Brix's POV
"HOY! MGA GWAPO! GISING NA!" -Mami Ken
Lakumpake. Kahit na hindi ako bumangon, gwapo pa rin ako. Mabuti sana kung may...
"CHIX OH!" -Mami Ken
Agad akong napabangon.
"Asan?!" -ako
"SABI KO NA NGA BA! NANDITO NA SA HARAP MO! TANGA!" -Mami Ken
"Nge? Anlaking Chix." -ako
"FEEL MO GWAPO KA? MALIGO KANA NGA!" -Mami Ken
Ayan na naman! Warshak talaga si Mami. Kaya nga naka CAPS eh. Pansin ko lang ha, simula nung nag-aral kami, every morning, sigawan. Lalo na pagdating sa liguan. Haha Wattalife
"Mami, lumabas ka na nga!" -Brent
"Naku po! Pasensya kana Mami. May bisita kasi yan si Brent. Yung every month dumadating." -EL
Sinamaan siya ng tingin ni Brent.
"Joke? Hehe." -EL
"OO NA!" -Mami Ken
Tapos ayun! Naligo na kami at syempre nagpagwapo. Kahit di na kailangan dahil gwapo na kami pero ganun talaga. Naligo ulit ako ng perfume. Babe Magnet. Naks! Sayang nga dahil di ako makapagbar. Mayado kasing good boy si Brent. Pati ako dinamay. Makahanap na nga lang ng paglibangan.
CONTACTS
*AAA
*Ana
*April
A-Z
Si April na nga lang! Schoolmate ko. NAMIN. Actually, last week pa to nag-aaya sakin kaso busy ako eh. Busy kay Florence. Hehe
"Hello April? Are you busy?"
"No. Why?" -April
"Wanna Hang out?"
"Sure!" -April
"Okay babe! See you later!"
DANI'S POV
2nd week na kaming nag-aaral. Hays. Parang kelan lang. Nag-aalala na fans namin. Buti nalang nandyan sila. Sa 2 weeks na yan, puro away! Nakakasawa na. Pati mga mukha nila.
Anyways, recess na at nandito kami ngayon sa Cafeteria. Gutom eh
"Uy! Tingnan mo si Brix oh! May bagong kalandian!" -Kria
"Di ka pa nasanay?" Princess
"Hanggang dito ba naman? Hayst. Last week, iba yung girl ah." -Jessica
Tiningnan ko lang si Brix at ang kalandian niya.
Ang sweet nila. Sinusubuan niya si Brix ng pako. Joke. Nagsusubuan sila. Ang saya-saya nga nung babae. Halatang in love. Si Brix naman, ewan. Kailan ba naging in love yan?
Hays. May namiss ako. Every lunch, dinadalhan niya ako ng pagkain. Syempre yung luto niya. Ewan ko kung totoo. Minsan pag nagtatampo ako, luto niya lang ang katapat.
SHET.
Napatingin naman si Brix at agad akong tumingin sa baba. Tago-tago din pag may time. LUL.
Tumingin ulit ako sa kanila. Nagtatawanan. Ang saya talaga nila. Namiss ko yung mga banat at corny jokes niya. Corny but sweet. Iba kasi talaga pag galing sa kanya.
Tumingin ulit siya.
Kunwari nagbabasa ako ng libro. Wew
Tumingin ulit ako. Haha! Dakilang chismosa eh.