Chapter 6

29.7K 422 6
                                    

Ilang araw na din mula ng nakalabas ako sa hospital. Pilit pa akong hinahatid ni Tita Eliza sa bahay pero tumanggi ako.

Kasama ko ngayon si Macy at Ada. Sila ang nag aalaga sa akin. Nandito kami ngayon sa veranda ng bahay ko. Nagpapahangin. Nagulat na lang ako ng hampasin ako ni Ada

“Ano ba yan!” reklamo ko

“Kanina ka pa kasi namin kinakausap hindi ka sumasagot”

“Oo nga. Tulaley lang ate?”

Napabuga na lang ako ng hangin.

“S..Sorry. Ano ba yung sinasabi niyo?”

“Sabi namin, sigurado ka ba talaga sa papasukin mo?”

“What do you mean?”

Simangutan daw ba ako? Kita mo tong mga babaeng to. Nagtatanong ang e

“Aishhh. Slowpoke! Ang ibig namin sabihin, sigurado ka ba na magpapakasal ka kay Elmo?”

“Naka oo na ko kay Tita Eliza diba?”

“Sigurado ka bang papasok ka sa isang loveless marriage ha Julieta?”

“E..Ewan ko! Hindi ko alam”

Hindi ko na naman napigil ang sarili ko. Tumulo na naman ang luha ko. Kainis. Nagiging iyakin na ako this past few days.

“Huwag ka ng umiyak diyan Julie. Makakasama yan sa baby”

“B..Bakit kasi ang tanga tanga ko e! Bakit ba kasi bumigay ako ng gabing yun? Bakit kasi nangyari to. Sana hindi ako matatali sa isang commitment na wala namang feelings!’ naiinis kong sabi.

Nag hahalu-halo na kasi ang nararamdaman ko. Takot sa pwedeng mangyari. Kaba kasi bagong mundo na naman ang papasukin ko. Guilt dahil pakiramdam ko, inahas ko ang boyfriend ng bestfriend ko. Sobrang hindi ko sinasadya. Ang tanga ko kasi e. Ang tanga tanga ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon