*Intro.
Malakas ang simoy ng hangin sa park ,hapon na at mainit ..
Pero hindi ito napapansin ng dalawang batang lalaki na naglalaro sa park .. Ang init , pagod sa paghahabolan nila at paghahagikgikan ng walang humpay.Habang ang mga nanay nila ay nag-uusap ng masinsinan sa may swing sa playground ng park .
" Jero, ayaw ko na !pagod na ako ." Hingal na sambit ng isang bata na 5 yrs.old. sa kalaro nila.
"Hahaha.. ,suko ka na agad ?! Nakaka-ilang ikot palang tayo Cael ahh !??" Masiglang hamon niya sa kalarong si Cael (Michael).
"Jero,talagang pagod na ako ehh..at ska ---" nanghihinang sabi ni Cael kay Jero (Jerome) at bigla nalang matumba sa harap ni Jero.
" hehe.. Cael , Huwag kang matulog dyan ..madudumihan ---" sabi ni Jero sa kalarong namumutla at hinahabol ang paghinga ..
Nang may sumigaw na Ginang sa kung saan .." MICHAEL !! MICHAEL ..MY SON !!!" sigaw ng Ginang palapit kay Cael at tinulak bigla si Jero sa pagkataranta nito .
" huhuhuhu ... Mama !!" Iyak ni Jero na natumba sa pagkatulak sa kanya ..nasaktan sa pakakatumba sa sahig!
" Mama .. Anong nangyayari kay Cael ..!? Huhuhu " naguguluhang tanong ng inosenteng si Jero ,habang nakayakap na siya ang kanyang Mama .
*Hospital*
Nagmamadaling naisugod sa ER si Cael ng mga nurse . habang si Jero , si Laura at si Clara ang mama ni Jerome .sa tapat ng pinto ng ER.
Walang tigil sa pag-iyak si Laura sa upuan samantalang si Clara nagpunta sa dial phone ng Hospital at may kinakausap .si Jerome nakatayo lang sa pinto ng ER. Na basang basa ang mukha galing sa pagiyak niya kanina ..
Ilang minuto pa ang makalipas may humila kay Jerome mula sa likod niya .
" JEROME .. ANONG GINAWA MO SA ANAK KO ,AHH!??" naggagalaiting nakatingin sa mata ni Jerome ang isang may edad na lalaki sa harapan niya .. Nakaramdam ng takot ang bata at pagsisisi sa sarili.
" Ano ka ba naman .. Miguel ?? Walang kasalanan ang anak ko sa nangyari .. Naglalaro lang naman sila kanina !!" Pagtatanggol ni Clara sa anak at ska nilayo sa lalaki ng nangangalang Miguel .
"Clara, naglalaro lang !? Naglalaro LANG ba !? Ahh.. Hmp ..Siguro sayo wala LANG yon .. Pero anak ko ang nandoon nasa loob ngayon.. AT HINDI YANG ANAK MO NA NANDITO KASAMA NATIN ..!" nahihirapang sabi ni Miguel na masasaktan sa sitwasyon ng kanyang pamilya .
Habang nakikita ni Jerome ang pagtatalo ng mga matatanda sa harap niya ..nakaramdam siya ng pagkatakot at pag-aalala sa kalagayan ng kalaro at matalik niyang kaibigan . kaya nasabi niya ang mga katagang ito ...
" T-tito Mmiguel ..huhu P-pinapangako ko po sa inyo na h-hindi ko po papahirapan o s-sasaktan ulit si Cael .. Dahil..D-dahil GUSTO KO PA SIYANG MABUHAY .. Huhu .. !! SIYA ANG KAISA ISA KONG KAIBIGAN .."
Naging tahimik ang mga sandaling yon .pawang paghagol hol ng iisang batang nagmamakaawa na magising ang kanyang kaibigan sa loob ng isang silid.
** AFTER 10 YEAR AGO ***
--to be Continue
**
BINABASA MO ANG
Ex ako ng Fiance Ni BFF* (complete)/R18
RomanceIto ay fiction story na patungkol sa Dalawang Matalik na Magkaibigan na sila Michael at Jerome . Na magmamahal ng iisang babaeng si Isabel. Si Isabel ay Ex-Boyfriend ang isa sa kanilang mag-BFF at ang isa naman ay Fiance niya para sa Negosyo ng Pam...