Chapter 1

0 0 0
                                    

Ayarra's POV

"Hi Ayarra!"

"Good Morning Ayarra!"

Bati nilang lahat sa akin. This is how I start my day in school. Bati dito, bati doon. Kaya ako ngiti nalang ng ngiti. Aba! Nakakangawit din po ng panga ah. Haaay!

By the way, before ako magdrama let me introduce myself first to you, I am Ayarra Guia-Arandez, 16 years old, a Senior High School student of Leighton University. I'm a bit popular in school. Bukod kasi sa pagiging consistent first honor ko since I transferred here, ako din yung palaging nagrerepresent sa school when it comes to beauty pageants, quiz bees, etc. Everyone expect a lot from me. Yung tipong hindi ako pwedeng magkamali.

"Hi Ate Ayarra! Sana po maging katulad mo ako." Manghang sabi ni Min nang mapadaan ako sa tapat ng classroom ng mga Junior High.

"Naku! Syempre naman. Kaya mo yan ^_^" Sagot ko naman sa kanya.

Gusto ng lahat maging ako pero bakit ako minsan naiisip kong maging simple lang yung ordinaryong estudyante ba. Ang ewan ko diba? Haha.

*Blag*

"Awwwwww.. Ang sakit naman nun!" Sambit ko habang pinupulot ng isang kamay ang mga nalaglag kong files at ang isa nama'y nagmamasahe sa ulo kong napatama sa pader.

"HAHAHAHAHA"

Sino kaya yun?

>_>

<_<

Nakita ko sa isang sulok ang isang lalaking halos mamatay na yata sa kakatawa.

"Ako ba yung tinatawanan mo?" Takhang tanong ko sa lalaki habang palinga-linga pa at baka nag-aassume lang ako.

"Eh sino pa ba? May nakikita ka pa bang ibang tao dito bukod satin? HAHAHAHA" Tuloy parin siya sa pagtawa.

"Ano bang nakakatawa?" Tanong kong muli sa kanya.

"Tinatanong mo talaga yan? Ikaw! Ang tanga mo kasi hindi mo man lang napansin na babangga ka na sa pader." Paliwanag niya habang nakangiti na lamang.

"Ako? Tanga? HAHAHA. Oo nga ano!" Sagot ko sa kanya habang nakikitawa na din. Pero napansin kong nawala na yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng isang nagtatakang tingin.

"Oh bakit ganyan ka naman ngayon makatingin?" Muli kong tanong sa kanya.

"Hindi ka man lang ba naiinis? Sinabihan kaya kita ng tanga."

"Ah ayun ba! Haha. Natutuwa nga ako eh."

"Huh? Pinaglololoko mo ba ako?" Kunot noo niyang tanong.

"Hindi ah. Ngayon lang kasi may nakapansing nagkakamali din ako. Mukha ba akong baliw? Hahaha." Nakangiti ko na lamang na sagot sa kanya.

"May ganung tao pala? Weird! Bakit ako kulang nalang itakwil ng magulang ko kapag nagkakamali?" Napansin ko ang lungkot sa mga mata habang sinasabi yon.

Gusto ko pa sana siyang makakwentuhan kaso napatingin na ako sa relo at nakitang 1 minutes nalang bago magstart ang class ko.

"Hala! Late na akooooo. Bye Mr. ?????" Hindi ko na pala nalaman pangalan niya. I'll see him around pa naman siguro.

May isinigaw pa siya kaso hindi ko na narinig kasi nagmamadali na talaga ako.

Napaisip tuloy ako. Sino kaya siya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SearchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon