CHAPTER 1

60 2 0
                                    

Chapter 1

"The best talaga Kare-kare mo, Dj !" Komento ng best friend ko. Halata sa mukha niya na sarap na sarap siya. Hmp! Ang yaman-yaman, patay gutom.

Kasalukuyan kaming kumakain ng best friend ko sa cafeteria ng school.  Athan Chance Cruz, he got the looks, wealth, brain, talent and everything. Name it and he has it.  Ang pamilya niya ay nag mamay-ari ng iba't ibang ari-arian tulad ng mga malls, airlines, companies, farms, schools at iba pa. Kabilang ang school namin sa pag mamay-ari nila. Si Athan ang presidente ng Student Council sa school namin. Hindi siya nanalo dahil sila ang may-ari ng school, kundi dahil siya isang mabuting studyante, kaklase, schoolmate at kaibigan.

"Siyempre ako pa! Bayaran mo ako. Ako nag pakahirap lutuin yan eh!" Biro kong sabi sa kanya. Ako kasi ang nag luto ng baon namin.

Bago ko nga pala makalimutan, ako si Danelle Jaye De Leon.

"Libre na to! Sige na. Mahal naman kita eh." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

"A-ano? M-mahal mo a-ako?" Matagal ko ng hinihintay na sabihin niya to.

"Ha? Siyempre naman! Best friend kita." Nakalimutan ko, best friend nga lang pala ako.

"Ah okay haha." Peke kong tawa.

Akala ko talaga totoo na. Umasa na naman ako. Oo, tama ang iniisip niyo. May gusto ako kay Athan. Sa katunayan nga, matagal na akong may gusto sa kanya. Hindi ko maamin dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin.

"Hoy Dj!" Natauhan ako sa pag tawag niya sakin.

"Kanina ka pa tulala diyan."

"Ah s-sorry may inii--" Naputol ang sasabihin ko dahil may biglang tumawag sa kanya sa kanyang iPhone.

"Sagutin ko lang to ha?" Tumango naman ako bilang sagot.

"Hello babe."

"Ha?! Ano?! Nasan ka?!"

"Oh sige! Papunta na ako diyan! Hintayin mo ako!"

"Dj, mauna na muna ako ha? Emergency, kailangan ako ni Cath ngayon." Bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya.

Catherine Gomez, maganda, matalino, mayaman, talented, mabait at halos lahat ay nasa kanya na. Kahit masakit, sa tingin ko ay pwede na silang tawaging "Perfect Couple".
Sanay na ako kaya okay lang. Sanay na ako na iniiwan ni Athan pag kailangan siya ni Cath. Sanay na naman akong unahin ni Athan si Cath bago ako. Ano nga naman ang laban ko? Girlfriend niya si Cath at ako lang naman ang best friend niya.

Bumuntong hininga ako at niligpit ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos kong ligpitin ay lumabas na ako ng cafeteria.

Kailan ko ba marearealize na kailan man ay hindi niya ako magugustuhan? Para matigil na tong kahibangan ko. Sabi nga ni Pachot "May babaeng ginigirlfriend at may babaeng binebestfriend."







"Nasan na kaya yun?" Bulong ko sa sarili ko. Pa'no ba naman kasi, wala pa si Athan eh nag sisimula na ang klase namin.

Parehas kami ng course ni Athan, Business Ad.  I chose this course not because gusto ko ito, kundi dahil kay Papa.  Ako lang ang nag iisang anak nila kaya ako ang tagapagmana ng business namin. But kung ako ang papipiliin, I really want to be a Doctor. Since I was a kid, that was already my dream.

"Hoy ateng! Anong binubulong-bulong mo diyan? Wag ka nang umasa, di ka nun mamahalin!" Sabi ng isa ko pang best friend na siyang dahilan kung bakit ko siya binatukan.

Double Trouble Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon