Chapter 5

32.5K 439 4
                                    

Nakita kong mukhang sasagot na si Julie Anne ng may biglang magsalita sa likod namin.

"Who’s pregnant? Are you going to be a father son?"

Napatingin kami sa nagsalita. Shoot!

"Mom?!" sigaw ko.

Bigla kong tinago si Julie sa likod ko. Parang natatakot siya kaya binaon niya ulo niya sa balikat ko.

"Hi! Ang tagal mo kasi e. Who’s this pretty lady at your back?" nakangiting tanong ni Mom

Nararamdaman kong nanginginig si Juls sa likod ko. Hinatak ko na siya sa tabi ko at hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Sobrang lamig ng kamay niya. Kinakabahan siya and so am I!

"Mom, this is Julie Anne" pakilala ko

"Oh. Hi hija! You’re so pretty" papuri ni Mom kay Julie

"S…Salamat po" takot na sagot ni Julie

"So, ano yung pinag uusapan niyo kanina? Who’s pregnant? Are you hija?" tanong ni Mom

Hindi pa ulit nakakasagot si Julie ng…

"Julie/Hija!" sabay na sigaw namin ni Mom.

… … …

Nagising na lang ako sa isang white room. Medyo nahihilo pa ako. Nasaan ako? Tatayo na sana ako ng maramdaman ang dextrose sa right hand ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon