Bloody Two

24 2 0
                                    


🔪Bloody Two🔪

06-13-20XX

Napagdesisyunan ko na pumasok sa Academy para naman makapag ikot ako kahit papaano. Tanghaling tapat pero nandito ako at nag iikot. Dumaan muna ako sa parang guard house para magpaalam.

"Manong, pwede po bang pumasok sa loob?" Magalang na tanong ko sa may guard habang nakatingin sa may loob ng Academy.

"Ah, Hija. Ano bang pangalan mo? Kailangan ko muna kasing masiguro na dito ka talaga nag-aaral." Ang higpit naman ng school na ito. 

"Elrine Riedle Llaner po."

Tumango si Manong Guard sa akin at saka siya nagsimulang magtype sa computer sa harap niya. Ilang saglit pa ay humarap ulit si Manong Guard sa akin at saka ngumiti. "Sige Hija. Pwede ka ng pumasok." 

Bumukas yung gate pagkatapos niyang magsalita. Nagpaalam na ako at saka dumiretso sa loob ng Academy. Pagkapasok pa lamang ay may natanaw akong fountain sa may harap ng isang garden, sa tabi naman nito ay isang malaking greenhouse. Nag-skate ako papunta doon para makita ko ng malapitan ang garden.

Habang papalapit ako ay may nakita akong isang babae na mukhang kasing edad ko lamang. Nagdidilig siya ng mga halaman. Mahaba ang buhok, medyo maputi, at may katamtamang taas. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nang makalapit na ako sa kanya ay tinapik ko ng mahina ang balikat niya. "Uhm. Miss, estudyante ka ba dito?" Baka kasi estudyante siya dito kagaya ko.

Unti unti siyang humarap at saka ko nakita ang mukha niya. Mahahabang pilik mata, matangos na ilong, itim na itim ang kulay ng mata, at medyo matataba ang pisngi. Medyo nagulat pa siya nung una pero nakabawi naman kaagad siya. "Elrine!?" Nagtatakang sabi nito. Pero teka, kilala niya ako? 

"Uh. Miss, kilala mo ko?" Hindi ko nga siya kilala eh. Sa tingin ko? 

"Ano ka ba naman? Si Raizen to!" Raizen? Rizz? Yung babaeng makulit na palaging nakangiti? Yung kumukuha sa chocolates ko ng hindi nagpapaalam. 

"Ah.. Ikaw pala yan." Sa pagkakaalam ko may atraso pa ito sa akin. "Kyahhh! Omo! Long time no see!" Sabay yakap niya sa akin. "Bakit ka nga pala nandito? Teka! Don't tell me binisita mo ako dito?!" sabi niya sabay yugyog sa akin.

"Teka nga." 

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko. "Hindi nga kita nakilala agad tapos sasabihin mo binisita kita." Parang baliw talaga tong babaeng to. "Eh? Bakit ka nandito?" Parang batang tanong niya habang nakalapit yung mukha niya sa akin.

"Nag-iikot." Maikling sabi ko.

Lumayo siya sa akin at pinaikutan niya ako na para bang iniinspeksyon niya ako. Tumango tango pa siya na parang baliw ng matapos siya sa ginawa niya. Humarap ulit siya sa akin at saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Namiss kita Rinie." 

Kakaiba talaga to. Kanina lang ang childish tapos ngayon naman seryoso. Bipolar? "Ang drama na Rizzie." Bumitaw naman kaagad siya sa akin at saka niya ako binatukan. "Ang hard mo naman sakin Rinie." Nagtatampong sabi nito sabay pout at cross arms. Bata talaga.

"Samahan mo naman akong mag-ikot dito Rizzie." Aya ko sa kanya. Kaagad naman siyang pumayag at dali dali niya akong hinila na para bang laruan.

••••

"Ito ang main building." Turo niya sa malaking gusali na nasa harap namin ngayon. May anim na palapag, pinaghalong gold, white, at, orange ang pintura ng gusali na to. May mga nakalagay na flag pole sa magkabilang dulo nito at nakasabit doon ang watawat na may logo ng school. "Dito matatagpuan ang principal's office, guidance, cafeteria, computer room, science lab, auditorium, at lahat ng room ng mga clubs." Pagpapaliwanag niya.

BLOODY YEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon