Hiyeeee. Pagpasensyahan nyo na po ung mga updates ko :D xD
Nakaphone lng po kasi eh. Sorry po :D xD Vote Comment and Share :)
-------------
Nathalie's POV
Grabe tlaga nangyari kagabi. Pero kinilig ako ah.
Flashback....
Nakarating na kami sa bahay. Nasa harap kami ng gate. Magpapaalam na sana ako ng biglang lumabas si mommy.
"Anak, sino yan? asan na kuya Jude mo?"
" Hi ma, (nilapitan ko si mama, nagmano at nagbeso) si Baldwin po pala. Remember? Ung friend ni Jade"
"Ah. O hi iho. kamusta? Oo nga parang tanda kita."
"Good evening ho" nagmano din sya.
biglang lumabas si daddy
"Ma, sino yan? sila Nathalie na ba yan?"
Booom. Nakita ni daddy si Baldwin. Awtsuuuuuu. -.-. Kinakabahan ako
"Dad kaibigan ni Jade hinatid si Nathalie"
"Ah oo. Nagtext sa akin si Jude. Halina kayo sa loob."
Tinignan ko si Baldwin pero mukhang nagugustuhan nya ang mga nangyayari.
"Iho, dito kana maghapunan ah."
"Ay tito, wag na po. Kakakain lang din po namin ni Nat. "
"Nagdate kayo anak?"
"No ma. Wala. Basta. "
"Nako Jaime, dalaga na anak natin"
Parang timang sila. tuwang tuwa naman tong si Baldwin. Ano kaya un. Ayt. haha.
"Ahm, tito, tita. Nandito na naman po ako, I want to grab this opportunity....... Gusto ko po sanang ligawan ang anak nyo"
"Sure iho basta dito mo sya liligawan ah. "
Napanganga na lang ako sa mga pangyayari. pumayag sila? si daddy pa talaga?! Nakakainis. Jade where are you? hahahaha
Ayun. after nilang magusap umuwi na si Baldwin. Hayyy. Liligawan nya ko. Seryoso n ba to?

BINABASA MO ANG
My Childhood Sweetheart
Fiksi RemajaStory ng dalawang Nagmamahalan na matagal na palang magal nila ang isat isa pero di nila alam. May haopy ending kaya sa kanila? :)