I

3.9K 87 1
                                    

"Anong wala?! Hanapin niyo!" Galit na wika ni Gen. Chua, ang Heneral ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Mabilis na tumango ang isang sundalo bago lumabas ng kwarto upang gawin ang utos ng heneral.







Sa isang mataong bar, rinig na rinig ang nakabibinging musika na nagpapa indak sa lahat. Nagkakasiyahan ang lahat na pare-parehong nagsasayawan nang biglang tumilapon ang pinto na nagpatigil sa lahat. Napalingon ang lahat sa entrada ng Bar kung saan makikita ang pagpasok ng mga sundalo, nahawi ang tao nang magdaan ang mga ito. Sa dulo ng bar ay naka upo ang isang talanding bakla, hindi alintana sa kanya ang pagtilapon ng pinto ng bar kanina sa pag yapos niya sa lalaking wagas din kung maka yakap sa kanya. May hawak siyang baso, nakayakap sa lalaki at walang paki alam sa mundo nang ang kasiyahan niya ay natigil- may humatak sa kwelyo ng kanyang pink camouflage na polo na katerno ng kanya ring pink camouflage na pantalon.

"Ano ba?!" Sigaw niya at pilit na pumiglas sa nakahawak ng kwelyo niya. Pero dala ng alak hindi rin siya naka piglas. Hindi man malinaw ang nakikita niya ay na aninag niya ang isang galit na muka ng isang ginoo, naningkit ang mata niya na tila ba'y ineeksaming mabuti ang ginoong pumutol ng kasiyahan niya.

"Benjamin Santos VIII" seryosong wika ng ginoo na mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ng baklang sundalo, oo tama ka ng pagkakabasa...sundalo, bakla nga lang.

Mabilis na napa ngisi si Benjie nang tawagin ng ginoo ang pangalan niya.

"Ako nga, pogi" malandi niyang sagot at akma na niyang hahaplusin ang pisngi ng ginoo nang hatakin siya nito sa baraso. "Ay! Teka lang uy wait masheket" daing niya nang halos masubsob na siya sa pagkakahatak sa kanya palabas ng Birdie-Birdie Bar.










"This is a serious business, Benjie" seryosong wika ni Gen. Chua sa ngayo'y papikit pikit na si Benjie.

Katabi ni benjie ang mga kaibigan at ka grupo niya sa mga laban na kagaya niyang sundalo, sina Lucresia, Emerson, Buhawi, Big boy at Dondi na naroon pa kaninang alas nuwebe ng umaga (9 am)

Alas nuwebe ng umaga kasi ang usapan ng kanilang seryosong pag me-meeting, ayos na ang lahat pagpatak ng eksaktong oras. Naroon na sina Lucresia, Emerson, Dondi, Buhawi at si Big Boy. Saktong 9:20 naman nang dumating si Gen. Chua, inaasahang naroon na ang lahat nang dumating ang heneral ngunit ang magaling na sundalong si Benjie ay wala roon. Isang seryoso- sabi nga ni Gen. Chua ang pagdedeskusyunan nila kaya mahalagang naroon siya, bilang siya pa naman din ang leader ng grupo. Pero ayun nga, ang magaling na sundalong si Benjamin Santos VIII o mas kilalang Benjie ay wala sa apat na sulok ng kwarto.

"Pst tignan mo oh galit nanaman siya" bulong ni Benjie sa katabing si Lucresia. Mabilis naman siyang siniko nito at pina ayos ng upo.

"Ahm ano, Sir ay male...Gen. Chua ano pag pasensyahan niyo na po si Benjie kasi-"

"I don't care! Hindi ito eskwelahan na tumatanggap ng mga lame excuses! Ang pagsisilbi sa bansa ang dapat na inuuna, hindi ang kalokohan o kung ano mang kabalastugan!" Galit na sigaw ng heneral na nagpatiklop kay Lucresia na sana'y hihingi ng paumanhin sa ginawa ng kaibigan. "At kayo rin naman ang humiling nito, fail this at tuluyan na kayong mawawalan ng trabaho"

"Oh diba galit nanaman siya" bulong muli ni Benjie. "Pero, Sir-"

"General" pagtatama ng heneral.

