Dearest M: "Leandro"

18 0 0
                                    

This are compilation of letters..

Love letters acyually..

Mga kwento nang pag ibig na kukurot sa puso nang bawat isa at magbibigay aral sa mga taong nagmamahalan..

Sana ay maibigan nyo ang bawat kasaysayan ta kwento ng pag ibig..

                                                                                                                           January 14, 1989

Dearest M,

Magandang araw sa iyo.

Bago ang lahat ay nais muna kitang pasalamatan sa lahat ng mga pangaral na ipinayo mo sa akin noon. Marami akong natutunan doon. 

Kamusta ka na nga pala? Halos walong taon na rin tayong hindi nagpapangita. Pasensya ka na kaibigan. Kahit nais kitang dalawin dyan sa lugar mo ay hindi maaari. Alam ko namang hindi lingid sa iyo ang pinagdaanan namin ni Mareng Emily mo.

Napakasakit at wala nang mas sasakit pa sa mga naranasan ko nitong nakalipas na dekada.. Halos lahat ay kumukurot sa puso ko at unti unting nagpapahina nang aking paninindigan. Halos pakiramdam ko ay wala na akong silbi sa mundo dahil hindi ko man lamang nagawang isalba si Mare mo sa kanyang karamdaman.

Alam mo kung gaano ako kalihim sa love story namin ni Mare mo. Pero ngayon, hayaan mo akong ibahagi sa iyo at sa lahat ng iyong mga taga subaybay ang kwento nang pag iibigan namin ni Emily.

Naaalala ko pa noong una kaming nagkita.

Summer noon at sadyang napakainit ng sikat ng araw. Nagsasaya ako noon mag isa maligo sa dagat. Halos pitong taon rin kasi akong nanirahan sa Maynila. Dyan na ako nag aral mula elementarya hanggang sa unang taon ko sa sekondarya. 

Katanghaliang tapat na noon pero walang kapaguran kong nilalangoy ang laot at pabalik sa pampang..

Napakasarap sa pakiramdam noon.. Ang pagmasdan ang pampang habang nasa laot ka. Nakikita ko ang kabundukan sa likod ng bahay nina Ginoong Reyes noon. Sya yung ikinukwento ko sayo noon na teacher ko sa Algebra na talagang paborito akong pahirapan. Laging dumudugo ang utak noon sa pagsosolve ng mga ibinibigay nyang pagsusulit.

 Anyway, 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dearest M:   "Leandro"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon