CHAPTER 3: HALIK
JV'S POV
Eto ako ngayon, katabi si Cleo sa classroom. Hindi ko lang pinapahalata pero kanina ko pa siya pinapagmasdan. Ang ganda ng pagkatali ng buhok niya. Ang neat tignan. Yung mga mata niya, kapag nasa arawan, kumikislap. Yung ilong niya, tama lang ang pagkatangos. Tapos ang mga labi niya, mapula at pouty. Ang ganda niya. I mean, SHE IS JUST GORGEOUS.
Kaya siguro ako nagkagusto sa kanya. Tama kayo ng basa. Nagkagusto na ako sa kanya. Masama bang ma-love at first sight? Nung una, sa looks niya lang ako nainlove. Pero ngayong nakilala ko na siya, pati na rin sa ugali niya. Lahat ng hinahanap ng bawat lalaki, nasa kanya na.
Nagkaroon kami ng "friendly" date kanina. Pero sa totoo lang, gusto ko lang siyang lubusan pang makakilala. Pinalabas ko lang sa kanya na friendly date lang yun pero para sakin, may something.
Sabihin niyo nang parang bakla ako. Pero wala eh. First day pa lang, nabihag niya na agad ang puso ko.
KRIIIIIIIING!
"JV! Punasan mo nga yang laway mo. Kanina pa tumutulo. HAHAHA. Alam ko naman maganda ako eh." sabi niya sabay tawa ng malakas.
Nagising naman ang katawang lupa ko at napahawak ako sa bibig ko.
Hay. Kala ko naman meron nga.
"Oy. Anong laway? Wala naman ah." sabi ko sabay belat.
"HAHA. Joke lang." sabay mahinang hampas niya sakin.
Kinuha ko naman ang kamay niya at hindi ito binitawan.
Nakita ko naman siyang namula at tumingin sa baba.
CLEO'S POV
"J-JV." sabi ko habang hawak niya pa din ang baba ko at tinitignan ako ng mabuti.
Nararamdaman kong dumadaloy lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at inayos ang buhok ko na medyo nakatakip sa mukha ko.
Napapapikit naman ako.
SMACK!
Parang wala naman akong naramdaman.
Pagmulat ko.
"WALANG HIYA KA? AKALA KO BA AKO LANG? AKALA KO SAKIN KA LANG? ANO NAMAN 'TO?" sabi nung isang babae.
Matangkad at maputi ito. Tapos chinita at sexy pa.
"Miss? Ano bang sinasabi mo?" tanong ni JV habang nakahawak sa bahagi malapit sa labi niya at nakaupo sa sahig.
"SANA SINABI MO NA LANDIAN LANG PALA YUN PARA DI NA AKO UMASA!" sigaw ulit nung babae.
Nakita ako ni JV na nakatingin sa dalawa.
Tumayo siya at hinila ako palabas ng room.
"MAGSISISI KA JACOB VALENZUELA. I SWEAR!" huling sigaw nung babae bago kami makalabas ng classroom.
"U-umm, JV, sino yun?" mahinhin kong tanong.
"Wala." matipid at malamig niyang sagot.
Tinignan ko siya. Parang may pasa siya sa mukha niya.
Hindi ko napigilang umiyak. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sakin at tumakbo papalayo.
Hindi ako lumingon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nakasunod ba siya sakin o kung hinahabol niya ba ako.
Dumiretso ako sa rooftop. Umupo ako dun malapit sa edge at umiyak ng umiyak.
Ayokong nakakakita ako ng taong nasasaktan dahil sakin.
Yun ata yung ginagawa kanina nung babae nung nakita niya kami ni JV na magkasama.
Nagulat ako ng may umakbay sakin at niyakap ako.
"Uy, wag ka ngang umiyak. Para kang bata. Bakit ka nga ba umiiyak?" tanong niya sakin.
"I-ikaw k-kasi eh. N-nasaktan ka d-dahil s-sakin." humihikbi kong sagot.
"Eto ba? Wala to." turo niya dun sa pasa.
Hindi ako umimik.
"Halika na nga, hatid na kita sa inyo." pag-aya niya sakin.
Tumango na lang ako.
Tahimik lang kaming bumiyahe papuntang bahay.
Tinuro ko naman kung saan ako nakatira.
"Salamat ah. Tsaka, sorry." sabi ko.
"Wala yun. Kiss mo nalang siya para mawala." pagloloko niyang sabi.
Pero sa hindi ko kaalam-alam na dahilan,
HINALIKAN KO SIYA.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N:
Medyo late update po. Please continue supporting this story. :)
Sorry po kung short update ha. Medyo busy po kasi sa school. :)