"Sabi ko nga" mabilis na bawi ni Marie nang tignan siya ng masama ng heneral. "General Chua, ako na ang mag so-sorry tutal wala rin naman nang mangyayari, galit ka eh. Tsaka andito naman na ko...nalate nga lang pero naipush parin naman divahhh!" Malambot na paghingi ng tawad ni Benjie.

Tinignan lang siya ng Heneral bago iabot sa kanilang ang tigi-tigisang mga folder.

"Ay shet ang yummy!" Tili ni Benjie nang buksan ang folder. Sa unang pahina kasi ay makikita ang litrato ng isang lalaking maganda ang muka.

Walang kumibo pagkatapos ng ginawang pag sigaw ni Benjie, lahat ng mata ay nasa kanya. Dun nalang niya napagtantong napalakas ang tili niya.

"Ay so-sorry sorry" pagpapaumanhin niya kasabay ang peace sign.

Muli lang siyang tinignan ni Gen. Chua, mata sa mata. Dahil nga sa marupok si Benjie sa mga lalaking maganda ng muka ay mabilis na napangiti si Benjie sa Heneral, na mabilis rin niyang binawi nang pandilatan siya nito.

"This is a serious mission for the six of you. Emerson, Lucresia, Big Boy, Buhawi, Dondi at Benjie, at dahil nga sa mga pinag gagagawa ninyo the six of you are under my command.
Inaatasan ko kayo sa isang misyon. Huling misyon, para mapatunayan ninyong karapat dapat pa kayong maging sundalo. Itong Misyon na pupuksa sa makapangyarihang grupo ni Janjaranjan. Alam kong alam ninyo kung sino siya at kung ano ang kaya niyang gawin para lang makuha ang gusto niyang bahagi ng Pilipinas. Kung mababasa niyo diyan, inako nila ang pagsabog na nangyari sa iba't ibang bahagi ng ating bansa bilan-" natigil sa pagpapaliwanag ang heneral nang mapansing hindi manlang binasa ni Benjie ang mga detalye ng pinag uusapan nila ngayon na nasa folder na iniabot niya kanina, busy kasi ito sa pagtatanggal ng cutics niyang pula.

"Hindi mo maililigtas ang Pilipinas kung uunahin mo yang pagtatanggal mo ng cutics, Benjamin!" Galit na sigaw ng heneral na nagpatigil kay Benjie.

"Hay...galit nanaman siya" bulong ni Benjie at pasimpleng napa irap bago kunwaring nagbasa.

"Bes sa kabilang page na tayo" bulong ni Lucresia sa kaibigan.

Patay malisya namang inilipat ni Benjie ang pahina.

Napa pikit nalang ang heneral at minabuting ituloy ang pag papaliwanag sa totoong pakay niya bago pa man niya hatakin ang false eyelashes ni Benjie sa inis at kawalan ng pasensya.

"Kagaya ng sinasabi ko kanina, mababasa niyo diyan mga folder ninyo ang mga nagawa nilang pagpapasabog sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Malawak at makapangyarihan ang grupo ni Janjaranjan na mas kilala bilang Uto-Uto Gang. Ayon rin sa isa nilang statement sinabi nilang may mga naka plantang pang mga bomba sa iba pang lugar na pwede nilang pasabugin kahit kailan nila gusto. Isang maling galaw niyo rito ay pwede nang mailagay ang kaligtasan at kapayapaan ng ating bansa sa kapahamakan. At alam niyong hindi lang iyon ang tatagilid kapag kayo'y nabigo, dahil pati ang pagiging mga sundalo ninyo ay pwedeng mawala. Prove us wrong for the last time, fight for our country's peace"













Note ni Author : hi sibs, I'm back-laaa!! :)

PrivateWhere stories live. Discover now