Chapter Five

948 32 3
                                    

Our Rules



Two days ago ay masyadong naging boring sa bahay. Saturday and Sunday wala kaming pasok sa campus at ang mas matindi ay hindi ko nakikita si Kuya Ace kahit na nandito lang siya sa loob ng bahay namin. Nagkukulong lang siya sa kwarto niya.

After ng pag uusap namin with Mom and Dad ay naging ganito na siya. Pakiramdam ko umiiwas siya sakin :'( o baka napa paranoid lang ako? Hindi siya ganito noon. People change nga talaga siguro.

Naalala ko na naman iyong pangako niya sa akin. Na pakakasalan niya ako in the right time. Hindi na ako umaasa doon. First, magpinsan kami at hindi pwede yon. And lastly, magkapatid pala kami in real life at mas lalong hindi pwede iyon. Narealize ko lang din iyon ng mag kaisip nako na hindi pwede ang naisip niya noon at mga bata pa kami ng mga panahon na iyon.

Ipinaliwanag na sa akin ni Dad kong paano naging magkapatid kami ni Kuya Ace.

Noong pinagbubuntis ni Mommy si Kuya Ace ay lumagpak sila sa hirap dahil sa halos na pagkadis gusto nila Grandma at Grandpa kay Daddy. Ayaw nila kay Daddy noon dahil sa isang hamak na vendor lamang ito sa palengke noong binata pa siya. Nag tanan silang dalawa dahil sa pagtutol nila Grandma. Mahal na mahal nila ang isa't isa. At doon na nabuo si Kuya Ace.

Sa hospital naipanganak si kuya. At wala noon sila Mommy kaya ipinagkatiwala na muna kay Tita Jen si Kuya Ace. At itinuring na sariling anak. Dahil sa nag sikap sila Mommy ay nagawa nila ang umangat sa buhay kaya heto kami ngayon. At payag naman daw si Tita Jen basta lagi pa rin niya makakasama si kuya kada uuwe siya ng bansa.

So ayun nga ang paliwanag nila Daddy.

Tanggap ko ..

Pero

Bakit may side sa akin na nasasaktan ako?

----

Nakasakay na ako ngayon sa kotse namin. Papasok na ako ng campus. Naglalaro lang ako ng Candy Crush sa iPhone6s ko habang naghihintay kay Manong Fred na driver ng family namin.

Biglang bumukas ang isa sa pintuan ng kotse habang busy pa rin ako kakalaro

"Manong Fred bilisan na po natin baka malate po kasi ako eh." Ang tanging sabe ko na lang dahil busy ako

"Kamukha ko na ba talaga si Manong Fred para maging driver?"

Natigilan ako sa pagdutdot sa cellphone. That voice.

Unti unti kong inangat ang ulo ko

Siya nga! Nakatingin siya sa akin. Nakaupo siya sa driver seat.

Babatiin ko ba siya ng good morning? Eh nahihiya ako. Dalawang araw kaming Hindi nagkita kahit nasa bahay lang siya.

"Ahmmm... " pag sisimula ko

"Good morning ...... Kuya." Pabulong kong sabe. Hindi naman niya maririnig yon dahil sa sobrang hina.

"Good morning too Akesha." Nagulat ako sa pagbati niya.

So narinig pa niya yon?

"Akesha dito ka sa tabi ko umupo" sabe niya habang nakangiti sa akin

DUG!

Ano yun??

Saan galing yon?

"Akesha?"

"Huh?" Saan ba galing yong tunog na yon? Whatever.

"I said dito ka sa tabe ko umupo." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ahmm ok" nasagot ko na lang

Bumaba akong kotse at umupo sa katabe niya at nagmaneho na siya.

Seven minutes na ng magsimula siyang magsalita.

"Akesha"

"Yes Kuya?"

"Alam mong sa school mo ako mag aaral right?" Tanong niya.

Tumango na lang ako bilang sagot

"Ok. Let's make a rules. First, don't call me kuya inside the campus-"

"But why?" Putol ko sa sinasabe niya

"Patapusin mo muna ako Akesha ok?"siya

Tumango na lang ulit ako

" Good. First, don't call me kuya inside the campus. Second, pretend that we don't know each other"

"Kuy--" putol niya sa pag singit ko

"Akesha. Third, ayokong may makaalam na magkapatid tayo. Kahit sino pa iyan. Tayong dalawa lang ang nakakaalam."

Nagulat ako sa mga binigay niyang rules. Bakit ganon? Ayaw niya ba sakin?

"No. That's not what you think Baby" sabay haplos niya sa aking mukha. Yumuko na lamang ako

"Look at me baby." Maawtoridad niyang sabi

Itinaas kong muli ang mukha ko. Inihinto niya pala yong kotse sa tabe. Hindi ko napansin.

"Baby hindi lang ako sanay. Ipapaalam ko din iyon in the right time and in a right way. Kailangan ko lang muna masanay. I hope you understand baby. Malelate na tayo sige ka." Nakangiti siya habang sinasabe niya iyan

"Ok"

Iyan na lang sinagot ko. Nasasaktan ako sa ginawa niyang rules:'( hindi ko nagawang magprotesta sa gusto niya mangyare. Pero bakit yong dibdib ko gustong gusto magprotesta sa nangyare?

***

VOTE

COMMENT

FOLLOW

My Hot BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon