🔪Bloody Four🔪
Napahawak ako sa sentido ko dahil sa kakulitan ni Rizzie. Kanina pa niya ako niyayakap at niyuyugyog dahil daw sobrang saya niya at magkaklase kaming dalawa. Kanina pa rin ako nahihilo sa ginagawa niya. Kakarating lang namin ni Cryshna at pagkapasok pa lang namin kanina ay dinamba na ako kaagad ni Riz at hinila naman nila Feliz si Cryshna dahil muntikan na kaming matumba ni Riz sa kalokohan niya.
Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko ang natutulog na si Shaun na katabi ni Ziera na nagbabasa ng libro. Hindi pa rin ako tinitigilan ni Rizzie kaya tiningnan ko siya ng masama. Nag-pout naman siya at padabog na umupo sa tabi ko. Finally. Tumingin lang ako sa board dahil wala naman ako sa mood dumaldal. Mayroong white screen sa gilid at cctv camera sa taas na katabi ng orasan.
I scanned the whole room. May dalawang aircon at isang bintana na malapit sa teacher's desk at nakahilera ang upuan, six rows and five columns. Sa may bandang gitna kami nakaupo banda. Bakit kaya isa lang ang bintana nitong room? That's weird.
There are approximately twenty five students here. Lahat may kanya kanyang ginagawa. I notice some girls who are staring at Shaun and parang pinaguusapan siya ng mga ito. They were grinning like crazy. Kinalabit naman ako ni Rizzie kaya tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang nakakunot noo niyang itsura habang nakaturo sa white screen na nasa harap.
"Introduce yourselves."
Iyan ang nakalagay doon sa screen. Ang kaninang maingay na room ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Wala bang teacher man lang na pupunta sa amin? Ano bang klaseng section ito? Para saan ba iyong nakasulat sa board?
"I'm waiting."
Napalitan ang nakasulat sa screen na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng mga bulungan sa loob ng room. Malamang ay nagtataka rin sila kagaya ko. Sino ba naman kasing hindi magtataka kung walang teacher at isang screen ang parang kumakausap sa inyo?
"3"
Napalitan na naman ang nakalagay sa screen. Lalong naglakasan ang mga bulungan nila. Nanatili lamang akong tahimik at ganoon din si Rizzie. Napansin ko rin na gising na pala si Shaun na nakatingin ng seryoso sa may screen. Nagtataka naman ang nakikita kong ekspresyon nila Feliz, Ziera, Cor at Joshe. Nasa likod na column sila nakaupo.
"2"
Muli na namang napalitan ang nakalagay sa screen. Biglang may tumayong isang babae na may maikling buhok na itim ang kulay, mayroon siyang hawak na nail polish na kulay pink.
"What the heck is this!?" Panimula niya habang nakataas ang kilay niya at mukhang iritado.
Walang sumagot at nanatiling tahimik ang buong klase. Mukhang lalo naman siyang nairita kaya binato niya ang lalagyan ng nail polish at saka siya naglakad papunta sa harapan. May sumunod naman sa kanyang dalawang babae na tahimik lamang.
"1"
Biglang napalitan ang nakalagay sa screen na siyang nagpahinto sa paglalakad niya. Nakarinig kami ng kakaibang ingay na mula sa may kisame. Mula doon ay lumabas ang isang kakaibang bagay na parang vent at may usok na lumalabas mula doon.
Bigla akong nakaramdam ng hilo dahil doon, nakita ko rin na ganoon din ang nangyayari sa mga kaklase ko. Pagkatingin ko sa harap ay nakita kong wala ng malay ang tatlong babae na tumayo. Sinubukan kong tumayo pero nahihirapan ako, nawalan ako ng balanse at ang huli kong narinig ay ang malakas na tunog ng alarm bago ako mawalan ng malay.
------------
"Where's Mama?"
I see the younger version of myself in a hospital bed while my father is standing beside the bed.

BINABASA MO ANG
BLOODY YEAR
Tajemnica / ThrillerLahat ay mangyayari sa loob ng isang taon. Mga sikretong pilit na ibinaon. Unti unting nahukay ng dumating ang tamang panahon. Isang babaeng nawalan ng ala-ala noon. Isang section na kakaiba. Bawat isa ay may lihim na dinadala. Kanino ka magtitiwala...