Chapter 1: Awards Night

570 17 5
                                    

 Princess' POV

"The Best Female Group goes to.."

OMG

"PINK! Congratulations!"

Sino raw? Pakiulit nga. Di ko narinig. Bingi lang?

"Huy, tama na ang drama. Halika na! Kunin na natin ang award. Mukha kang timang." -Dani

Ganun?

"Excited lang Dani?" -ako

"Oo. Exciited na akong ihampas ang trophy sa mga hayop sa gilid natin." -Dani

Haha! Ang tinutukoy ni Dani na mga hayop ay ang BLUE. Our Rival. Actually, boy group sila. Mga hayop nga.

"Wag. Masyadong precious ang trophy para sa mukha nila." -Kria

"May mukha ba sila?" -Jessica

Nandito na pala kami sa stage. Syempre, cameras are flashing. Chos

"Wow. Thank you so much! Thank you to our President, Ms. Che, Manager Cristina and especially to our Fans. I love you all!"

Yan lang ang speech ko. Tinatamad ako. Di na rin nagsalita ang ibang members kasi trip lang daw nila. Mga traidor.

Tiningnan ko naman ang BLUE. Well, nakangisi lang ang mga gunggung. Tss

Gwapo naman sila eh. Pero syempre joke lang. Duh. Asan banda? Yung leader mukhang sabon, ang isa mukhang dahon, may mukhang langgam at may mukhang ngipin. Hays! Di naman sa nanlalait pero gwapo talaga sila. Hate ko nga lang. Ay hate pala namin.

"And the Best Male Group goes to.."

Okay. Sa sobrang daldal ko, nasa male group na pala.

Err. Sino kaya? Not them. Please.

"BLUE!"

"Waaaaaaaaaah!" tilian ng mga fans nila

Shit!

Dumaan naman sila sa harapan namin kahit may daanan naman sa kabila. Nananadya lang? Mga papansin. Sus! May award din kami no. Kala niyo.

Matapos ang ilang satsat nung leader na mukhang sabon...

Sa wakas! Natapos na. Lul

"Ang OA naman nung isa! Perstym brad?" -Kria

"Yung smile niya, nakaka menopause. Sarap tanggalan ng balat sa utak." -Jessica

"Chika niya sa mga babae niyang mukhang lapis." -Dani

Hahaha! They are really my girls.

"The Artist of the Year goes to.."

OMG ulit

Ang ingay na. Yung parang may sabong. Kanya-kanyang manok. Di na maintindihan. Kasabay na rin ang tibok ng pusok ko. Chos! Natural buhay ko. Tanga lang? Joke. Kinakabahan nga kasi ako. Baka matalo kami ng BLUE. Ang reputasyon namin. Reputasyon natin GIRLS. Char. Hindi naman sa sinasabi ko na mas sikat ang BLUE. Pero malay mo diba? May daya. Hehe

"Congratulations T.E!"

"WHAT?!"

Tumahimik naman ang arena. Halos lahat nabigla.

Busker Busker lang ang peg? Eh kasi naman PINK at BLUE lang ang naglalaban tapos T.E ang nanalo? Joke ba to? Hays. Pero okay na yun kaysa naman sa BLUE ang nanalo diba? Diba? Diba? Oo na.

"Girls? Let's go home?"

Pag-aaya sa amin ni Manager Cristina. Maganda yan! Dalaga pa. Sexy like me. Ahem! Nganga nalang kayo.

Boys vs. GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon