* Di ako marunong ng gay lingooo. So please bear with me. :) *
EMERY.
Tinatawanan ako ni Abcedee habang kumakain. Sinasabi niyang 'WASAK na ang high school love life ko dahil sa nangyari kanina. Si Sky kasi e! Kung di lang umepal, diusko ... NAGPAPANTASYA NA AKO! Bakit? Kasi nasa harap ko si Shale! K. Tama na ang harot. -_- Kasi may mga dumaraan na masasama ang tingin.
"Oy. Anung tinitingin-tingin niyo diyan?" tanong ni Abcedee sa mga grade 8 na hine-head-to-foot ako. Ganun ba ako kaganda para ganunin? Argh. Hahaha. Charot. Agad namang nagsilayasan yung mga grade 8 na yun sa harapan namin. Ang taray talaga ni bestfriend!
"Ui Sky naman kasi, bakit mo naman ginulat si Ems?" baling naman ng atensyon ni Abcedee kay Sky. Ito na, sermon to the max na ito, courtesy of Abcedee Co.
Hindi naman kaagad nakaimik itong si Sky.
Get ready ...
"E kasi naman chuchu ekeklabu itong si Shalelalu. Kala mo naman kung sinong kay gwafu na mukha namang Wafu! E sobrang immature kagaya ng mga sinubsob sa lababuu!"
Huu. Buti na lang di siya tuluy-tuloy! :') Kung hindi, invisible na yung nosebleed ko. And at least, di siya tuluy-tuloy di katulad pag kami-kami lang.
Okay. Nakakatawa siya. Pero wala e. Nakakaguilty. Crush ko pa naman yun. Alam niyo naman siguro yung feeling na parang mareject ka ng isang taong pinapahalagahan mo. Wait. Chapter 2 pa lang ah. Bakit ako nagdadrama kaagad?! Argh.
"Mare. May pag-asa ba talaga ako?" I blurt out. Di ko na pinansin yung huling sabi ni Sky. Tapos na lahat. Wala nang magagawa yung pagrereklamo. =_= Nakatingin lang ako sa baba nung tinanong ko yun. Syempre, may parte sa aking umaasa. May parteng alam na wala talaga.
"Pag-asa? As in kung sunny, rainy, stormy?" sagot ni Abcedee.
"Pag-asa! HOPE!"
"Honestly?"
Tumango ako.
"Wala. Kasi naman. Konting thickness na lang dyan sa thin-frame glasses mo e, kamukha mo na si Betty La Fea! Braces, check. Glasses, check. Nerd brain, check. Parating nakapusod ang buhok, check. Buti na nga lang din e hindi makapal yang eyebrows mo kung hindi, nakuu lang."
Awts.
"Oh. Truth sucks. Owww."
Binatukan naman ni Sky si Abcedee.
SKY.
Binatukan ko si Abcedee. Kasi naman. Kawawa masyado si Ems. Masyado kasing prangka. Masyadong straight-to-the-point! Pwede namang konti-kontiin. Yung di naman nakakasakit. Di ko rin naman masisi si Emery. Isang taon na rin siyang umaasa run e. Kasama ako run.
Kaso masakit.
"Eyyy. Sakit nun! Leche ka Sky! Ikaw may kasalanan lahat!"
Kitams. Sobra bunganga nito. ._.
"You're soooo over the limit, over the bakod, and below the belt na e! You know thuuuut?"
Inirapan lang ako at sinamaan ng tingin.
Pero kahit napakaimmature nitong si Abcedee, pinakamamahal namin yang bunso ni Emery.
NARRATOR.
Sorry naman kung nakalimutan kong iintroduce itong mga friendship ni Emery. Di naman kasi inaasahan yung echos na nangyari kanina e. :) Peace!
BINABASA MO ANG
Total Opposites
Genç KurguSi Jewel ay isang scholar. Si Shale ay isang anak-mayaman. See as their lives interact and intertwine. :) Will they attract each other? Or just repel just like any other? <3