CHAPTER 2

11 0 0
                                    

Chapter 2

Pagkatapos kong umamin kay 'Athan', na hindi naman pala si Athan, naglakad na ako papunta ng room namin. Habang naglalakad, napansin kong nasunod sakin yung Ethan. Pagdating sa harap ng classroom, nagulat ako na nasa likod ko pa rin siya.

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. Ano siya? Stalker?

"What the fck?" Nagulat naman ako sa sagot niya. Hmm, matalas ang dila niya. Kabaliktaran talaga siya ni Athan. Kahit kailan, di ko pa naririnig kahit isang mura lang galing kay Athan.

Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto at lumabas ang teacher. Lahat ng pares ng mga mata sa loob ng room, na saamin lahat ng tingin.

"Oh, Mr. Athan Cruz and Ms. Danyelle De Leon. Why are you late?!" Tanong niya habang taas pa ang isa niyang kilay.

"I'm not Athan." Maikling sagot nung Ethan.

"Then who are you?"

"Tsk." Halatang naiirita na siya sa teacher na nasa harap namin.

"Siya po si Ethan, hindi siya si Athan." Sinagot ko na ang tanong ng teacher namin dahil gusto ko na talagang pumasok sa loob ng room. Dami kasing tanong ng teacher na to eh.

"Oh okay. So why are the two of you late?" Ayan na naman. Kung pinapapasok na lang niya kami ng room edi hayahay ang buhay.

"I'm new here and I'm not familiar with the place." Sagot ni Ethan. Such a liar, lahat ng new students ay binibigyan ng map ng school.

"And you, Ms. De Leon, what's your reason?" Hays. Patay kang bata ka Dj! Ano na lang ang sasabihin mo? Na mas inunan mo pa ang kaharutan mo?

"Ah hehe a-ano po 'cher k-kasi--"

"She helped me find this room. So now, may we go inside? Tsk." Loko to ah, walang respeto sa teacher. Hays pero salamat sa kanya at ginawan niya ko ng rason kung bakit ako late.

"Okay. You may now go inside and find an available seat."

Pagpasok namin, bulungan agad ang mga narinig ko. Hay nako mga chismosa.

"Omg! Bat magkasama si Athan at Dj?"
"Sila na ba?"
"Eh diba bestfriends sila!"
"Mga bobita, hindi nga daw siya si Athan. Ethan nga daw."

"QUIET!" Sigaw ng teacher namin. Hay buti naman. Nakakarindi na yung mga bubuyog eh.

Naghanap ako ng bakanteng upuan at sa kasamaang palad sa tabi na lamang ni Ethan ang bakante. Hays, hayaan na kesa walang maupuan.

"Hmm so you like Athan? I should probably tell him." Pang-aasar ni Ethan. Eh hayup pala to eh. Dj, relax ka lang. Huwag paapekto sa demonyong yan. Bait-baitan muna ha.

"Parang awa mo na, wag mong sabihin."

"Why? You're about to tell it to him earlier, but poor you, I'm not Athan HAHAHA." abayga pala to eh. Nawalan na ko ng lakas ng loob umamin kay Athan huhu.

"Please, wag mong sabihin sa kanya. I'll do whatever you want me to do, just please wag mong sabihin kay Athan." I have no choice left.

"Oh really? You'll do everything i'll ask you to do? hmm."

"Oo, basta please don't tell it kay Athan."

"Okay, deal. You'll do whatever I ask you to do."

Pagkasabi niya nun, nanahimik na siya. Hay buti na lang!

"Okay! Class dismissed."

"Hey!" Tawag ng demonyito.

"Bakit demo-- ay este Ethan?"

"What demo? Tsk never mind. Okay so you told me you'll do whatever I ask you to do right?"

"Oo nga, paulit-ulit? Bakit?"

"Okay, so be my slave HAHAHA."

"HA ANO? ano kala mo sakin, yaya mo?"

"Oh so you don't like it? Okay, madali ako kausap." Anak ng pating! Nakakapagtagalog naman pala ang demonyito. Nosebleed na ko dito oh! Kinuha niya ang cellphone niya sa bag.

"Hello Atha---" Ano daw?! ATHAN?! Hinablot ko ang cellphone niya.

"Hi Athan, wala lang yun hehe bye bye." jusko! "Huy ano ba hehe joke lang yun. Sabi ko nga oh eto na, slave mo na oh. Ano pong iuutos niya senyorito?"

"Hmm buy me some snacks then bring it here. And please if there's oreo cheesecake, buy me that one."

"Ha? Eh kakain din ako. Sa canteen ako kakain. Mauubusan ako ng oras kung dadalhan pa kita dito."

"Is that a problem? Buy yourself some snacks too then also eat here." Sabi ni Ethan. Matalino naman pala to kahit papano. Inabot sakin ni Ethan ang perang pambili.

"What the heck? Bakit 1k? Ano kala mo tinda sa canteen, ginto?" Hala jusko eh 1k kasi yung inabot niya huhu sobrang rich kid ng demonyitong ito.

"Just go. Buy yourself a snack too."

Pagdating sa canteen, parang nalate na yata ako ng dating huhu. So isang slice na lang ng oreo cheesecake ang natira, eh favorite ko yun tapos yun pala yung pinapabili ni senyorito (ew). Bumili na lang ako ng pasta for myself huhu and dalawang chuckie for me and for him.

"Oh eto na po, boss." Inabot ko ang oreo cheesecake sa kanya. Hanggang pagkatapos ko maiabot sa kanya, nakatingin pa rin ako sa cheesecake huhu favorite ko talaga yun eh!

"What are you looking at?" 'Yang cheesecake! Akin dapat yan eh.

"Oh, so you want this cheesecake?" Mind reader ba siya? wowzie.

"I'm not a mind reader. It's written all over your face, stupid."

"Anong stupid?! At tsaka favorite ko talaga yan eh huhu kaso isa na lang eh."

"Gusto mo?" Nagslice siya ng maliit na parte gamit ang tinidor at inalapit pa ito sa mukha ko.

"Oo!!" Akmang isusubo ko na ang cheesecake ngunit inunahan niya ako.

Napatingin ako sa kanya sa inis ko, ngunit 'di ko namalayan na magkalapit na pala ang mukha naming dalawa.

dugdugdugdugdugdugdug. Bakit ganito? ang bilis ng tibok ng puso ko at saka parang may nagrarambulan sa tiyan ko! Gutom lang ba 'to o iba na? Kay Athan ko lang naramdaman ang ganitong feeling eh!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Double Trouble Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon