Chapter 1: Intro

97 7 2
                                    

   Isa akong College student na tanging iniisip ay pag-aaral. Ako nga pala si Zedric Vastro,17 years old at nakatira sa isang napakalaking mansyon kung saan ako lng ang nakatira at ang mga katulong kong utusan ko lang.

   Mahirap mamuhay mag-isa kung ang mga magulang mo ay nasa ibang bansa at nagpapakasaya habang ako naman ay nag-iisa at sawang sawa na sa mga luhong binibigay nila. Kaya itinuon ko na lang ang attention ko sa pag-aaral. Maraming nagsasabi na nerd ako pero di ko na lang pinapakinggan dahil alam ko namang hindi totoo.

   Meron din naman akong mga kaibigan kaso nagkahiwahiwalay kami nang lumipat ako sa St. Joseph College. Nandon ang mga katulad ko ring mayayaman pero kahit papaano meron ding mga scholars, kagaya ni Ellaine Barbosa. Ang babaeng umagaw sa pansin ko. Pero pag lumalapit na siya nanginginig ang tuhod ko. Di ko pinapahalata iyon kapag kausap ko siya at oo nga pala classmates rin kami. Tuwing magtatanong siya sakin tungkol sa mga assignments hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kaya dun ko nalaman na .........In love na ko........

Ang Kwento ng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon