CHAPTER 4: THE KURIMAW ADVENTURE PART I

2.9K 28 4
                                    

Tagal kong nawala, mga 2 days yata tahaha! Kamusta kayo? kung ano mang kalagayan nyo wala akong pake! hehe joke lang, ibig kong sabihin ay ano mang mood ang meron kayo ngayon ay siguradong mapapangiti na naman kayo sapagkat naririto na naman muli ako upang maghatid ng kapogian at katalinuhan.





Malalim na ang gabi. Wala ng anumang ingay na madidinig. Tulog na ang mga tao sa paligid. Sinong mag-aakalang may binabalak na kahangalan ang isang batang babaeng nagngingitngit sa galit.


Kasulukuyang tumatakas ngayon sa Rodriquez Mansion si Senyorita Jillian, ang batang nagmilagro ng suka.


Nagpasyang lisanin ni Jillian ang mansyon dahil sa pakirandam nito'y palagi syang pinaghihigpitan ng ina.


Nagtalo si Donya Pukelya at si Senyorita Jillian kanina lamang tanghali, at iyon ang nagbigay dahilan upang maglayas na ang bata.


Naalala ni Jillian ang kaganapan noong mga oras na yaon.


"Mommy gusto ko boyfriend!" sambit ng bata sa ina habang lumalamon sila sa may salas.


"Bebe ko hindi pwede!" ani ng donya.


"Bakit bawal? dahil 5 years old lang ako?" may halong tampo sa boses ng senyorita.


"Hindi anak! dahil di pa ako nagkakaboyfriend! dapat ako muna una bago ikaw!" mungkahi ni Donya Pukelya.


"Di ako payag huhuhuhhwaa! ayaw ko na sayo Mommy!" atungal ng bata na sobrang sakit sa teenga dahil sa lakas ng bunganga.


Blahblahblah.......

.

.

.

.

.

Samantala, balikan natin ang Senyorita.


Bubuksan na ni Jillian ang pagkalakeng gate ng kanilang Mansyon upang makalabas na ng biglang..


Pururutprooottutututt!!! Boom boom!


Napautot ang bata ng pagkahaba-haba. Kumukulo na ang tiyan nito hudyat na ng pagtawag ng kalikasan.


"Di ko na kaya, arrghh! la-labas na!" habang nagpipigil.


Hindi na umabot si Jillian sa banyo kaya may bahagyan tae-tae na ito sa kanyang panti. Yuckk!!


Habang tumatakbo ay nakita niya ang Garden nila kaya doon na lamang dumeretso ito at nagpasyang sa mga tanin ipagpatuloy ang kanyang seremonya.


"Ayun mga potato, dun ako para di halata"


Sa Garden na ito madalas kumuha ng mga pansahog sa ulam ang mga kusinera ni Donya Pukelya. Malas lamang ng kukuha ng patatas kapag napagkamalan nitong tanin din ang potato ni Jillian.

ANG BABAENG HAROT (BEWARE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon