CHAPTER 2: FRIENDLY DATE
NAOMI'S POV
Nakakainis talaga 'to si ate. Ang aga ko na ngang nagising para makita yung crush ko eh. Tapos siya pa-late late ng gising. -____-
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng classrooms ng grade 7 nang may nakita akong di kaaya-aya sa aking beautiful eyes.
Nakita kong kausap ni crush si ate. o_____o
Bakit? Bakit kapatid ko pa? Bakit hindi na lang akooooo?
Dinudurog ang aking heart. Eh ang alam ko nga walang kakilala dito si ate eh. Di rin naman siya pumunta nung orientation. Paano niya nakilala yung laloves ko?
ARAY. Mas kinurot ang puso ko nang nakita kong hawak ni bebe ang kamay ni ate.
Umalis na ako. Baka umagos ang isang timbang luha ko dito.
CLEO'S POV
Ako? Hila hila parin sa kamay ni JV. Ang lakas din nito noh? Nagpapabigat na nga ako eh. HAHA. ^___^V peace tayo JV. Pagod na ako eh. Paano ba naman? Tumakbo kami ng bonggang bongga sa pagka-haba habang stairs ng eskuwelahang ito.
Haaaaaay. Sa wakas! Nandito na kami sa tapat ng classroom.
Ayy. :( Binitawan niya na ang kamay ko. :( mejj disappointed. HAHAHA. dejoke.
Ayun, hinabol ko ang hininga ko nauna pa kasi sakin yun paakyat ng hagdan.
Feeling ko ang haggard ko na. -____-
Samantalang 'tong kasama ko, walang bahid ng pawis o pagod sa kanyang oh-so-handsome face.
Pagkapasok namin..
"Eww. Who's that? Bakit hinahayaan ni JV na makasabay niya yan papasok?"
"Yuck. Isa na namang nerd ang dumagdag sa klase na 'to."
"Hala. OMG. Bakit kasama ni JV ang isang nerd na tulad niya?"
Yun lang naman ang mga narinig ko. Tss. Ayos lang sakin yan. Sanay na naman ako eh.
Wala pa yata ang teacher kaya medyo magulo pa yung klase.
Naghanap naman ako ng upuan.
AYUN! Nakakita ako ng bakanteng upuan sa pinakalikod ng classroom.
Pumunta ako doon at umupo. Nagulat naman ako dahil di ko naramdamang nakasunod pala sakin si JV. Akala ko kasi doon siya sa unahan uupo.
At eksakto naman, dumating na ang teacher namin.
Maluwag pala sa mga estudyante si Ms. Ciara. Kaya ayun. Ang mga estudyante, nagreretouch ng make up, nagbabasa ng libro, nagchichikahan at kung anu ano pa.
Muntik na akong mapatalon sa binabasa kong libro dahil sa pagkalabit sakin ni JV.
"Pst! Cleo. Sabay tayo kumain mamaya." alok niya.
"E-ehh..." nauutal ko na namang sabi. Nahihiya kasi ako eh. Atsaka, baka sa library na lang ako mags-stay.
"Dali na, please." sabi niya. Sabay pout ng lips at nag-puppy dog eyes sakin.
Nag-iwas ako ng tingin para di ko tanggapin ang alok niya pero pilit niyang hinuhuli ang tingin ko.
"Sige na nga." sabi ko pagkatapos ng ilang beses niyang paghuli sa tingin ko.
"Yes!" sigaw naman nito.
At dahil dun, nagsitinginan samin ang mga estudyante.
Yung iba natawa, yung iba naman, nang-irap.
"Pasensiya ka na sa mga kaklase natin ha. Akala kasi nila kapareho ako ng kuya kong playboy. Yung tipong never papatol sa mga.. nerd." sabi niya sabay tingin sa baba. Nahiya siguro sa sinabi niya.
"Ayos lang yun noh. Sanay na naman ako. May kuya ka pala?" hinampas ko siya ng mahina.
Napatingin naman siya sakin at napangiti.
"Oo. Kaso kilala yun bilang playboy. Ang dami laging babae nun. Pero sa dami nito, wala pa siyang naiuuwi sa bahay."
"Ahh." matipid kong sagot. Ayoko naman kasi makiusisa sa buhay ng may buhay.
Pagkatapos ng dalawampung minuto, nag-ring na ang bell at nagsilabasan na ang mga estudyante. Si JV naman eh pinauna ko na. Inayos ko ang gamit ko sa bag at lumabas ng classroom.
"AHHHHHHHHHH." sigaw ko yan ng may tumakip sa mata ko hinatak ako.
Pumipiglas ako sa hawak niya kaso mukhang malakas yata ito.
Nakuuuu. Baka masali ako sa fraternity ah. Jusko Looooord. Sorry na po sa mga kasalanan ko. Promise po hindi na ako gagawa ulit ng masama. T^T
Nagulat naman ako nang binitawan niya ako at nakita kong nasa rooftop kami ng school.
May isang mesa at mga pagkain dito.
"Umm, excuse me, namali ka yata ng paghablot ng babae. Ano kas-"
Paglingon ko, nakita ko siya.
"A-ah. E-ehh. Sorry ah. Hindi ko kasi alam kung anong pagkain ang gusto mo. Kaya nagpahanda na lang ako ng simpleng mga putahe." nauutal niyang sabi at napahawak sa batok.
"Akala ko nauna ka na sa canteen? Atsaka, anong pakulo naman ito? Naku, baka dahil first day ko dito, may balak ka sakin ha. Siguro pagkatapos nating kumain at nagpahangin ako dun sa edge itutulak mo ako noh? Umamin ka kundi-" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla niyang nilagay ang pointer finger niya sa bibig ko.
"Ang ingay mo pala. HAHAHA. Wala akong balak sayo noh. Isipin mo na lang na friendly date to. Yung tipong kumakain ang dalawang magkaibigan ng sila lang. yung walang manggugulo." sabi niya. Nakita ko naman ang medyo pamumula ng kanyang pisngi.
Ako naman, kanina pa nangingisay ang kaluluwa ko. HAHAH.
"Ahh. Sige."
At ayun, kumain kami at nagkuwentuhan. Ang saya talagang kausap nitong si JV.
"Uy, salamat ha. Grabe ka naman, kailangan talaga may takip-mata-with-matching-hatak effect ka pa. Pwede mo namang sabihin nalang sakin na sumunod sayo. Akala ko kung ano eh."
Natawa naman siya.
"Gusto ko kasi na ito ang maging pinaka-unang surprise mo dito sa FAME Academy." sabay pakita ng kanyang flashy smile.
Napangiti naman ako sa kanya.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sabay kaming bumalik sa classroom.
Wala akong ibang inisip kundi ang kasiyahan ng pagkakaroon ng..
FRIENDLY DATE.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N:
Sorry po kung medyo corny ang update. V^_^
Thankyou po sa reads and votes niyo. :) Please continue supporting Campus Playboy Falls In Love With Campus Nerd. :)