Hello Wattpad Readers
Share ko lang itong kwento na to na isa sa mga hindi ko malilimutan.
More on Narration ang kwento ko dito.
Pasensya na kung boring ulet :)Short story lang to
Noong una wala naman talaga ko nararamdaman para kay Zyke,basta ang alam ko isa sya sa mga nirecruit ng barkada namin para maging bahagi narin ng barkadahan.
Alam naman natin na sa school nabubuo ang pagkakaibigan, kaaway,ka close,ka kwentuhan at higit sa lahat ang pag-ibig.
Highschool na noong naging kaibigan namin sya,isa sya sa mga CAT officer nung 3rd year kami at kaklase sya ng isa sa matagal ko ng kaibigan sa school.
Kaunting description para kay Zyke.
Katamtaman ang kulay,hindi maitim at hindi rin maputi,ang buhok nya barbers cut,mapungay ang mga mata at medyo bilugin dahil narin sa kanyang mahabang pilikmata na nakapagdagdag asset sa kanyang mga mata. Matangos ang ilong at may mapulang labi. Payat sya at may tangkad na 5'7.
SA TAMBAYAN
"Mga tol,may bago tayong member sa barkada" bungad ni Opa sa amin. Si Opa ay pangalawa ko sa naging barkada buhat nung grade 4 palang kami.
"Welcome to the club tol Zyke" bati ko sakanya.
At kagaya ng iba pa naming kasamahan ay maluwag na tinanggap sya.
Hindi kami fraternity,basta grupo kami ng magkakaibigan na ang kinahiligan lang ay maglaro ng computer,playstation,pokemon,gumimik at magyabangan kung sino sa amin ang unang magkakagirlfriend.
Lumipas pa ang mga araw naging okay naman ang lahat kasama na dito ang academics namin. Byernes ng hapon pagkalabas sa eskwelahan at dahil byernes may katungkulan si Zyke sa Campus dahil officer sya sa CAT.
Nasa tambayan kami habang naglalaro ang iba,nagkekwentuhan. Biglang dumating si Zyke matapos ang isa't kalahating oras.
"Pa-sensya na kayo,natagalan ako" si Zyke na medyo humihingal pa pagkapasok sa tambayan namin na private computer shop.
"Chill ka muna tol,parang tinakbo muna ang pagpunta dito ah" sabi ni Pat
"O-oo nga eh,baka kasi wala na ko maabutan sainyo" si Zyke na medyo natatawa.
Agad ko naman napansin ang kanyang mga ngiti kahit na pagod at medyo pawisan nasabi ko nalang sa aking sarili na ang gwapo ng bago namin barkada.
Tumingin sya sa akin habang nakangiti bago pa lumapit at umupo sa tabi ko.
"Kamusta?"bati ko sakanya.
"Okay lang tol,eto pagod hehe"
"Mga tol,sabado bukas wala tayong pasok,dating gawi?ano game?" tanong ni Opa sa aming lahat.
Ang tinutukoy ni Opa na dating gawi ay ang inuman session.
Sinang-ayunan naman ng lahat yun,kapag sinabing inuman session,sa bahay ni Opa ang punta namin at dapat may mga dala na kaming pampalit ng damit dahil doon narin kami matutulog.
Para narin sa welcome party namin para kay Zyke bilang bagong myembro ng barkada.
Kinabukasan...
Nagkita kita kami mga bandang hapon sa tambayan bago kami pumunta kela Opa.
Kasama ko si Pat,Pen,Jonas,Karl at Zyke.
"Porma natin ah!hahaha" sabi ni Pat.
"Kaya nga aattend ba tayo ng debut?haha" sangat ni Jonas
"Ayos na yan kunwari matitino tayo pagpunta kela Opa" si Karl.
Dahil kumpleto na kami napagdesisyunan na namin pumunta kay Opa.
Medyo tahimik parin si Zyke at hindi masyadong palakwento habang nasa byahe kami, sa akin sya dumidikit siguro mas nakagaanan nya ako ng loob dahil bumabati ako sakanya at kinakausap din.
"Takte! anong meron mga tol! bakit ganyan ang mga bihis nyo? hahahaha" tumawa ng tumawa si Opa ng makita kami.
"Tol,para bukas magsisimba naman tayo at least nakaready na!hehehe" biro ko sakanya.
Lumabas ng bahay ang nanay ni Opa at nagbless kami bilang paggalang dahil itinuring ng buong barkada na pangalawang ina na namin si Tita Nats.
"Mga anak wag kayong masyadong magpakalasing ha?"paalala ni Tita Nats sa amin
"Opo tita" kami.
"Teka nga pala,parang hindi pamilyar sa akin yang isa nyong kasama" turo ni tita kay Zyke.
"Ma,si Zyke nga pala bagong member hehehe" hinila ni Opa si Zyke papalapit kay tita para maobserbahan haha.
"Asus! nagsama kapa ng bago para maimpluwensyahan nyo ha!" biro ni tita.
Samantalang si Zyke ay napapangiti lang habang kabiruan namin si Tita.
================================================================
Naghanda na kami para sa mahaba habang inuman.
Kumuha ng pansapin sa damuhan si Opa na parang magpipicnic lang kami.May bakanteng space sa mismong harap ng bahay nila ngunit nasasakupan parin ng bakuran.Nag-ambagan kami bawat isa ay 100 pesos. As usual pambansang alak namin Matador Brandy wala pang Light non.
Si Opa na ang bumili ng alak dahil mas kabisado nya ang tindahdn sakanila.
Kami nama ay naupo na ng pabilog at dahil narin sa di kalakihan ang latag kaya magkakadikit kami.
Katabi ko parin si Zyke pero para sakin walang malisya pa at barkada lang talaga.
Dumating na si Opa may bitbit na 3 boteng Matador at maraming chichiriya,may noodles na din para mamaya, tang orange, isang kahang Marlboro red.
"GAME?"
BINABASA MO ANG
Si Zyke(boyxboy)
Teen FictionLahat tayo may kilig na naramdaman sa tamis ng unang pag-ibig. . At Sakit sa unang kabiguan. "Si Zyke" ay isang palayaw lang upang maitago ang tunay na pagkakilanlan.