Call of nature

5 0 0
                                    

2:30 am nagising ako para mag banyo minsan talaga ugali ko na to lalo't na kapag hindi ako nakakapag bawas ng isang buong araw minsan kasi hindi ko na pinipilit. "Parang love diba pag mas lalo mo pinipilit yung sarili mo mas lalo mo lang din sinasaktan sarili mo sa isang bagay na kahit anung gawin mo hindi na pwede!"

Grabe... ang aga ng hugot ko. 😁😁😁
Nang malapit na akong matapos bigla nalang bumukas yung pinto ng banyo. Takte hindi ko pala nasara yung pinto minsan talaga may pag katanga ako.

aaaahhhhhhhhhh!!!!!!!! Bastos bastos .... 😠😠😠😠😠

Bakit kasi hindi ka nag sasara ng pinto? Tapos ako pa yung bastos ngayun? galing mo din noh?!

Nakita mo na kasi bukas yung ilaw diba it means may tao.

Ayos din kasalan ko pa. Ikaw tong hindi marunong magsara ng pinto eh! Bilisan mo na dyan gagamit din ako..

Nang matapos ako umakyat na agad ako sa kwarto ko haist! "Aga aga naiinis ako leche plan! talaga.😠😠😠 Yung Ivan na yun ang yabang akala mo sinong gwapo".. 😡😡😡 "Well gwapo naman talaga sya tapos ang cute pa nya aaaaahhhhh! anu ba tong iniisip ko naiinis na nga ako sa kanya tapos ganito pa?!" Nababaliw na ako eh! mabuti pa matulog muna ako maaga pa naman at mamaya pa pasok ko..

After 4hours...
Bumangon na ako para pumasok. Pag baba ko naligo agad ako mabilis lang ako natapos pati sa pag aayos ayoko kasing malate at baka matraffic pa ako.

Jean calling...

Break ko at tumawag si jean bakit kaya?

Hello bee..
Bakit napatawag ka?

Aga mo umalis bee may sasabihin pa naman ako sayo.

Sorry bee opening kasi ako, maaga pa kaya hindi na kita ginising pa. Anu ba yung sasabihin mo?

Aalis kasi kami ni Jack punta kami sa vigan mag tour kami kasama family nya mga 1 week din kami doon. Nasabi ko na din kay Ivan na aalis ako so kayo muna dalawa sa bahay. Okay lang ba sayo bee?

"Bee naman bakit mo ako iiwan don sa napakayabang mong pinsan?" Pero wala naman ako magagawa bee eh! Okay lang basta ingat kayo.
Kelan ba alis nyo?

Ahahaha.. anu kaba mabait yung pinsan ko.
Mamaya na ako aalis bee nag aayos na ako ng gamit ko tumawag lang ako para paalam sayo bee..
Wag kayong mag away dalawa ah!
Sige bye beeee....

Haist! sana nga mabait talaga sya hindi kasi yun ang nakikita ko eh.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa grocery para bumili ng personal hygiene ko at ulam namin ni yabang..

Pag dating sa bahay wala pa sya kaya nag luto muna nag linis at nag ayos ng mga nakakalat.
Nagpahinga muna ako sandali bago kumain. Wala pa din sya kaya nag iwan muna ako ng noted sa ref.

"Im sorry pala kanina kong nasabihan kitang bastos. Nag luto ako ng sinigang kumain ka nalang dyan." ^_^

Umakyat na ako sa kwarto at nag pahinga. Mabilis lang akong nakatulog siguro dala na din ng pagod.

1:30 am nagising ako may narinig kasi ako ingay sa baba eh. Kaya bumaba ako para tignan. May kumakatok sa pinto at nag sisisigaw pa.

Hoy! panget buksan mo ang pinto....

"Aba't talaga naman tawaging akong panget. Sa ganda kong to bulag ata yun!" Binuksan ko yung pinto para tumahimik na sya ang ingay nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

_THE ONE_ Where stories live. Discover now