PROLOGUE

6 0 0
                                    

Naranasan mo na bang ma-fall? Yung ma-fall sa isang tao hindi ma-fall na mahuhulog ka sa  semento ah, yung tipong araw-araw nilang ipaparamdam na mahalaga ka pero in the end iiwan ka lang pala sa ere?

Im sure meron, marami...

Ako? Naranasan ko na rin yan. Yung feeling na gusto mo talagang kalimutan yung araw na nakilala mo siya dahil sa ginawa niya.


Parati kong sinasabi na magmomove on na ako pero hindi ko talaga magawa kasi mahal ko nga yung tao.


May karapatan din naman akong magmove-on diba? Mag move-on sa katarantaduhang ginawa niya.

Akalain mo yun, totoo lahat ng pinapakita kong feelings ko sakanya pero siya laro-laro lang pala yung ginagawa niya? Screw him!

Pero nung pinaasa niya talaga ako, tinanggap ko. Pero ilang buwan nanaman ang lumipas, bumalik nanaman siya at sabi niyang 'this time seryoso na ako', naniwala naman ako sa mga katagang sinabi niya kasi ang feeling ko, narealized niya na talaga na dapat niya pala akong mahalin pero mali....... Napaasa nanaman ako at ang masakit ? Ilang beses na ?! Ayaw ko na talaga! Masyado nang masakit.

Parati nalang ba akong aasa sa kanya? Hahabol? Hindi ba pwedeng may humabol rin naman sakin at magkandarapa? Kasi lagi nalang ako ang nasasaktan.

All this time na pinapaasa lang pala ako ng isang tao, hindi ko na napapansin na may totoong nagmamahal na pala sa akin.

Sa patuloy kong pagiging tanga ko sa iba hindi ko na nabibigyang halaga ang sarili ko.

Days.....Months....Years na lumipas ay nagtagpo nanaman ang tadhana naming dalawa. Actually that time he begged for my attention. But I didn't give him a chance anymore because i can feel na if i will give him a chance, all the stupid things in the past will repeat again. At ang bagay nanaman na yun ang ang pagiging tanga at pagpapaasa niya sa akin.

Kaya I realized na, no, hindi na ako magpapa asa sa kanya dahil hindi naman siya ang nasasaktan, kundi ako.'

Kaya ngayon, nabubuhay na ako ng masaya, at nararamdaman ko na rin na finally! May nagnamahal na rin sa akin.

Kaya salamat sa pagpapa-asa mo sakin dahil natutunan ko na dapat ang sarili ko muna ang mahalin ko bago ang ibang tao, dahil ang love na yan? Darating rin yan kasama ang karapatdapat na tao para sayo.



OPERATION: Make her fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon