entrance exam sa ibang colleges. Hanggang sa nauubos na oras at magpapasukan na. Buti nalang may isang university na hindi nag paentrance test ayun nakapasok ako naging last resort tuloy. Una palang ampanget na ng kwento. Oh diba panget ng buhay ko nasakin naman lahat ng suporta di naman ako hirap sa pera sadyang tanga lang ako o mali mga desisyon ko?

First day syempre nasa isip ko aayusin ko na pagaaral ko. Muka akong nerd kasi nakasalamin ako kala tuloy ng iba matalino ako. First day na first day nalaman ko nasa 4th floor classroom ko. Pahirap buti maaga ako ng 1 oras malayo kasi ako Manila naglalaan ako ng 2 oras para byahe at extra time sa sarili ko. Ayun para tuloy ako umakyat ng Mt. Everest nyan mas nakakapagod pa yata ang pagakyat sa 4th floor kesa pagsakay sa LRT eh. Ayun pagpasok ko sa classroom may dalawa ng nakaupo na babae at di nagiimikan. Bakante pa mga silya at malayo din sila sa isa't isa so ayun upo ako sa paborito kong pwesto since gradeschool 3rd row last seat sa may gitna. Kasi dito di ka halata ng teacher di ka din masyadong pansinin. 7 a.m ang pasok namin Monday pa naman pero mag 8 a.m na tatlo palang kami sa classroom . Jusko ayaw ba magsipasukan ng mga kaklase ko? 40 kaming lahat wala pa yata sa 4% ang nandito. 8:30 ayun nagsidatingan na isa isa ang mga kaklase ko syempre yung iba magkakilala sabay yata nakaenroll yung iba Squad goals pa ang pasok magkakakilala yata. Habang nakatunganga ako nakaposing pa ni Ninoy Aquino sa Five hundred peso bill habang nagmamasid ako ng mga pumapasok ay may nakakuha ng atensyon ko, kakaiba ang kanyang tindig iba ang aura ng nararamdaman ko eto ay si Ysa.

Pagpasok nya nakatingin ako napanganga yata ako dahil ang ganda nya sobrang simple at umupo sya sa may bandang likod ko, bakit hindi kaya tumabi sakin? Kapal ko haha wala pa akong katabi nun palihim din akong sumusulyap kay Ysa minuminuto yata. Sinuot ko ang earphones ko tulad ng iba dahil dedma o nagkakahiyaan lang, pasimpleng tingin tingin sa cellphone kahit wala namang ka-text wala din load. Wala talaga balak tumabi ang mga tao sakin, inisip ko tuloy ano ba ako muka ba akong may sakit? Meron ba akong TB? 9 a.m may pumasok, hindi daw siya yung prof naming pero mag break na daw kami, 9-9:30 ang break time namin nun. Tumayo kaming lahat then naisip ko pano yan wala akong kasabay sa canteen eh andami pa namang tao wala akong kakilala, yung dalawang lalaki sa harap ko tumayo, kinausap ko bigla sabi ko " Mga pre gusto nyong sumabay sa canteen ? baba tayo?" eto yung tanong na sumagi sa isipan ko dahil wala din naman ako kakilala at makakasama ko din naman sila sa Sem na ito. Ayun nakasabay ko sa canteen ang mga yun tapos nakipagkilala ako sa kanila si Elijah at si Chad. Unang topic namin mga babae na kaklase namin, kung sino magaganda sino malalaki dyoga haha kaming mga lalaki talaga diba? Nalaman ko na si Elijah ay may girlfriend pero sa iba nagaaral mag 3 years na sila, siya daw ang first and last niya si Chad naman isang Hopeless romantic katulad ko NGSB, OO NGSB din ako pero hindi daw mukang ganun. Nabangit ko si Ysa sa kanila sabi nila oo nga daw maganda daw pero di nila type yung type nila yung malalaki dyoga haha. Well ako hindi ganun, maniwala man kayo o hindi promise ni hindi ko nga mapaglibugan mga crush ko e depende nalang kung ibang tao haha. Nasa canteen kami hinahanap ko si Ysa ngunit sa kasamaang palad wala siya dun. Bumalik na kami sa tuktok ng Mt. Everest siguro naubos na ang mga kinain mo sa baba bago ko makarating sa classroom namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang "PUSO"Where stories live. Discover now