Anyare?

33 3 0
                                    

Hindi ko alam. Tumigil nalang ako bigla magsulat.

TUMIGIL.

Pero hindi ako magmamaang-maangan na hindi ko alam kung bakit ako tumigil. Alam na alam ko kung bakit.

Nagmartsa kasi ako sa PICC, nakapag-board exam na rin (na kasalukuyang naghihintay ng results, Oh Lord HALP), at kung ano-anong pangyayari pa sa buhay ang nangyari. 

Pero may isa akong natutunan. 

Isang bagay na nakalimutan kong pahalagahan.

Iyon ay ang mahalin ang sarili ko.

Kasi doon lang pala nagmumula ang malalim na kasiyahaan, ang matutong mahalin at tanggapin ang sarili mong hindi perpekto at palpak.

May nagpaalala na ba sa'yo? Na importanteng mahalin mo ang sarili mo? O wala pa?

Baka ngayong araw, puwede mo nang simulan. 


(Sinulat ko lang ang bigla-biglang pumitik sa aking utak.)

Pitik ng Aking UtakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon