SZ2

246 5 0
                                    

"GAME"

Handa na ang lahat.

Sinumulan ng magtagay ni Jonas ng alak. Sa una ay mabilis ito dahil kakasimula palang.

Mainit sa dibdib ang alak at kita mo sa mga mukha din nila ang parang nangangasim na mga mukha hehe.

Marami kaming napagkwentuhan,isa na dito kung paano ko naging kaibigan sina Pat at Opa dahil sa palabas sa channel 2 dati na BTX.

Ganun din si Zyke na sa una tahimik lang na nakikinig at kung minsan nagkekwento sakin ng kung ano ano kabilang na dito yung crush nya na taga ibang school.

Malimit nga magsasalita na si Karl na "Share nyo naman yang pinag-uusapan nyo"

"Oo nga,daya nyo eh" dagdag ni Jonas.

Biglang aakbay sa akin si Pen.

"Mukhang masinsinan yan ah,sinong chixs ba yan ha?"

"H-hindi ako tol,si Zyke yun"

pagtanggi ko na dahil rinig ni Pen ang pinagkekwentuhan namin ni Zyke.

"Tol Zyke,san ba pumapasok yang chixs natin ha?"pabirong tanong ni Opa.

Si Zyke naman ay biglang namula ang mukha na tila nahihiyang magkwento sa kanila. Ngunit napilit din sya magkwento habang patuloy ang tagayan namin.

Isa

dalawa

tatlong ikot pa ng alak, naramdaman ko na medyo nahihilo na ko.

Tinignan ko ang bote pang 3 na pala namin kaya pala ganun nalang ang pagkahilo ko.

"Ano mga tol! ayos paba kayo dyan?" tanong ni Opa

"Oo naman! Wala pang lasheng samen!hehe" si Pen na halatang may amats na pero nagawa pang magbiro.

"Olol! lasheng kana brad" si Karl na patawa pa.

Samantalang si Jonas halatang may tama na kasi ang pula na ng mukha,braso,leeg nya dahil tisoy kasi, at medyo natatapon na yung tinatagay nya.

Nangangalahati na kami at kinuha na ni Opao ang alak para sya na ang magtanggero dahil hindi maitatanggi na kahit may amats na ay kaya pa talaga nya.

"T-tol san ang cr nyo?" tano ni Zyke ng biglang tayo nya na sya naman na out of balance kaya tumumba sya sa akin at napakapit sa aking balikat.

"So-sorry tol,nahihilo na ako"

"Ayos lang yun,tara samahan kita" tinulungan ko si Zyke sa pagtayo kahit na duling narin ako sa pagtayo ay pinilit ko.

Nagawa pa magbiro nila Opa na baka daw ako pa taga hawak ng ari ni Zyke sa cr.

"Gago,samahan ko lang ,dun aq syempre sa labas mga buang haha"

Isa pa naiihi narin ako kaya pinauna ko na sya para mag cr. Maliit lang ang banyo kaya kapag nasa tapat ka ng pinto kita mo kung pano magbukas ng zipper ang iihi.

Dahil narin sa kalasingan,hindi na ko pinansin ni Zyke na nasa labas lang ako. Habang ako namay nakatingin kung saan nakaupo ang mga kasama namin.

Ewan ko ba pero bigla akong napalingon sakanya.

Nakabukas ang ilaw na dilaw nakita ko..

Nakita ko lang sya naihi pero hindi ang kanyang ari. hehehe.

Medyo may naramdaman ako kakaiba siguro dahil narin sa tama ng alak,ngunit binalewala ko lang ito.

Pagkatapos nya ay ako naman ang sumunod. Hinintay pa nya ko mag cr saka sumabay pagbalik sa inuman.

"Salamat tol ah" si Zyke na nakakakapit sa kanang balikat ko.

"Wala yun,barkada tayo eh" sagot ko sakanya.

Pag-upo namin ang kasabay ng asaran nila samin.

"Anong ginawa nyo ha?bakit ang tagal nyo?" tanong ni Karl

"Nag-ano kami,inggit kayo?" pabiro kong sagot para sakyan lang ang pang-aasar nila. Ganyan kami sa barkadahan,mahilig mag-asaran at kung minsan lang hindi ko masabi sa kanila na napipikon na ko.

Sa dami na ng nasabi ko nalimutan kong ipakilala ang aking sarili dito,ako nga pala si Tom.

"Kaya nyo paba mga tol?" tanong ni Opa sa amin.

"Hi-hindi di ko na kaya tol,ayaw ko na" si Pen na halatang tinamaan na talaga dahil nakayuko na sya at di na maipinta ang mukha sa pagkahilo at antok.

"Pass nadin ako tol" si Pat, ganun din sina Karl at Jonas umayaw na sila.

Minabuti muna ni Opa na ipaglatag sila Karl sa loob ng bahay pero doon kami matutulog lahat sa sala. Pagpunta namin don nakalatag na ang sapin, marahil si Tita Natz ang naglatag ng mahihigaan namin.

Nahiga na sila. "Kayo ba Tom,Zyke kaya nyo pa?" tanong ni Opa.

"Kaya ko pa tol"si Zyke na medyo may tama nadin.

"Ako din" sagot ko naman.

"Eh di kung ganun bibili pa tayo ng pangbanlaw" sabay tawa ni Opa.

Pangbanlaw na Redhorse. Pumayag naman kami at sinamahan namin syang bumili ng 3 bote na maliit lang at saka bumalik sa pwesto namin.

Sa pagkahilo ko narin hindi ko na alam kung anu pa ang pinag-uusapan namin.

Bigla nalang tumayo agad si Zyke at tumakbo sa bakanteng lupa.

"Brugggghhhh!!!!!"

Sumuka na nga sya kaya lumapit ako para abutan sya ng tubig at alalayan narin.

Si Opa ay nakahiga na sa latag sa labas at tawa lang ng tawa  ang tanging naintindihan ko nalang sa sinabi nya "Welcome tol Zyke sa barkada! hahaha"

Si Zyke(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon