[1] - Pusong Bato

19 1 0
                                    

* Everything here is a work of my zzzzzzzzzzt imagination. ;) *

* The story will have several points of view. And it may vary per chapter. *

 * Enjoy. :) *

NARRATOR.

Isang panibagong araw na naman ang kakaharapin nitong si Emerald Paige Dela Cruz. For short, kung tinatamad kayo, pwede namang Emery na lang ang itawag niyo sa kanya. Mas gusto niya yun kasi tinatamad siyang bigkasin ang four syllables ng pangalan niya. Pati na rin ang kabaduyan ng second name niya. Anyway, sobrang haba na ng intro sa pangalan niya. Move on na.

Nag-aaral siya sa isang private school. 3rd Year. Tuwang-tuwa nga siya e, di sila aabutan ng k-12. Kung alam lang niya ang perks nun, di siya magiging sobrang saya. Duuh.

Scholar siya. Talino e. First honor mula tumuntong sa pag-aaral. Siya na. Abnormal utak niya e.

Kaso bobo naman pagdating sa pag-ibig. Bakit? Marami nang nanligaw sa kanya. Marami nang totoong umibig sa kanya, pero lahat yun, rejected. Tas kapag naman siya naiinlove, di naman siya mahal. Bobo forevs. Bobo. Yan siguro talaga ang downfall ng pagiging matalino. Tulad ngayon, yung crush niya, sikat sa buong school nila. Umaabot pa nga sa ibang school yung printed face niya e. Wala nga lang utak. Meron naman, kaso puro utot siguro ang laman?

Kaya siguro ang drama niya sa prologue? Siya yun e. Hinahangad na kahit once, ONCE lang daw e tumingin sa kanya si ... :) Well. Tumitingin naman sa kanya. Ayan. Wish granted. Kaso, iniirapan lang siya.

Gusto ko nang matapos tong katangahan nitong babaeng to kaya simulan na natin ang storya. Wait, ako ba sagabal? Oo ata. Ito na. Atat naman e.

"Emereeeeeh." Narinig niyang sigaw.

EMERY.

Abcedee. Absidi. Abcd. Wag ngayon. Busy ako.

Inalog-alog ako ng aking magaling na bestfriend. "Oh bakiiiit?"

"Paano ba tong number 4? Ito na lang tas number 5 na ako e!"

"Ay malamang. Pagkatapos ng 4 ay 5 di ba? Ngalan namang 10?"

"Corny mo. Dali na!!!" Sigaw niya tapos sabay lapag ng Algebra notebook niya sa desk ko. Shocks naman e. Kahit sinabi ng narrator na yun na top 1 ako e hindi mo namang maiaalis sa akin ang pagkabobo sa Algeb! O di ba, bobo na nga sa pag-ibig, bobo pa sa Algebra!! Waaa. Kahit sabaw utak ko, ako pa rin inaasahan ng mokong na to! >_<

Nagkamot ako ng ulo nung makita ko yung notebook ni Abcedee. Puro erasures. Wala akong maintindihan. "Tapusin ko lang tong last number. Try mo na ring i-figure out yang dapat gawin. Mag-base ka sa notes natin," sabi ko.

"Kdot." Yun na lang nasabi niya at kinuha pabalik yung notebook niya. OKAYDOT Anong gagawin ko?! Kailangan ba lahat iasa sa akin? Porke't ba kaibigan ako e oo lang parati ang sagot ko?! Minsan talaga may pagka-insensitive tong kaibigan ko. Pero mahal ko yan oy. Di ako tomboy oy. As a sister (madre), bestfriend, o whatever.

Leche.

"Emery."

Bakit biglang gumanda pangalan ko? Anyare? Bakit biglang naging soothing na music para sa mga tenga ko? Pumapalakpak na nga ito kahit magkalayo silang dalawa. Samahan mo pa ng bass galing sa puso ko. Patay na. Ahhhhhh.

Nagbibilang ako sa kamay. Wag ka nga. Nadidistract ako e.

"Emery..."

Inulit niya ulit. What?

NARRATOR.

INULIT NIYA ULIT! Yan capslock na para with feelings. Sana maramdaman mo Emery. At sana pansinin mo na siya para kahit papaano e may maidagdag ka na sa 'Book of My Experiences with Crush'. Yung libro na iyon ang pinakawalang-kwenta sa library mo. Promise.

Total OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon