My destiny

350 23 3
                                    

"Anjie! Kanina pa tayo paikot-ikot dito pero hindi ka naman bumibili! Ang sakit na ng paa ko!!" reklamo ng katabi ko, yeah, katabi ko lang pero kung makapagsalita akala mo naman nasa kabilang baryo ako! Hinarap ko siya na nasa likod ko at kasalukuyang nakahawak sa tuhod niya na para bang tumakbo ng marathon! Napabuntong hininga ako atsaka may tinuro sa kaliwa niya kaya napatingin siya at biglang kuminang ang mata at mabilis pa sa alas kwatro naka upo na sa upuan na tinuro ko. Napa buntong hininga na lang ako ng nakita ko pa siyang halos humiga na kaya pinagtitinginan siya ng mga tao. Maganda nga baliw naman!

"Alam naman kasi na magmo mall tayo. I actually said it to you several times this day! Pero ano? Ayaw paawat! Naka stilleto ka parin. Talagang sasakit paa mo niyan." sabi ko habang nakatayo sa gilid niya at naka cross arms pa. Tumayo siya, not literally. Parang inangat niya lang ang ulo niya atsaka tumingin sakin.

"Alam mo, kahit ata isang linggo tayo rito at kahit mapudpud na tong seven inches kong stilleto hindi ka parin makakahanap ng damit! Duh! Nasa men's selection tayo! Hello! Earth to Anjie!" sabi niya sabay irap habang winawagayway niya pa yung kamay niya atsaka umupo ng maayos. Napabuntong hininga na lang ako atsaka tumabi sakanya. Nakakapagod naman. Tatlong oras na ata kami dito kaya nagrereklamo na siya pati ang mga paa niya. Patay na ata ang mga daliri ni Sarah eh. Bukas ko na nga lang hahanapin yun, kawawa naman kasi siya. Napatingin ako sa kaliwa ko at napatili kaya ang resulta ayun nagduet pa kami ni Sarah. Nung tumigil ako tumigil din siya atsaka nahulog sa upuan niya. Mabilis kong hinablot ang damit na nakita ko at bumalik sa upuan inupuan namin kanina ni Sarah habang halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pagkakangiti ko. Lumapit siya sakin habang nakasimangot.

"AYAN!? AYAN LANG ANG PINUNTA MO RITO? NAMAGA NA ANG MGA PAA KO AT HALOS MAGTUMBLING NA AKO KANINA, AYAN LANG PA-" tinakpan ko na ang bibig niya kasi naman ang sama na ng tingin samin ng mga tao na nakakakita samin. Siguro bingo na kami, kanina pa kasi kami gumagawa ng eksena ni Sarah. Hinatak ko na lang siya atsaka nagbayad sa cashier. Kumain kami sa McDo ng parang may gera kaming pinaggalingan saka nagcommute pauwi. Bumaba na ako ng bus, mas nauuna kasi si Sarah bumaba kasi mas malapit sa mall ang subdivision nila. Naglakad na lang ako papunta sa bahay pero bago umuwi pumunta muna ako sa playground at umupo sa isang swing. Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko na ang bahay nila. Tiningnan ko ang isnag bintana kung saan kita ko siya, nakita kong hinahanda niya na ang sosoutin niya para bukas, napangiti na lang ako atsaka tiningnan ang damit na binili ko. Parehas kami. Actually mura lang yung t-shirt, ang cute nga kasi may design na Captain America at kulat olive green, ito lang naman ang dahilan kung bakit ako pumunta ng mall eh. Para magkaparehas kami, ulit. Tumayo na ako at nag-inat, tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 8 na ng gabi, nakakapagod! Naglakad na ako papunta sa bahay na taliwas sa direksyon ng bahay nila. Pero bago ako makalayo tiningnan ko ulit ang bintana ng kwarto niya at nakita kong nakatingin din siya banda sakin pero agad niya ring sinarado ang kurtina at pinatay ang ilaw. Mababaw man pero napangiti ako sa ginawa niya kahit hindi sure na sakin siya nakatingin dahil madilim pero, duh! Ako lang naman ang tao dito pwera na lang kung.....

"AHHHHH!!" mabilis akong tumakbo papunta samin atska nagdoor bell at pumasok na sa kwarto ko. Kakapagod! Nakakatakot! Baka... baka may nakita siyang multo kaya agad niyang sinarado yung kurtina... no way! Argh! Ako lang dapat! Kahit multo pa yan hindi ko hahayaan na humadlang dahil sakin lang si Micheal Gomez! My destiny!

Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok ngayong alam ko na wash day! Ibig sabihin pwede mag civilian! Naligo agad ako, tinagalan ko talaga para mabango ako at talagang malinis. Pagtapos nagbihis na ako at tiningnan ang reflection ko sa salamin. Cute! Naka maong pants ako na fit, suot ko yung t-shirt tapos may cardigan din ako at naka beige stiletto. Kinuha ko na ang bag ko atsaka bumaba for breakfast, umalis narin ako pagkatapos dala ang aking pink porsche customize car. Nagpark na ako saka pumunta sa room namin, pagpasok ko hinanap ko agad kung saan siya nakaupo, ng nakita ko lumapit ako dun atsaka umupo sa tabi niya na kasalukuyang nakayuko.

My destinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon