CHAPTER 1: ANG MISTERYOSANG BABAITA

16.1K 108 33
                                    

Balak ni Aling Pukelya na mag picture picture sa loob ng pulang mansyon at kumuha ng kayamanan ng hindi nahahalata ng mga nilalang sa loob.


Nasa Hallway na sya, pagkahaba-habang Hallway.  Ang dilim din dito tanging liwanag lamang ng buwan mula sa labas ng bintana ang tumutulong sa kanya upang maaninag ang daanan. 


Nalimutan kong sabihin na gabi sumalakay si Aling Pukelya sa pulang mansyon, dahil para exciting daw ayon lang ito sa kanyang opinyon.


hinahanap nya ang kusina.


Sa dami ng pinto na nakikita nya ay hindi sya magkamayaw kung ano ang uunahin nya.


"Click! Click!" tunog ng cellphone nya dahil picture sya ng picture, bawat bagay na madaanan nya ay kinukuhanan nya walang pinapalampas.


Hindi alintana ni Aling Pukelya kung maligaw man sya dahil ang nangingibabaw ngayon sa kanya ay ang pagkagarapal nya sa salapi. 

Napagod si Aling Pukelya kakalakad at kaka-pose dahil sa walang tigil ito sa pagse-selfie kanina.


Malaking bulas din na babae si Aling Pukelya dahil may pagkamatakaw at pataygutom ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos,matapos nitong ubusin ang isang kalderong kanin, kasama narin yung kaldero at sandok, ay nanghihingi pa ito ng kaning tutong sa kapitbahay. Ito ang mga dahilan kung bakit mabilis maubusan ng energy si Aling Pukelya.


Tamang-tama naman at pagkabukas nya ng ika-isang daan at isang pinto ay tumambad sa kanya ang napakalaking kama.


Para itong kama ni Sleeping Beauty, napakaganda at may pagka-kikay ang dating, halos pink lahat, malande siguro ang nagmamay-ari, ngunit dahil balak itong higaan ni Aling Pukelya ay magmimistulan na itong kama ni Kurimaw.


"Yawwnnn...makaidlip muna saglit baka masira ang aking beauty..." sambit ni Aling Pukelya na hindi man lamang nahiya sa sarili at sa mukha nitong bitak-bitak.


Mabilis na inihampas ni Aling Pukelya ang kanyang katawan sa malambot na kama. Tumalbog-talbog pa ito dahil sa laki ng katawan.


Tuwang-tuwa si Aling Pukelya, para pa itong paslit na naglaro sa kama.


"Wahahahahhhahahaha!!!" malakas na halakhak ni Aling Pukelya.


Maya-maya pa'y napatigil ito ng tila may marinig na tinig mula sa kama.


"Uiyy aalishka dyianiien dei akoumahhka hieenghahh..."


Napabalikwas si Aling Pukelya.


Humarap sya sa kama at nakita nya na may nakahiga palang iba.

Ngayon lamang ito napansin ni Aling Pukelya kaya maaaring kanina pa nya ito nadadaganan.


"Sino ka anong ginagawa mo dito?!" galit na sigaw ni Aling Pukelya na akala mo sya ang may-ari ng kama.

ANG BABAENG HAROT (BEWARE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon